Lumaktaw sa pangunahing content

Ano ba ang magandang regalo?



Ano nga ba talaga ang magandang regalo?

 

Madalas naririnig ang tanong na yan ngayon. Ilang araw na lang kasi ay darating na naman ang Pasko. Maraming tao ang nag-iisip kung paano ang mag-celebrate ng Pasko. Kasama na rito ang pagbibigay ng regalo. Kapag Pasko nagbibigayan ng regalo ang mga tao kahit ang iba sa kanila ay hindi naman talaga alam kung ano ang totoong halaga ng okasyon. Mas pinaghahandaan ang regalo at celebration, pero hindi para sa totoong may kaarawan.

 

Iba-iba ang pananaw ng tao sa regalo. Sa regalo ba nasasabi ang halaga ng pagmamahal ng isang tao sa kanyang binibigyan? Ito ba ang batayan ng pagiging mabuting kalooban o pagiging galante ng isang nagbibigay?

 

Paano ba masasabing maganda ang regalo? 


Mahalaga ang intensyon ng nagbibigay. Pero naka depende rin sa tumatanggap nito ang pagbibigay ng halaga sa regalong nakuha. 

 

Dapat daw alam mo ang gusto o kailangan ng pagbibigyan. 

Magagamit ba niya? o Magugusutuhan ba niya?

Kailangan ba mahal? o Mas maganda kung personalized o handmade?

Ano ba ang gusto mong maging reaksyon o mararamdaman ng bibigyan mo ng regalo?


Ano ba ang dahilan mo ng pagbibigay mo ng regalo? 

Mayroon iba na gustong gusto nagbibigay ng regalo kasi masaya sila na alalahanin ang mga tao. Masaya sila na maisip ng mga tao na may nakaalala sa kanila. 

Mayroon naman iba na gustong nagbibigay dahil naniniwala na mas marami raw babalik. Parang isang pamahiin sÄ… pagbibigay. 

Mayroon rin naman na nagbibigay para maisip o masabi ng mga tao na marami silang pera o mabuti sila. 

Ang iba nagbibigay lang dahil "it's the season of giving" kung baga uso lang. Ano kaya ay nagbibigay dahil nahiya sa nagbigay ng regalo para hindi masabing tanggap lang ng tanggap.  

 

Bago mag-isip ng regalo o kung magbibigay ng regalo ay isipin muna ang dahilan kung bakit magbibigay ng regalo.


Maraming pakulo ang mga tao upang mag-celebrate ng Pasko. Ang pinaka modalas na ginagawa ay ang Christmas Party. Hindi nawawala ang pagbibigay ng regalo. Maraming eksena ng Kris Kringle at Exchange Gift taun-taon. 


Naalala ko dati pinagbawal sa klase namin ang mug at scented candles sa exchange gift o kris kringle. Ganoon rin pala sa iba. Parang allergic mga tao sa mug at scented candles na regalo. Dahil ata dumating ang panahon na halos puro scented candle at mug ang binibigay.  Pero bakit ngayon ok lang naman sa akin ang scented candles lalo na kapag gawa ng mga scent company katulad ng Glade at Bath & Body Works. Sinisindihan ko talaga ang bango kasi eh. 

  

Minsan parang recycled ang regalo sa iyo samantalang ikaw ay nag-effort sa regalo na ibinigay mo. Iyon bang mukhang binigay lang sa kanya o ano kaya ay lumang gamit niya iyon. Pakiramdam mo nalugi ka. Bakit ba mayroon iba na nakakadaya. Hindi ba dapat kapag kung ano ang gusto mong gawin sa iyo ng kapwa mo ay hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Ibig sabihin ba kaya sila hindi maayos magregalo sa exchange gift, ay ganoon din ang ang inaasahan nila?

 

Dati mayroon sa opisina naming na Kris Kringle. Nagpabunot ang mga kasamahan ko kaya lang noong tinawag ako ng isang kasama ko para bumunot ay kami na lang palang dalawa ang hindi nakabunot. Sabay kaming bumunot ng pangalan ng kung sino ang bibigyan naming ng regalo para sa Kris Kringle at Exchange Gift. Hindi ko alam kung nagkataon lang o mayroon bang may gawa kasi sa lahat ng mabubunot ko ay ang pangalan pa ng kasama naming sa opisina na ayaw ko. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya bilang ka-trabaho. Ayaw ko lang na nagpaparamdam siya. Ilang buwan na rin kasi noon na tinutukso siya sa akin. 

 

Minsan niyaya pa ako kumain ng mga ka-department niya para lang pala pagtabihin kami kumain ng tanghalian. Hindi ko siya tipo e. Mabait naman siya pero dala dala ko pa rin ang galit ko kay Mr. Frie-lirt noon at talagang hindi ko siya tipo kahit pa sabihin na ma-desperado ako, hindi talaga e! Oo na choosy na kung choosy, pero hindi dahil nasaktan ako ay papatol lang ako kung kanino. Naisip ko noon dapat kung may papatulan ako ay dapat puwede kong itapat o mas higit pa kay Mr. Frie-lirt. Madalas rin nagpapabigay siya ng meryenda sa akin pero ayoko kainin. Kahit minsan pa paborito ko talaga ang bigay niya donut galling sa Mr. Donut na may Belgian Chocolate, ay tinitiis ko talagang hindi kainin. May isang kasama ko ang naglilihi nakita ang donut na may Belgian chocolate sa lamesa ko na hindi ko ginagalaw. Hindi na niya natiis na tanongin ako kung kakainin ko pa ba raw iyon. Ang sabi ko ay hindi ko ito kakainin dahil baka kapag kinain ko ay bigla kong sasabihin na “mahal ko na siya” haha. Sabi ko sa kanya siya ang bahala kung ano mangyari sa baby niya kapag kinain niya iyon. Baka makamukha ng nagbigay haha. Hindi naman siya natakot. Wala raw siya pakialam kaya kinain pa rin niya. Kapag alam ko na papunta siya sa lugar ko ay may kinakausap ako sa telepono na kasama ko sa opisina para lang hindi ko siya kailangan kausapin.

 

Malinaw na naman siguro na hindi ko talaga siya gusto kahit pa pumikit ako. Haha. Biruin niyo sa lahat ng mabubunot ko ay siya pa! Pambihira talaga. Buti na lang din hindi katulad noong mga nakalipas na taon na pseudo-names ang binibigay namin tapos huhulaan namin kung sino ang nabunot namin base sa pseudo-name niya. Kung ganoon ang ginawa noong taon na iyon naku baka nagdiwang ang lolo niyo.


Pero sa totoo lang naisip ko:

 

Setup ba ito o isang kalohan? 

Bakit siya ang kailangan ko mabunot? 

Lord, kung siya po ang meant para sa akin ay masaya na po akong mag-isa. 

 

Umiyak talaga ako sa mga kaibigan ko sa opisina. Hindi ako nahiya sa kanila. Dahil hindi ko matanggap ang kapalaran ko. Kaya ata hanggang ngayon single pa rin ako. Baka nga siya ang kapalaran ko. Pero naku, salamat na lang po. Haha. 

 

Naawa naman sa akin ang isa kong kaibigan kaya itinago namin na nagpalit-palit kami ng nabunot. Ayokong isipin niya na pinagtagpo kami ano. 


Noong dumating na ang oras na magsasabi na kami sino ang nabunot namin ay tinignan ko reaksyon niya. Lalo noong sinabi ng kaibigan ko na siya ang nabunot. Sa loob-loob ko, hay naku kung alam mo lang ano. Pero talaga, no way! Sabi nga diba we always have a choice. Sa pagkakataon na iyon, ang choice ko ay isang malaking NO. Hindi ko rin naman ito pinagsisihan hanggang ngayon.

 

Uso na rin sa mga exchange gift ang may request ang mga tao. Para raw masiguradong magugustuhan talaga ng makakatanggap ng regalo ang ibibigay sa kanila. Ang iba ay nagbibigay na lang ng pera para iyong nabunot na lang ang bumili. Mayroon iba na ok lang na higit pa sa halagang pinag-usapan ang regalong ibibigay sa nabunot. 


Sabi nila "the best gifts come in small packages." 


Naaalala ko tuloy noong isang taon, nagkaroon ng exchange gift sa opisina. Yun isang kasama namin tuwang-tuwa pa siya na malaki raw ang box na nakuha niya. Pinagmamalaki niya na siya ang may pinaka-malaking regalong natanggap. Kaya lang pagbukas niya ay puno pala ito ng face mask at face shield! Sa susunod dapat ba bawal na rin ang face mask and face shield? Haha. Magagamit naman diba? At may supply ka na ngayong may pandemic pa. 

 

Minsan gift certificate na lang daw kaysa cash kasi masyadong halatang hindi pinag-isipan ng magbibigay kung cash. Pero sa akin both pwede? haha. 

Bongga raw kapag gadget. Kaya lang sa susunod na taon luma na ulit ito sa bilis ng pagpapalit ng technology ngayon.  

Mas lalo ang susi ng kotse. Susi lang walang kotse ikaw na ang bibili kung saan gagamitin ito. Binigyan ka na ng susi gusto mo pa ng kasamant kotse? haha. 


Pero ano ba talaga ang magandang regalo?

 

Ang totoo ay walang presyo ang tunay na magadang regalo para sa sarili mo. Hindi ito nadadaan sa ganda ng pgakakabalot. 


Regalo mo sa sarili mo ang peace of mind. Sa mga ginagawa mo ba ay nakukuha mo ito?

Regalo mo sa sarili mo ang pagbitaw sa mga nagpapabigat sa kalooban mo. Kasama na dito ang pagpapaalam sa mga taong hindi na nararapat sa buhay mo. Hanggang sa matanggap mo na at matutuhang mabuhay ng wala sila. 

Aanhin mo ang mga materyal na bagay na mapapasaya ka lang ng panandalian? Ang mga gadget ay naluluma at nasisira. Ang mga pagkain at gamit ay nauubos o na-eexpire. 

Aanhin mo ang mga bagay na hindi mo madadala sa kabilang buhay? 

 

Ikaw, ano ang tingin mong magandang regalo?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...