Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ano ba ang magandang regalo?

Ano nga ba talaga ang magandang regalo?   Madalas naririnig ang tanong na yan ngayon. Ilang araw na lang kasi ay darating na naman ang Pasko. Maraming tao ang nag-iisip kung paano ang mag-celebrate ng Pasko. Kasama na rito ang pagbibigay ng regalo. Kapag Pasko nagbibigayan ng regalo ang mga tao kahit ang iba sa kanila ay hindi naman talaga alam kung ano ang totoong halaga ng okasyon. Mas pinaghahandaan ang regalo at celebration, pero hindi para sa totoong may kaarawan.

Bakit tayo Natatakot sa Usapin ng Kamatayan?

Bakit nga ba tayo natatakot sa usapin ng kamatayan? Bihira siguro ang taong makakapagsabi na hindi siya takot mamatay. Hindi ko maintindihan ang mga nagsusuot pa ng mga costume at naglalagay ng makeup na parang zombie, vampire, at kung anu-ano pang nakakatakot na nilalang lalo kapag Halloween. Mabenta rin ang mga horror film at horror episode ng mga palabas sa TV kapag ganitong panahon.  Hindi ko sinabing isipin na kunin ang sariling buhay, dahil ibang diskurso pa iyon. Isusulat ko rin kapag may pagkakataon. Pero bakit kapag tungkol sa sarili nating katapusan ay ayaw natin itong isipin at pag-usapan?

Para sa Iyo, Mula sa Akin

Para sa iyo ito, mula sa akin…   Pagkatapos ng mga naisulat ko dito sa blog, siguro naman ay may karapatan na akong hilingin na sana hindi na ako magkagusto sa kahit kanino para hindi na rin ako muling magkamali. Napapagod na ako. Paulit-ulit na lang, maling tao ang nagugustuhan ko. Masaya naman ako sa buhay ko. Akala ko nga hindi na ako makakaramdam pa ulit ng magkahalong saya at kilig.

Paano ba talaga ang ‘adulting’?

          Iba-iba ang panahon ng 'adulting' ng mga tao. May mga tao na hindi pa umaabot sa adolescence period, kailangan nang dumaan sa adulting process. Kailangan na nilang mag-mature sa pag-iisip at pagkilos bago pa sila mag-dalaga o mag-binata. Ang iba naman pagkatapos ng kolehiyo nagsisimula na mag-mature. Habang ang iba ay maraming taon na ang nakalipas matapos mag-aral doon pa lang nagsisimula mag-mature.  Matanda na ang iba doon pa lang nagsisimulang mag-mature. Sandaling panahon na lang ang hihintayin nila papunta na sila sa pag-iisip bata ulit.  

Ang Babaeng Malamlam ang Mata**

          Isang magandang babaeng nakasuot ng shades ang makikitang naglalakad sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa kanyang pagdaan ay mapapansing ang mga kalalakihan ay napapalingon sa kanya. Lahat sila ay nagtatanong kung sino nga ba ang magandang babaeng ito na sa kanilang puso ay bumihag? Sino nga ba ang babaeng ito? Hulaan niyo… O Sige, siret na? Itago na lang natin siya sa pangalang Eloise. Isang mag-aral ng Asian Studies na sa unang araw pa lamang sa UST ay marami na ang nabihag.  

Ano bang Mayroon sa Oras?

          Marami na tayong narinig tungkol sa oras o time. Ano nga ba ang mayroon dito? Narinig na natin na “time is gold”. Ginawang literal na kayamanan and turing sa oras sa pelikulang "In Time”.  Mahalaga raw ang oras. Hindi raw dapat ito sinasayang dahil kapag lumipas na ito ay hindi na ito maibabalik. Ayon nga sa kanta ni Joey Albert, “ang nakalipas, di maaaring balikan…” Hindi pa rin naman na imbento hanggang ngayon ang flux capacitor   para makapag time travel katulad sa “Back to the Future."   Nabanggit rin sa “More than Friends” ( 친구에서 연인이 되는 경우의 수 ), ano naman silbi ng “time” kung wala ka naman ginawa sa panahon na iyon. Para saan ang paglipas ng panahon kung lumipas lang ito ng 'wala lang’. 

Bakit Kailangan Magkamali?

Bakit nga ba kailangan magkamali? Sabi nila ang pagkakamali ay mahalaga sa buhay natin. Kailangan raw natin magkamali dahil ito ang paraan upang matuto tayo. Natututo naman tayo ng hindi kailangan magkamali, ngunit sa pamamagitan ng pagkakamali lamang natin mas natututunan ang dapat natin maintindihan. Mayroon raw kasing mga bagay na natututunan nga natin pero madali rin natin nalilimutan. Ngunit kapag ito ay sa pamamagitan ng isang pagkakamali, mas tumatatak ito sa isip natin. Kapag mas malaki ang kapalit upang matutunan natin ang mga bagay, ay mas tumatatak ito sa isipan natin. Parang sugat, kapag mas masakit at mas malaki ang sugat, mas malaki ang peklat, kaya mas maaalala rin natin ito. 

Bakit Ang Hirap Kumita ng Pera?

Bakit nga ba ang hirap kumita ng pera? Sabi ng marami mahirap raw kumita ng pera kasi mahirap ang Pilipinas lalo na sobra na ang kurapsyon sa gobyerno. Dahil raw dito ay patuloy ang pagtaas ng bilihin kaya kahit anong gawin ng mga tao pang kumita ng pera ay hindi pa rin ito sapat. Lahat nga raw ay nagmamahal sa Pilipinas, pwera lang ang mga tao. Kulang raw ang mga sinusweldo ng mga Pilipino para sa pang araw-araw na gastusin.

Bakit ang Dami nating Reklamo?

Ang traffic! Ang init! Ang hirap! Ang tagal! Ang bagal! Lahat na lang nirereklamo natin. Minsan karekla-reklamo naman talaga. Minsan. Naiinip lang tayo. Minsan sobra naman talaga. Kaya lang madalas rin hanggang reklamo lang tayo. Minsan doon lang tayo magaling. Hindi na natin hinahanapan ng paraan ang mga bagay.