Ang traffic! Ang init! Ang hirap! Ang tagal! Ang bagal!
Lahat na lang nirereklamo natin. Minsan karekla-reklamo naman talaga. Minsan. Naiinip lang tayo. Minsan sobra naman talaga.
Kaya lang madalas rin hanggang reklamo lang tayo. Minsan doon lang tayo magaling. Hindi na natin hinahanapan ng paraan ang mga bagay.
Kalit ilang beses mo ulitin na ma-traffic ay hindi naman nababawasan ang traffic.
Kahit ilang beses mo ulitin na mainit ay hindi naman lumalamig.
Kahit ilang beses mo uliting na mahirap ang mga bagay ay hindi naman dadali ang mga ito.
Kahit ilang beses mo sabihin na matagal ay hindi naman bigla na lang darating ang hinihintay mo sa harap mo sa oras din na iyon.
Kahit ilang beses mo sabihin na mabagal ay hindi naman bumibilis ang ang sistema.
Kung nakakabawas nga lang ng traffic ang mga reklamo natin ay siguradong para
Kung nakakabawas lang ng init ang bawat pagsambit natin ng mga salietang “ang init!” ay siguradong para na tayong nasa North Pole sa lamig.
Kung nakakabawas ng hirap ang pagsabi natin ng “ang sirap (naman)!” ay wala nang mahirap gawin.
Kung nakakabawas ng oras ng paghihintay ang mga salitang “ang tagal (naman)!” ay magiging totoong ‘fast’ na ang ‘fast food’ hindi lang sa pagkain ngunit pati na rin sa l’achat ng aspeto ng lipunan at buhay natin.
Kung nakakabawas lang ng kabagalan ang bawat reklamo natin ay siguro parang wala ka na sa Pilipinas nun’.
Minsan subukan mong tumahimik bago ka magsalita. Huminga ng malalim bago bigkasin ang reklamo.
Minsan mas lalong nakakainis ang traffic kapag sinasabi mong ma-traffic. Minsan umiinit pa ulo mo. Naiinis ka sa mga sasakyan sa paligid mo. Baka makadisgrasya pa dahil mainit ang ulo. Pare-pareho naman kayong nasa traffic. May karamay ka.
Minsan kasi lalong umiinit kapag sinasabi mong mainit ang init-init na nga. Lalo ka lang hindi magiging komportable sa panahon. Subukan mong magpapawis tapos punasan mo, ang lamig ng pakiramdam. Yung mga Chinese nga at iba pang Northeast Asians kumakain o umiinom ng mainit kapag mainit kasi nga raw hindi raw dapat kalabanin ang kalikasan. Kung mainit, wag kalabanin ang init. Makiisa sa init.
Minsan lalo pang humihirap ang mga bagay na kailangan mong gawin sa tuwing sinasabi mong mahirap. Inunahan mo na kasi ng reklamo. Subukan mo muna gumawa ng paraan. Subukan simulan sa sarili mo. Kapag inisip mo nang mahirap magiging mas lalong mahirap pa yan.
Minsan mas lalo pang tumatagal ang panahon sa tuwing sinasabi nating matagal. Sa tuwing tumitingin tayo sa oras ay napapansin natin na ang tagal ng paghihintay natin. Libangin mo sarili mo habang naghihintay. Hindi mo mapapansin ang paglipas ng oras mabilis pala.
Minsan mas lalo pang bumabagal ang sistema sa tuwing napapansin natin na mabagal. Mabagal naman talaga. Anong magagawa natin? Magtiis? Pwede rin mag migrate.
Bakit nga ba ang dami nating reklamo?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento