Bakit nga ba mayroon tayong tinatawag na “utang na loob” sa ating mga Pilipino? Ano nga ba ito na parati na lang natin naririnig?
Minsan mayroon ang mga Pilipino, minsan naman wala. Naituturo ba ito sa paaralan? Ikayayaman mo ba ito? Ika-babawas ba ito sa iyong bilbil?
Isang paraan ng pasasalamat kapag marunong tayong tumanaw ng utang na loob. Ito ba yun sinasabi sa Ingles na “looking back to where you came from”? Dahil hindi tayo makakarating sa kasalukuyan kung hindi sa nakaraan.
Isa rin itong sukatan ng ating pagkatao. Katulad ng kasabihan, “ang hindi marunong tumingin sa nakaraan ay hindi makakarating sa patutunguhan”. Hindi lang naman icon tungkol sa pag-alala sa kasaysayan, ngunit pati sa pagbigay ng pagpapahalaga sa mga tong nakatulong sa atin lala na sa mga pagkakataon na nangangailangan tayo ng tulong. Sila yun mga taong naniwala sa rating potensyal.
Kung sang “investment” ang pagtulong, kailangan kahit papaano ay marunong tayong magbalik sa “investor” — ika nga “return of investment”. Minsan sobra naman maningil ang “investor” pero minsan rin naman ay hindi talaga marunong magbalik ng investment ang tinulungan kahit man lang sa maliit na bagay katulad ng mabuting asal.
Walang pinipili ang pagkakaroon o kawalan nito. Hindi nasusukat sa pinag-aralan. Mayroon talagang mga taong sadyang marunong tumanaw ng “utang na loob” mayroon rin naman hindi. Marron parang walang nangyari. Ginamit lang ang tulong.
Makikita natin na ang mabuting pagkatao ng isang tao kung marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Lalo na yun bukal sa kalooban niya ang pagpapasalamat. Kaya lang hindi talaga mawawala ang mga talong hindi nagkaroon ng pagkakataon na matutunan ang pagtanaw ng utang na loob.
Mayroon mga tao na naging maunlad lang sa buhay ay nakalimutan na ang pinanggalingan— na minsan nangailangan ka ng tulong ng iba. Ganoon ba kababa ang lebel ng pagkatao na inabot nila?
Ikaw, bakit nga ba may “utang na loob”?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento