Maraming sumubok ngunit lahat sila ay hindi nagtagumpay na maangkin ang magandang binibining ito. Pasensya na lang sila at hindi sila pumasa kay Eloise. Isa na sa mga ito ay isang kaklaseng sa unang kita pa lamang kay Eloise ay hindi na mawaglit sa kanyang isipan ang dalaga. Itago na lang natin siya sa pangalang Juancho ang pinakamasugid na tagahanga ni Eloise. Lahat kami sa klase ay nagulat ng isang araw ay bigla na lamang naming nakita na nakasulat sa upuan “Hi Eloise”. Siya pala ang nagsulat dahil hindi niya masabi ang kanyang nararamdaman sa aking kaibigan. At isang araw ay nagkalakas na siya ng loob upang iparating kay Eloise ang kanyang nararamdaman. Dumating siya sa kase bitbit ang isang bungkos ng rosas. Nagpaikot-ikot muna ang binata bago pa niya ito naiabot kay Eloise. Hindi alam ni Juancho inlay ni Eloise kay Mama Mary sa simabahan ang mga bulaklak. Ayaw niya itong iuwi.
Si Eloise nga pala ay mula sa Biñan, Laguna. Hanga talaga kami sa sobrang tiyaga niya. Biruin niyo araw-araw siyang namamasahe mula Laguna papuntang UST. Kaya nga binibiro siya sa klase na dapat may baon siyang pagkain sa haba ng biyahe niya. Pero ang pinakakahanga-hanga sa kanya ay hindi siya nahuhuli sa klase. Sa katunayan ay siya pa ang nagbubukas ng gate ng AB!! Samantalang ang mga nakatira sa malakit ay mga nahuhuli pa sa klase. Dahil dito ay ginawaran namin siya ng Early Bird o First Man on the Moon Award.
Kaya naman lalo siyang hinahangaan ni Juancho. Hay, pag-ibig nga naman kapag pumasok sa puso nino man ay hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Kaya naman itong si Juancho ay pumapasok rin ng maaga para abangan si Eloise. Kapag uwian na ay sinusundan naman si Eloise hanggang sa makasakay na pauwi ito. Kami namang mga kaibigan ni Eloise ay hindi hinahayaan na mag-isa siya kasi nga sumusunod sa kanya si Juancho.
Minsan pagpasok ko ng silid namin, nagulat ako na gulo gulo ang mga upuan sa loob. Sinisipa ni Juancho ang mga upuan. Pagkababa ng gamit ko sa upuan, lumapit ako sa mga kaibigan ko.
“Anong nangyari?” Tanong ko sa kanila. Napansin ko na parang umiyak si Eloise.
“Na hold-up siya sa Dapitan kanina…” Sagot ng isa naming kaibigan.
Pinakuwento ko ang nangyari. Lahat ng gamit niya ay tinangay ng holdaper. Iniisip niya lalong lalo na ang cellphone niya. Kaya naman pala galit na galit itong si Juancho. Aba aba aba, grabe naman ang reaksyon niya para bang siya ang nobyo ni Eloise kung maka-react. Ang feeling ha! Hindi naman siya gusto nung tao. Nagtitinginan na lang kaming magkakaibigan.
Para mapatawa si Eloise biniro ko siya. “Alam mo naisip ko lang, sagutin mo na kaya si Juancho…Tapos sabihin mo bigyan ka niya ng cellphone para sa birthday mo. Kapag nakuha mo na ang cellphone, break mo na! haha” Kaya lang mas naiyak ata siya nang marinig ang ideya na magiging nobyo niya yun. Buti na lang binigyan ng pamilya niya si Eloise ng bagong cellphone.
Ginawan pa ng website ni Juancho si Eloise sa Freewebs para ipangalandakan sa buong mundo na mahal niya talaga si Eloise. May gumawa na ng website para sabihin lang na mahal ka niya??? O diba? Haba ng hair ni Eloise. Minsan pinadalhan pa ni Juancho ang buong klase namin ng text at email para sabihin na mahal niya talaga si Eloise. Ay naku! Sa totoo lang ang 'sweet' isipin ng mga ginagawa niya para kay Eloise pero bakit hindi siya nagugustuhan ni Eloise? Nakakahaba ng buhok ang mga ginagawa niya kung hindi lang nakakatakot ang itsura niya kung itatabi sa kagandahan ni Eloise. Kung hindi ganun ang itsura ni Juancho ay baka sakaling yun kilabot at takot na nararamdaman naming lahat na kaibigan ni Eloise lalo na si Eloise sa ideyang may gusto sa kanya ang lalaking iyon ay mapalitan ng kilig. Haha. At dahil nga ganun, hindi namin hinahayaan makalapit si Juancho sa kanya. Bakit nga ganoon ano? Kapag gwapo ang gumagawa "sweet", pero kapag hindi maayos ang itsura "kadiri" o "katakot". haha.
Minsan nagpunta sila Eloise sa isang library kung saan nagtatrabaho ang nanay ni Juancho. Nakita raw nila humiga sa fountain si Juancho. Anong mayroon? Commercial ba ng iced tea??? Kuwento rin ni Eloise na masama nga raw ang tingin sa kanya ng nanay ni Juancho. Na-debar kasi si Juancho pagkalipas ng unang semester. Hindi namin alam kung dahil ba kapareho kasi siya ng iba namin kaklase na kaibigan niya na na-debar rin kasi puro online games ang inatupag. Pero akala ata ng nanay ni Juancho si Eloise ang dahilan kaya hindi nakapag-aral ng mabuti si Juancho. Baka na distract si Juancho sa pagkabighani sa kagandahan ni Eloise. haha. Ilang taon na rin wala si Juancho sa UST ay sinusubukan pa rin alamin ng mga kaibigan niya mula sa amin ang number ni Eloise. Siyempre kaming mga kaibigan pa ba ang magbibigay nun? Asa siya. Haha.
Sa kabila ng taglay niyang kagandahan ay media mahiyain si Eloise. Sino ba ang mag-aakalang hindi siya nagsusuot ng shades dahil gusto lang niyang pumorma o making ‘in’ kung hindi para maitago ang mga mata niyang malamlam. Kung hindi mo tuloy siya kilala ay iisipin mong parati siyang malungkot o kaya ay inaantok. Noong unang araw niya sa UST ay talagang nahihiya siya kasi raw galing siya sa probinsya samantalang ang mga katibi niya ay nagmula sa sa San Agustin, Assumption at iba pang killing paaralan sa Pilipinas. Isa pa, hindi rin kasi Asian Studies ang una niyang piniling kurso. Sa totoo lang ay architecture ang kanyang nais kunin sa kolehiyo kaso wala silang pera. Isa pa, tiyahin niya ang nagpapaaral sa kanya kaya hindi siya puwedeng mag-architecture.
Mula rin siya sa pamilyang medya may kalakihan. Siya lang naman ay pang-apat sa limang magkakapatid dahil raw hindi masyadong masipag sa pag-anak ang mga magulang niya kaya lima sila. Sa magkakapatid nila ay apat ang babae at iisa laman ang lalaki. Lingid sa kaalaman ng karamihan, si Eloise ay ipinanganak na malusog. Kasi naman ang seksi niya kaya hindi ito malubos maisip ng karamihan sa kakilala niya.
Mahal na mahal si Eloise ng kanyang mga magulang at mga kapatid kaya nga siguro naging isang matabang bata rin siya. Sa katunayan, sa kanilang magkakapatid ay siya lang ang mataba noong bata kaya parati siyang tinutukso ng mga kapatid niya. Noong bata pa siya ay tata niya ang parati niyang kasama sa pagpasok dahil ayaw niyang magpa-iwan mag-isa sa paaralan. Tamang-tama walang trabaho ang kanyang ama noong panahon na iyon. Minsan ay nagawa niyang umarteng may sakit sa kanyang ama para lang hindi siya papasukin. Lahat ng atensyon ng kanyang ama ay nakatuon sa kanya kaya nga talagang naging isang matabang bata itong si Eloise. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago noong ipinanganak na ang bunso niyang kapatid dahil nahati ang atensyon ng kanyang ama. Nung una ay hindi niya ito gusto pero nalaman niya na ayos lang naman pa lang makaron ng nakababatang kapatid at matawag na ‘ate.’
Si Eloise nga pala ay hindi lang maganda, marami rin siyang tinatagong talento na masasabing minada niya sa kanyang ama. Isa na rito ang pagtugtog ng piano. Bata pa pa lamang si Eloise ay nag-aural na siya ng piano. Sumasali rin siya sa mga paligsahan kung saan ay nanalo siya ng ikalawa. Magaling din siyang gumuhit kung saan naman ay nanalo siya sa mga paligsahan. Sa larangan naman ng jackstone ay naging magaling na manlalaro tong si Eloise. Puwede na siguro siyang sumali sa Olympics kung mayroon lang jackstone sa Olympics.
Sa kanyang pagtuntong sa ikalawang baitang sa Mataas na Paaralan ay nagsimula na siyang pag-aralin ng kanyang tiya dahil nga medyo marami sila sa pamilya ay kinakapos rin sila sa pera. Mas marami ring mga talento itong si Eloise na natuklasan noong panahon na iyon. Ang mga dati na niyang alam na talento ay napagbuti pa niya lalo.
Noong nasa grade school pa lamang is Eloise ay tinuturuan na siya ng kuya niya na maglaro ng basketball. Siguro para may maimpluwensyahang maging lalaki kasi nga nag-iisang lalaki lang ang kuya niya. Kaya pagdating ni Eloise ng high school ay napabilang siya sa varsity team ng basketball sa kanyang paaralan. Kaya lang ay parati slang kulelat sa mga laban. Minsan ay nakaharap nila ang mga taga-Brent na matatangkad kaysa kanila kaya raw sila natalo. Talagang na-inosente ang lola niyo noong nakapasok sa eskwelahan na para kang nasa ibang bansa kaya kinuha niya ang kanyang uniporme at pinahid ito sa paligid! Bukod sa varsity team ng basketball, naging miyembro rin siya ng organisasyon ng mga magagaling gumuhit.
Dahil sa mga kuwentong narinig niya mula sa kanyang mga nakatatandang kapatid tungkol sa kanilang mga nararanasan sa kolehiyo ay gustong gusto na niyang mag kolehiyo noong nasa high school pa lang siya. Parati siyang sumasama sa kanyang mga ate sa kanilang mga gimik. Nanood pa nga sila ng konsert ng Stephen Speaks. Kahit na maganda si Eloise sa kasalukuyan, sinong mag-aakalang wala daw siyang dibdib at maiksi ang buhok niya noong high school. Minsan nautusan siya ng kanyang guro ng pumunta sa mga kinder na masayang binati siya ng “good morning, kuya!” ng mga batang iyon. Mula noon ay nagdesisyon na siyang magpahaba ng buhok. Hindi rin siya sana na sinasabihan ng maganda noong nasa kolehiyo na siya dahil sa masaklap na karanasang iyon na kanyang dinanas sa kamay ng mga batang iyon. Para sa kanya, ang mga kaibigan lang niya ang naging dahilan kung bakit siya nagpatuloy sa pagpasok sa paaralan noong mga panahon na iyon. Matapos rin ng masaklap na pangyayaring sinapit niya sa piling ng mga batang iyon ay hindi lang siya nagpahaba siya ng buhok, naga rebond pa siya noong ika-4 na taon niya sa high school.
Hay naku itong si Eloise media may kalokohan. Biruin niyo ba naman ay nauubos ang kanyang baon sa pag-shashopping ng damit kaya naman umaabsent siya minsan para makatipid sa pamasahe at pagkain noong nasa kolehiyo pa. Pero nung lumaon ay kahit pa ganoon ang helig niya ay mahal na mahal ni Eloise ang kanyang pamilya kaya naman iniipon niya ang kanyang pera para sa kanyang mga kapatid. Noong nakapagtrabaho na siya ay pinaaral niya ang bunso niyang kapatid upang makatulong sa pamilya nila. Paborito siya ng tatay niya hanggang ngayon pati na rin ng nanay niya. O diba, ang babaeng malamlam ang mata ay hindi lang maganda ang panlabas na kaanyuan, pati ang kalooban niya ay maganda.
Ang pagiging malapit niya sa kanyang ama na rin marahil ang dahilan kung bakit wala siyang naging nobyo sa kabila ng pila-pila niyang manililigaw. (Naks!) Sapagkat hinahanap niya ang katulad sa kanyang ama. O ayan, sa mga gustong manligaw kay Eloise dapat siguraduhin niyong magaya niyo yun tatay siya para sagutin niya kayo! Dapat rin ay ang tatay niya ang ligawan niyo. Malamang nag-iisip kayo kung paano si Juancho? Hindi pa ba halata na hindi siya katulad ng tatay ni Eloise kaya hindi siya talaga pumasa.
Bago nga pala matapos ang kolehiyo ay nakakilala si Eloise ng lalaking nagustuhan siya at nagustuhan rin naman niya. Hindi naman masama ang itsura ng lalaki na kumukuha ng major na parating kasama ng klase nila. Kaya lang minsan napapaisip siya kung bakit parati na lang kasama ang matalik na kaibigan ng lalaki tuwing lumalabas sila para kumain at mag date. Parating third wheel sa kanila kaya hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang. Nung una ay hindi niya ito pinansin kasi nga gusto naman niya yun lalaki. Kaya lang noong nakatapos na siya ng kolehiyo ay nagbago ang lahat. Napansin niya na hindi siya sinusundo sa trabaho ng lalaki lalo na kapag ginagabi siya ng uwi. Malayo pa naman ang inuuwian ni Eloise. Parati itong nagdadahilan na busy sa trabaho.
Hindi pa nagtatagal ay nalaman ni Eloise sa mga dating kaklase niya na nasa law school na ito palang lalaking akala niya ay nobyo niya ay parating sinusundo ang matalik na kaibigan sa law school. Doon na nagsuspetsa si Eloise tungkol sa inakala niyang nobyo niya at sa matalik nitong kaibigan. Hindi pala ang matalik na kaibigan ng lalaki ang third wheel, si Eloise pala. Naging assumera lang pala siya na siya ang nobya dahil siya naman ang niligawan at siya rin naman ang babae. Oo, tama ang intindi niyo na lalaki rin ang matalik na kaibigan. Nalungkot talaga siya ng mangyari ito. Buti na lang hindi dito nagtatapos ang lahat sa kuwento niya.
Hindi pa nagtagal mula nang ‘naghiwalay' sila o masasabi natin na umayaw na sa pagiging ‘the third wheel’ si Eloise ay may nanligaw sa kanya na kasama niya sa trabaho. Siyempre totoong lalaki na siya at hindi na ‘third wheel’ si Eloise! Siyempre dahil nga tunay na maganda siya ay hindi siya pinabayaan ni Lord sa aspetong yan. Sinagot siya ni Eloise at makalipas ang ilang taon ay nagpakasal na sila. Siya ang kinokonsedera ni Eloise na una at huli niyang nobyo, paano naman wala naman silang nagawa nung dati na ginagawa ng mga magkarelasyon dahil nga laging nakabantay ang matalik nitong kaibigan. Isa man itong hindi magandang tagpo sa buhay niya ay bumawi naman si Lord. Binigyan siya ng totoong magmamahal sa kanya. Mayroon na rin cute na anak si Eloise at ang kanyang asawa. Lahat ata ay nakatingin sa tatay niya noong engagement at kasal ni Eloise. Huwag kayong mag-aalala masaya naman ang tatay niya na nakapag-asawa si Eloise ng maayos. Alam niya na mahal na mahal si Eloise ng asawa niya. Proud na proud ito sa kanya lalo na sinikap ni Eloise na magkaroon sila ng bahay bago sila magpakasal. Siyempre dahil mahal na mahal siya ng tatay niya, tatay niya ang namahala sa pagpapagawa ng bahay ni Eloise. Sa ngayon ay masaya na si Eloise at ang kanyang pamilya. Hindi ko sasabihin na ‘happy ending’ dahil habang may Buhay ay hindi pa ending, ‘happy’ lang sila. Malamlam man ang kanyang mga mata ay nabubuhay siyang tunay na masaya.
** Ito ay base sa aking naisulat para sa klase ng Malikhain Pagsusulat sa Filipino (Creative Writing in Filipino) noong 2006. Ang huling bahagi ay aking dindagdag, siyempre ilang taon na ang nakalipas! Ang mga pangalan ay aking pinalitan para sa mga magbabasa dito.
Nais kong pasalamatan ang tunay na babaeng malamlam ang mata sa pagpapahayag ng kanyang kuwento upang maisulat ko ito pati na rin ang pagbigay ng pahintulot na maibahagi ko ang kanyang kuwento dito. Muli salamat at maligayang bati sa iyong kaarawan!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento