Bakit nga ba tayo natatakot sa usapin ng kamatayan? Bihira siguro ang taong makakapagsabi na hindi siya takot mamatay. Hindi ko maintindihan ang mga nagsusuot pa ng mga costume at naglalagay ng makeup na parang zombie, vampire, at kung anu-ano pang nakakatakot na nilalang lalo kapag Halloween. Mabenta rin ang mga horror film at horror episode ng mga palabas sa TV kapag ganitong panahon. Hindi ko sinabing isipin na kunin ang sariling buhay, dahil ibang diskurso pa iyon. Isusulat ko rin kapag may pagkakataon. Pero bakit kapag tungkol sa sarili nating katapusan ay ayaw natin itong isipin at pag-usapan?