Para sa iyo ito, mula sa akin… Pagkatapos ng mga naisulat ko dito sa blog, siguro naman ay may karapatan na akong hilingin na sana hindi na ako magkagusto sa kahit kanino para hindi na rin ako muling magkamali. Napapagod na ako. Paulit-ulit na lang, maling tao ang nagugustuhan ko. Masaya naman ako sa buhay ko. Akala ko nga hindi na ako makakaramdam pa ulit ng magkahalong saya at kilig.