Utang. Isa sa mga bagay na magkakapareho ang lahat ng Pilipino ay ang pagkakaroon ng utang. Oo, tama ang nabasa mo lahat tayo ay may utang. Bawat isa sa ating mga Pilipino, mayaman man o mahirap ay may utang. Maniwala ka, kahit hindi mo aminin, may utang ka rin. Ang iba ay tayo mismo ang umutang. Ang iba naman ay iba ang may gawa para sa atin. Paano?
Buhay na buhay ang mga kompanya ng credit card sa atin sa dami nating inuutang sa card. Yun nga lang sa bayaran nahihirapan na silang maningil. "Plastic Money" nga ang turing sa mga credit card. Sabi ng iba hindi raw nila mapigilan na hindi gumastos dahil isang swipe lang ng card nila ay nabibili na nila ang lahat ng kasya sa limit nila. Minsan nasabi ng isang kaibigan ko na pinaliitan raw niya ang limit niya para hindi siya ma tuksong gamitin ng gamitin ang card niya.
Madaling gumastos pero mahirap kumita ng pera. Madaling mangutang sa credit card, mahirap magbayad. Maraming ngutang at ngutang sa akin. Mayroon nagbabayad, mayroon din naman hindi. Pero takot na talaga ako utang kaya hangga't maari ay hindi ako umuutang nang hindi ko nalalaman kung kaya kong bayaran. Parati kong iniisip paano ko mababayaran ang utang ko sa tuwing mangungutang ako. Kaya nga hindi ko maintindihan ang mga taong nangungutang pero hindi nagbabayad. Paano kaya sila nakakatulog? Paano kaya sila nabubuhay araw-araw? Kapag mayroon silang kailangan ay parati mo silang nakikita. Hindi ka nila titigilan hanggang sa makautang sila sa'yo. Pero kapag napautang mo na ay hindi mo na makikita. Ano naman kaya ay haharap sa iyo na parang ikaw pa ang may utang sa kanya. Minsan nga mas sosyal pa tignan ang itsura ng may utang sa iyo. Mas magara ang suot at gamit.
Saan ba nagmula ang utang? Mula noon pa ay uso na ang pangungutang. Kahit sa Bibliya ay nababangit ang tungkol sa pangungutang at ang paniningil. Ang iba ay pinapatawad ng nagpautang, habang ang iba ay masyadong tinutubuan at pinaparusahan kapag hindi nakakabayad. Habang dito sa Pilipinas ay wala naman daw nakukulong sa utang. Bakit nga ba walang ginagawang batas para dito? Bakit mas pinagtutuunan pa ng pansin ang mga drama sa politika?
Sabagay, kung umasta ang mga politiko at mga nasa gobyerno ay tila mga ordinaryong mamamayan pa ang may utang sa kanila samantalang kung hindi dahil sa pera ng mga tao ay hindi sila susuweldo. Pero sila ang kailangan natin pagsilbihan. Hindi pa man tayo pinapanganak ay may utang na tayong lahat. Hindi pa tayo malay mabuhay ay may nakaabang na utang na agad para sa atin. Utang na inuutang para daw bayaran natin ngunit sila lang naman ang mas nakikinabang. Mas nabubusog ang mga bulsa nila. Tayo kailangan magbayad sa mga ninikaw nila. Pinamamana sa atin at ipapamana natin sa mga susunod na mga henerasyon ang mga utang at ang mga utang na lumalaki bawat taon. Marahil kung titigil sa pagnanakaw ang mga nasa gobyerno at mga kasabwat nila na tumutulong sa kanila magnakaw at titigilan na muna ang pangunugtang ay makakabayad tayo. Pero parang walang pakialam ang mga nahahahalal sa gobyerno na magbayad ng utang.
Kaya kahit anong gawin natin ay mayroon pa rin tayong utang hanggang sa wala na tayo sa mundo. Utang pa rin ang nakagisnan nating utang. Korupt pa rin ang nakagisnan nating mundo.
Uso rin sa ating mga Pinoy ang tinatawag na "utang na loob". Lahat tayo ay may kinauutangan nang loob. Oo, lahat tayo aminin mo man o hindi. Ang buhay ay natin ay utang natin sa magulang natin. Pag-aaral natin, pagkain araw-araw, kuryente, tubig, pati hangin na nilalanghap natin. Lahat ay inuutang natin. Mayroon mga ayaw tumunaw ng "utang na loob", sabagay wala nga nakukulong sa utang na pera lalo pa ang hindi magbayad ng utang na loob. Mayroon naman sa kabila ng lahat ng pagtanaw ng utang na loob ay patuloy pa rin sa paniningil ng tubo ang pinagkakautangan.
Uso rin sa ating mga Pinoy ang tinatawag na "utang na loob". Lahat tayo ay may kinauutangan nang loob. Oo, lahat tayo aminin mo man o hindi. Ang buhay ay natin ay utang natin sa magulang natin. Pag-aaral natin, pagkain araw-araw, kuryente, tubig, pati hangin na nilalanghap natin. Lahat ay inuutang natin. Mayroon mga ayaw tumunaw ng "utang na loob", sabagay wala nga nakukulong sa utang na pera lalo pa ang hindi magbayad ng utang na loob. Mayroon naman sa kabila ng lahat ng pagtanaw ng utang na loob ay patuloy pa rin sa paniningil ng tubo ang pinagkakautangan.
Bakit ba may "utang"?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento