Iba-iba ang panahon ng 'adulting' ng mga tao. May mga tao na hindi pa umaabot sa adolescence period, kailangan nang dumaan sa adulting process. Kailangan na nilang mag-mature sa pag-iisip at pagkilos bago pa sila mag-dalaga o mag-binata. Ang iba naman pagkatapos ng kolehiyo nagsisimula na mag-mature. Habang ang iba ay maraming taon na ang nakalipas matapos mag-aral doon pa lang nagsisimula mag-mature. Matanda na ang iba doon pa lang nagsisimulang mag-mature. Sandaling panahon na lang ang hihintayin nila papunta na sila sa pag-iisip bata ulit.