Paano nga ba ang makalimot? Minsan mas madaling sabihin kaysa gawin. Sa tuwing sinasabi kong ok na ako, maayos na ako ng wala ka, mabuti nga na wala ka na sa buhay ko kasi hindi ka naman gwapo, at marami ka namang katangian na hindi ko gusto ay biglang may nagpapaalala sa akin kung paano kita unang nagustuhan ay bigla kong nararamdaman ang naramdaman ko noon. Paano naging ganito ang lahat sa atin? Paanong bigla na lang nagbago ang nararamdaman mo? Paanong isang iglap lang ay iba na ang gusto mo?
Paano ba ang makalimot? Bakit parang sanay na sanay ka na? Bakit parang mas matagal pa ang hinihintay ko kapag nasa fastfood chain ako kapag thigh part ang gusto ko sa chicken kaysa yun makahanap ka ng iba? Mas mabagal pa ang internet connection ko kaysa ang pag move on mo. Kasing bilis ba ng pagbabago ng lagay ng panahon ang pagbabago ng damdamin? Para tuloy akong namimili mula sa end of season clearance sale, habang ikaw galing doon sa bagong usa na ang suot mo. Ang bilis mo magbago ng isipan at damdamin. Hindi pa nagsisimula ang bagong sem, iba na ang subject na inaaral mo. Nag-update ka lang ng application sa cellphone, pati damdamin mo nag-update na rin.
Bakit ako kahit anong sakit at kahit ilang beses na akong umiiyak ay gusto ko pa ring maniwala na ako ang gusto mo? Turuan mo naman ako kasi ang sakit sakit na.
May pambura ba ng alaala? Sana pwedeng gamitin ang pambura sa lapis sa isip para makalimutan na rin kita. Sana parang Mac ang system ang isip at damdamin natin na kapag mayroon tayong gustong makalimutan, idrag mo lang sa trash can icon at iempty ang contents ng trash para wala na ang files mo sa akin. Sana kasing bilis ng pagpatay ng ilaw ang pagkalimot, isang switch Lang sa utak wala na ang alaala, wala na ang sakit. Bukas kapag gumising ako bagong araw na ulit, wala na rin ang mga pangit at masasakit na alaala na iniwan mo. Sana pwede iunfriend ang mga alaala mo sa akin. Sana pwedeng iunfollow ang sakit. Sana pwedeng iblock ang damdamin. Sana pwede mong iflush sa toilet parang echos lang.Sana kayang ibaon sa lupa ang mga sakit. Sana kayang hugasan ang mga mata upang mawala na ang bakas ng mga nakalipas.
Sana bukas wala na. Sana pag gising ko kinabukasan wala na ang alaala mo. Sana isang panaginip lang ang lahat ng ito. Ngunit alam ko bukas pag mulat ng mga mata ko ay maalala pa rin kita. Maaalala ko pa rin ang sakit. Maaalala pa rin mga mata ko ang lumuha. Sa lahat ng nangyari, ako pa ang sinisi mo. Ako pa ang sinabi mo sa kanila na may kasalanan kung bakit tayo nagkaganito. Sino nga ba ako sa iyo? Siguro ganoon lang ako kadaling mapalitan. Ganoon lang ako kadaling makalimutan.
Paano ba ang makalimot? Sige na, sabihin mo na. Ano bang sikreto mo? May crack files ba na makikita sa internet para diyan? Cheat sheet kaya? Madali naman akong matuto kahit hindi ako gaano ka-techie. May crash course ba para diyan? May short cut ba sa paglimot? Kasi ang sakit sakit na talaga. Sinasabi ko nakakapagod paulit-ulit na lang akong nasasaktan. Habang ikaw masaya ka na. EDSA palang ako. Gusto ko rin naman maging masaya nang wala ka na. Ngunit paano ko magagawa kung hindi ko pa matanggal yun sakit--kung hindi pa ako makalimot?
Paano ba talaga ang makalimot?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento