Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Bakit Kailangan Magkamali?

Bakit nga ba kailangan magkamali? Sabi nila ang pagkakamali ay mahalaga sa buhay natin. Kailangan raw natin magkamali dahil ito ang paraan upang matuto tayo. Natututo naman tayo ng hindi kailangan magkamali, ngunit sa pamamagitan ng pagkakamali lamang natin mas natututunan ang dapat natin maintindihan. Mayroon raw kasing mga bagay na natututunan nga natin pero madali rin natin nalilimutan. Ngunit kapag ito ay sa pamamagitan ng isang pagkakamali, mas tumatatak ito sa isip natin. Kapag mas malaki ang kapalit upang matutunan natin ang mga bagay, ay mas tumatatak ito sa isipan natin. Parang sugat, kapag mas masakit at mas malaki ang sugat, mas malaki ang peklat, kaya mas maaalala rin natin ito. 

Bakit Ang Hirap Kumita ng Pera?

Bakit nga ba ang hirap kumita ng pera? Sabi ng marami mahirap raw kumita ng pera kasi mahirap ang Pilipinas lalo na sobra na ang kurapsyon sa gobyerno. Dahil raw dito ay patuloy ang pagtaas ng bilihin kaya kahit anong gawin ng mga tao pang kumita ng pera ay hindi pa rin ito sapat. Lahat nga raw ay nagmamahal sa Pilipinas, pwera lang ang mga tao. Kulang raw ang mga sinusweldo ng mga Pilipino para sa pang araw-araw na gastusin.

Bakit ang Dami nating Reklamo?

Ang traffic! Ang init! Ang hirap! Ang tagal! Ang bagal! Lahat na lang nirereklamo natin. Minsan karekla-reklamo naman talaga. Minsan. Naiinip lang tayo. Minsan sobra naman talaga. Kaya lang madalas rin hanggang reklamo lang tayo. Minsan doon lang tayo magaling. Hindi na natin hinahanapan ng paraan ang mga bagay. 

Bakit Ba May "Utang"?

Utang. Isa sa mga bagay na magkakapareho ang lahat ng Pilipino ay ang pagkakaroon ng utang. Oo, tama ang nabasa mo lahat tayo ay may utang. Bawat isa sa ating mga Pilipino, mayaman man o mahirap ay may utang. Maniwala ka, kahit hindi mo aminin, may utang ka rin. Ang iba ay tayo mismo ang umutang. Ang iba naman ay iba ang may gawa para sa atin. Paano?

Paano nga ba ang Makalimot?

Paano nga ba ang makalimot? Minsan mas madaling sabihin kaysa gawin. Sa tuwing sinasabi kong ok na ako, maayos na ako ng wala ka, mabuti nga na wala ka na sa buhay ko kasi hindi ka naman gwapo, at marami ka namang katangian na hindi ko gusto ay biglang may nagpapaalala sa akin kung paano kita unang nagustuhan ay bigla kong nararamdaman ang naramdaman ko noon. Paano naging ganito ang lahat sa atin? Paanong bigla na lang nagbago ang nararamdaman mo? Paanong isang iglap lang ay iba na ang gusto mo? 

Bakit ang Hirap Magpaalam?

Sa araw araw ay marami akong dalaw.  Bawat isa ay sari-sari rin ang galaw. Mayroon maraming mga kasama kapag pumupunta.  Mayroon iilan ang kasama.  Mayroon isa lang kasama at mayroon naman na mag-isa.  Mayroon din naman na walang kasamang pumupunta ngunit sa paguwi ay dumarami na.  Mayroon din naman walang kasabay sa paglisan.

Natatakot ka bang Mag-isa?

Marami sa atin ay ayaw mag-isa. Sabi nga ni John Donne, "No man is an Island." Lahat raw tayo parte ng isang malaking populasyon ng mga tao. Ito nga kaya ang dahilan kung bakit ayaw natin mag-isa?  Mayroon sa atin ang natatakot mag-isa sa bahay. Naaalala ko ang sinasabi ng mga mommy ko dati kapag napag-usapan ang takot na mapag-isa sa bahay. Sabi nila, "bakit ka matatakot sa sarili mong bahay?" Totoo nga naman. E paano naman hindi kami natatakot sa bahay, sa dami ba naman napapanood namin na horror movies at documentaries (tulad ng sa Magandang Gabi Bayan dati), hindi ka ba matatakot? Sa totoo lang kapag gabi tapos maaalala ko ang mga napanood ko, nahihirapan na ako matulog may kasama man o wala sa bahay. 

Puwede na ba ang Puwede na?

Puwede na ba ang "Puwede Na"? Bakit nga ba sa ating mga Pilipino madalas natin naririnig na "puwede na (yan)"? Kaysa naririnig natin na, "hindi puwede ang puwede na."  Effort paghirapan ang 100 na grade. Effort magkaroon ng Honors. Hindi naman lahat ng nag-aaral ng mga 100 na grade sa card o may honors pag graduate ay yumayaman. Oo, pero yun alam mong binigay mo ang lahat lahat ng makakaya mo para sa kung ano man ang makukuha mo habang nag-aaral ka ay tunay na makakapagpasaya sa iyo maraming taon man ang lumipas. Hindi ang pangongopya sa kaklase o sa mga nakalagay sa internet ang solusyon. Hindi ang paglalaro ng Dota o kaya ay mag update ng Facebook timeline ng bawat minuto ang magbibigay sa iyo ng pangmatagalan at tunay na kaligayahan. Hindi ang pag una sa pakikipag-boyfriend (o girlfriend) kaysa gumawa ng assignment o mag-aral para sa exam ang magpapaligaya sa iyo. Pwede na sa iyo ang pasado lang?