Sa araw araw ay marami akong dalaw.
Bawat isa ay sari-sari rin ang galaw.
Mayroon maraming mga kasama kapag pumupunta.
Mayroon iilan ang kasama.
Mayroon isa lang kasama at mayroon naman na mag-isa.
Mayroon din naman na walang kasamang pumupunta ngunit sa paguwi ay dumarami na.
Mayroon din naman walang kasabay sa paglisan.
Sari-saring damdamin ang aking natatanaw sa bawat oras, bawat bisita.
May mga nakangiti, may mga umiiyak.
May naiinis at mayroon din mga natutuwa.
Mayroon mga nadaratnan at mayroon din naman naiiwan.
Mayroon dumarating ngunit mayroon din umaalis.
Ang bawat pagsalubong ay puno ng kasiyahan.
Isang bagong pagsasama o pagbabalik sa dating tahanan.
Puno ng kasiyahan bawat isa.
Ngunit mayroon din pagsalubong na mayroon kalungkutan.
Mayroon rin puno ng pag-asa.
Mayroon din naman na puno ng pangamba at puro katanungan.
Samantalang sa bawat paalam ay kadalasang puno ng kalungkutan.
Puro katanungan at walang kasiguraduan.
Bakit nga ba mas mahirap paalamanan?
Kasabay ng pamamaalam ang mas marami pang pangangamba.
Kahit na dala rin ng bawat pamamaalam ang pangako ng bagong pangangamusta.
Paano ba natin matatandaan na ang pagpapaalam ay kailangan?
Upang magkaroon ng bagong pagkakataong magsalubungan.
Ilang beses man sa ating ulit ulitin,
ay sadyang kay hirap pa rin alalahanin.
Ang bawat sakit ay may gamot.
Ang bawat lungkot ay may ligaya.
Ang bawat pagtalikod ay mayroon pagharap.
Ang bawat paalam ay may pagdating.
Muli pa rin ay marininig, "Bakit ang hirap magpaalam?"
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento