Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Na-heartbroken ka na ba kahit hindi kayo?

Na-heartbroken ka na ba kahit hindi kayo?  Paano nga ba makaka-move on kay Crush? Marami nang naisulat tungkol dito. Mayroon nang naisulat si Tita Witty sa kanyang mga planner at calendar, mga libro nina Marcelo Santos III at Ramon Bautista, pati na rin sa Ampalaya Monologues, atbp. Mayroon ding mga self-help books sa Ingles na puwede mong basahin. Pero para sa akin at sa mga pinsan, kaibigan at kakilala, ito ang kadalasan nakakatulong sa amin upang maka-"move on" sa mga lalaking paasa base sa aming karanasan. Ang iba ay naisulat na rin ng iba, ngunit napatunayan namin na epektibo kahit na hindi pa naisulat.  Maglaro ng Angry Granny o mga kaparehong laro kung saan mo maibubuhos ang inis at galit mo sa kanya. Mayroon nga na nagpupunta lang sila sa isang lugar para magbasag ng mga pinggan at bote para ilabas ang galit. Mas violent mas makakatulong. Kailangan mo kasi ng cathartic experience.  Burahin ang lahat ng pictures niya na mayroon ka. Sa cellphone mo,...

Nagpaka-tanga Ka Na Ba?

Nagpaka-tanga ka na ba? Sino ba sa atin ang gustong matawag na 'tanga'? Kahit sino ata ay hindi gustong matawag na ganito kahit na nagsusumigaw pa ang katotohanan na sa pagkakataong iyon ay 'tanga' siya. Inisiip kasi natin hindi ito magandang pakinggan. Lahat tayo gusto natin maganda ang dating natin. Mahalaga para sa atin ang ating 'image' aminin man natin o hindi.  Hindi ka talaga 'tanga', nagkaroon lang ng pagkakataong hindi tama ayan sa standard ng lipunan o mundo ang napili mo. Hindi ka naman 24/7 na 'tanga' eh, kaya hindi ka talaga 'tanga'. Sabi nga sa "He's Just Not That Into You", tayong mga babae, mula nang bata tayo ay pinaniwala tayong ang mga lalaki kapag inaasar tayo ay ibig sabihin ay may gusto sila sa atin. Minsan totoo, ngunit mas madalas ay kaya lang tayo inaasar ay ka-asar-asar tayo para sa kanila. In short, trip lang walang special/hidden meaning. Mahilig kasi tayong gumawa ng kuwento kaya ayan n...

Na Friend-Zoned at Seen-Zoned ka na Ba?

Sabi nila imposible raw na ang isang babae at lalaki ay maging magkaibigan ng hindi nagkakamalisya ang isa o pareho sa kanila. Kapag pareho silang may malisya, ibang usapan na iyon. Mutual understanding. Pero kung isa lang ang may malisya. Malas niya. Dahil malamang mafe-friend-zoned lang siya. Masakit lang isipin na kahit gaano pa niya kagusto o kahit tunay pa ang nararamdaman niya para sa kaibigan niya ay mananatiling "Friend of Mine" ni Odette Quesada (mas gusto ko ang version ni Lea Salonga) ang kanyang theme song. Pwede rin ang "Why Can't It Be?" ni Rannie Raymundo (version ni Nina). 

Bakit Gusto Nating Matakot?

Bakit ba tayong  mga Pilipino kay hilig makiuso sa mga banyaga? Isa sa hindi ko maintindihan ay ang pag-gaya natin sa kanila sa Halloween. Bakit ba natin kailangan takutin ang mga sarili natin sa mga nakakatakot na palabas, nakakatakot na kuwento, atbp. Ang benta ng mga horror movies sa atin. Kahit pa mas maraming parte ng palabas ay may takip ang mata natin. Sabay tanong sa katabi "anong nangyari?" Dati rin mahilig akong manood ng nakakatakot kasama ng mga pinsan ko at mga kaibigan ko para lang hindi makatulog ng ilang araw. Shutter, The Ring, The Eye, The Grudge, Pet Cemetery, ilan lang yan sa mga pelikulang gumising sa akin sa madaling araw.

Anong Kailangan Mo Na Ayaw Mo?

Sa buhay natin ay mayroon mga bagay na kailangan natin pero ayaw natin.  Anu-ano ba ang sa akin? 1. Masustansyang Pagkain Isa na dito ang pagkain. Noong bata ako hindi ako mahilig kumain ng gulay. Mas masarap pa rin ang mga porkchop, fried chicken, crispy pata, atbp. Kapag ganyan ang ulam ay tuwang tuwa ako. Ngunit kapag nakita ko na ang ulam ay gulay ay nawawala bigla ang gana kong kumain. Habang lumalaki ako ay unti-unti kong pinag-aralan kung paano kumain ng gulay para may sustansya naman akong makuha.

Na-Indyan ka na Ba?

Indyan, yan ang mga tawag natin kapag hindi tayo sinisipot ng kausap natin. Drawing naman kapag nagbibigay ng salita ngunit hindi naman tinutupad ang sinabi. Masuwerte ka kung hindi mo pa nararanasan ito sa buong buhay mo, pero karamihan sa mga Pinoy ay naranasan na ito.

Anong Kapalaran mo Ayon sa mga Bituin?

Mabentang mabenta sa ating mga Pilipino ang horoscope.  Naalala ko pa noong nasa kolehiyo pa ako. Nakikita ko mga kaklase ko na nagbabasa ng dyaryo sa library. Akala ko ay nagbabasa ng balita. Hindi pala balita kung hindi horoscope ang binabasa nila! Hindi sila nag-iisa sa ganyang gawain. May iba na mas madalas pang tinitignan ang horoscope kaysa balita. 

Mahilig ka bang Mag-Selfie?

Tayong mga Pinoy nga naman sobrang hilig sa litrato. At hindi lang basta litrato, kung hindi sariling litrato. Madalas mong maririnig kapag grupo ng mga Pinoy ang nagtu-tour ang "picture, picture." Nandyan din ang "ako, ako naman ang kuhanan niyo ng solo." Ano kaya ay "kuhanan mo naman ako pang-profile pic." Kung hindi naman ay makikita mo na lang na tahimik nang nakangiti sabay tapat ng camera, cellphone, etc. at nagse-selfie na.  Naaalala ko pa nung high school ako. Booth namin ang pinakamalakas sa lahat ng booth tuning school fair. Bakit? Kasi nag tayo kami ng parang studio para sa mga gustong magpakuha ng litrato. Piniprint namin at ginugupit na wallet size ang mga litrato nila. Patok na patok kami sa mga kapwa namin mag-aaral dahil doon.  Kahit tuwing pumupunta sa mall ang mga magkakaibigan, magkapatid, pamilya, etc. ay hindi pwedeng hindi magpapakuha ng litrato. Lalo na yun naka-wallet size. Napupuno ang mga wallet namin ng mga studio pictur...

Nanaginip ka ba?

Sa tuwing natutulog tayo ng mahimbing ay nananaginip tayo. Kadalasan daw sabi ng mga Siyentipiko ay ang huling panaginip bago tayo magising lang ang naalala talaga natin. Minsan pa nga nagigising tayo na para bang pagod na pagod tayo dahil parang totoong nangyari ang sa panaginip natin. Dati sa sobrang stress ko sa trabaho ko ay napapanaginipan ko na nasa trabaho ako at nagtatrabaho. Kaya pag gising ko ay parang pagod ako sa panaginip ko. Para bang hindi ako talaga natulog. 

Umiyak ka na ba Dahil sa Pelikula?

Drama, ang hilig nating mga Pilipino. Mas madrama ang pelikula, mas award-winning. Kapag napaiyak ka ng pelikula, lalo ng pag-arte ng mga artista. Mabenta ang mga kwento kung saan ang bida ay inaapi ng lahat.  Pero napaiyak ka na ba sa mga pelikula? Kung oo, ano-anong mga pelikula ang nagpaiyak sa iyo? Nagtanong-tanong din ako sa mga nakapaligid sa akin at ito ang ilan sa mga pelikulang nagpaluha sa kanila ng bonga: