Na-heartbroken ka na ba kahit hindi kayo?
Paano nga ba makaka-move on kay Crush?
Marami nang nasulat tungkol dito. Mayroon nang naisulat si Tita Witty sa kanyang mga planner at calendar, mga libro ni Marcelo Santos III, Ramon Bautista, pati na rin sa Ampalaya Monologues, atbp. Mayroon din naisulat na mga self-help books sa Ingles na puwede mong basahin. Pero para sa akin at sa mga pinsan, kaibigan at kakilala, ito ang kadalasan nakakatulong sa amin upang maka-"move on" sa mga lalaking pa-asa base sa aming karanasan. Ang iba ay naisulat na rin ng iba ngunit napatunayan namin na epektibo kahit na hindi pa naisulat.
Maglaro ng Angry Granny o mga kaparehong laro kung saan mo maibubuhos ang inis mo sa kanya. Mayroon nga na nagpupunta lang sila sa isang lugar para magbasag ng mga pinggan at bote para ilabas ang galit. Mas violent mas makakatulong.
Burahin ang lahat ng pictures niya na mayroon ka. Sa cellphone mo, sa computer, SD card, at sa ibang pinaglagyan mo ng litrato niya kinuhanan mo man siya mismo ng alam niya o hindi. Lalo na ang mga litrato na grab mo sa account niya. Kung na save mo sa CD, itapon na ang CD na yan. Kung nasa external, burahin na! Huwag mong sabihing hindi mo makita sa daming files sa CD mo. Kung naka print ang pictures, itapon mo! Mas maganda nga punitin mo sa maliliit na piraso tulad ng pag punit sa puso mo. (Tamang drama lang).
Burahin ang messages niya kung nag-usap man kayo dati. Burahin pati screen shots ng interaksyon niyo (comments, chat logs, atbp.). Kung may mga sulat siya (as in yun sa stationery na mabango pa o yun sa tissue kung saan kayo kumain) sunugin mo na!
Deadmahin lahat ng pagpapapansin niya. Seen-zone mo ang lolo mong pa-fall lang parati ang peg sa iyo. Tutal naman hindi ka niya binigyan ng pansin, ibalik mo sa kanya ang ginagawa niya sa iyo. Ika nga nila, 'give him a taste of his own medicine'. Tsaka sa totoo lang, titigilan ka rin niya pag naramdaman niya na 'di ka na affected sa mga pagpapapansin niya.
Yayain ang mga kaibigan o mga pamilya mo na lumabas. Mag videoke at kantahin ang pinaka-matataas na kanta. Ibuhos sa pagbirit ng mga kanta ng Aegis at Ate Regine ang sama ng loob mo sa katotohanang 'di ka talaga type ng crush mo.
Puwede rin naman na magfood trip ka. Ikain mo na lang ang sama ng loob mo sa pa-asang yan. Kapag tumaba ka dahil diyan, ayos lang yun. Mabuti nang mataba pero brokenhearted pa rin, kaysa naman brokenhearted ka na nga may ulcer ka pa. Pero take note, mas madaling magpataba kaysa magpapayat. Bihira lang ang biniyayayaan ng katawan na kahit anong kain ay hindi tumataba. Ayaw mo naman na makita ka ng gusto mo (na hindi ka nagustuhan) na mataba ka na! Paano na siya magsisisi na hindi ikaw ang pinili niya? What if lang, diba? Mabuti lang na sure. Kapag may nagtanong naman sa iyo kung bakit ka tumaba sabihin mo marami kang pambili ng pagkain, mayaman lang ang peg mo! hehe. Pero pagkatapos mo ibuhos sa pagkain ng masasarap ang heartache mo, panahon na para mag-balik-alindog program ka na.
Magkaroon ng 'me time'. Sabi ng kaibigan ko dapat raw i-treat mo ang sarili mo. Lumabas mag-isa. Kahit sa coffee shop lang. Magkaroon ng oras para sa sarili. Manood ka ng sine ('wag muna yun love story ha, don't be harsh on yourself. Dahan dahan lang, baka palabasin ka ng sinehan kapag nagwala ka doon sa galit sa kuwento at sa mga nanonood na mag bf-gf).
Mahalin ang sarili. Asikasuhin mo ang sarili mo bago ang lagat. Kung kailangan mag diet ka (hindi para mapansin niya, pero para mas mabilis ka lang makakatakbo kapag hinabol ka ng aso ng kapitbahay haha). Magbago ka ng hairstyle (hindi para mapansin niya, pero arte lang!). Magpa mani-pedi (uulitin ko, hindi para mapansin niya, pero para maganda lang!). Mag pa facial, atbp. ayusin mo ang sarili mo hindi para sa kanya o para hindi mahalata ng mga tao na heartbroken ka (kahit hindi naman naging kayo dung gusto mo), pero para mayos ka lang. Magpalit ka ng outfit. Hindi naman mawawala yun sakit agad paglabas mo ng parlor, derma, shop, at kung saan ka man magpapagawa ng mga yan, pero at least maganda ka! (Basta wag lang din mangungutang para sa mga yan at baka papangitin ka ng maniningil sa iyo bigla).

Maging busy sa ibang bagay. Magkaroon ng bagong pagkakaabalahan. Sumubok ng mga bagong bagay na hindi mo pa nagagawa dati. Pero siyempre dapat safe ka pa rin ha. Halimbawa hindi mo pa nasusubukan mag zipline, e di go! Habang sumisigaw ka sa takot na malalagot ang tali o malalaglag ka tignan ko lang kung maisip mo pa ang lokong yun. Subukan mo yun challenging. Wall climbing, bungee jumping, atbp. Panahon na rin para ma-diskubre mo ano ang hobby o mga hobby mo. Sumali sa iba't ibang grupo na may kaparehong interes o hobby. Marami ng paraan ngayon kaya, go na! Maging productive sa mga oras mo. Huwag mo sayangin sa taong hindi ka naman pinahalagahan.
Dati sa sobrang lungkot ko na may girlfriend na ang crush ko na pinaasa lang ako ay nag-aral ako ng dalawang foreign language! Marami akong natutunan at marami akong nakilala. Heartbroken pa rin ako pero marunong na ako magsalita, magsulat at magbasa ng dalawang bagong lenguwahe. Sa sobrang heartbroken ko rin noon kay Mr. Frie-lirt ay binuhos ko sa pag-aaral ko ang oras ko. Sinugurado kong may honors pa rin ako pag nagtapos ng kolehiyo. Pagkatapos ko ng kolehiyo, heartbroken pa rin ako pero at least may honors ako kaya maraming nag ooffer sa akin ng trabaho dati. Ilang taon ang lumipas, heartbroken pa rin ako, lalo na dahil nagpaparamdam minsan si Mr. Frie-lirt at hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari ay tinuloy ko ang plano kong mag Masters. Natapos na ako sa graduate school at hindi kami nagkatuluyan. Medyo inis pa rin ako sa kanya noong natapos ako ng Masters ko dahil naaapektuhan ang pakikisalamuha ko sa ibang pwede kong magustuhan, pero may Masters na ako. Kaysa naman heartbroken/bitter ka na nga wala pang progreso sa ibang aspeto ng buhay mo.

Sabi nga dapat hindi natin tinatanong kung bakit sa atin nangyari ang mga ito. Dapat raw ang tanong natin ay, "so now what?" Dapat ang tanong ay ano na ang gagawin mo dahil sa mga nangyari. Ako? Heto nag-susulat para sa mga dumadaan sa mga napag-daanan ko.
Mag travel. Lumayas ng lumayas. Hindi naman kailangan sa ibang bansa. Basta lumabas at magpunta sa mga bagong lugar. Mag-explore at iexpose ang sarili sa mga bagong bagay at kaibigan. Doon mo maiintindihan na hindi si Crush ang mundo mo. Hindi sa kanya umiikot ang buhay. Doon mo rin malalaman na maraming iba diyan! Puwede kang umakyat sa bundok at isigaw ang sama ng loob mo sa katotohanang pa-asa at pa-fall lang ang lalaking yan at nagustuhan mo naman.
Unfollow siya sa social networking sites. Unfollow sa Instagram at Twitter. Unfriend siya sa Facebook marami ka naman friend na, hindi mo ikamamatay ang magtanggal ng isa. Kapag nagpaparamdam pa rin, i-block na yan! Sa una, mahirap kasi nasanay ka na tinitignan ang profile niya. Nasanay kang nalalaman ang bago sa buhay niya. Nasanay kang makita ang bagong post niya, ang mga ni-lilike niya, atbp. Pero masasanay ka rin. Sanayan lang yan. 'Pag hindi mo matiis na hindi tignan ang profile niya, tignan mo basta siguraduhin mong handa kang masaktan bago mo gawin.
Sabihan mo rin ang mga kaibigan mo na kaibigan rin niya na utang na loob lang huwag ka na nilang i-update tungkol sa kanya. Kasi minsan kahit na alam mo na hindi ikaw ang gusto niya at magiging masaya rin siya sa iba ay masakit pa rin na ma-confirm ang masaklap na katotohanan. Huwag mo nang panghinayangan ang friendship niyo sa social media, marami naman diyan iba, hindi siya kabawasan. Ang tigas ng ulo mo, sinabing unfriend/unfollow na yan! Tapos malulungkot ka kapag nalaman mo na nahanap niya ang "the one" niya, habang ikaw hanggang ngayon "can't move on" at "searching for the one" pa rin ang status mo.

Para sa iba naman bagong object of affection ang sagot upang tuluyan nang maka-move on mula kay crush na pinaasa ka lang…Ingat lang dito. Huwag pa rin aasa. Matuto sa nakalipas. Magkagusto ng sakto lang. Tama na yun alam mong gusto mo siya. Ibig sabihn ikaw ang may gusto. Kung paano man siya kumilos sa harap mo ay hindi ito 'sign' na type ka rin niya. Assuming ka kasi eh. Ika nga nila "marami ang namamatay sa maling akala" kaya huwag ka na dumagdag pa.
Huwag ka mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Dapat matutunan mong tanggapin na hindi lahat ng crush natin ay crush din tayo. Marami sa kanila paasa lang. Feeling pogi. Yun lang. Sabi nga 'just charge it to experience'. Yun lang ang magagawa mo. Pagkatapos ay isipin kung paanong ma-dedevelop ang sarili mula sa karanasang ito.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento