Sabi nila imposible raw na ang isang babae at lalaki ay maging magkaibigan ng hindi nagkakamalisya ang isa o pareho sa kanila. Kapag pareho silang may malisya, ibang usapan na iyon. Mutual understanding. Pero kung isa lang ang may malisya. Malas niya. Dahil malamang mafe-friend-zoned lang siya. Masakit lang isipin na kahit gaano pa niya kagusto o kahit tunay pa ang nararamdaman niya para sa kaibigan niya ay mananatiling "Friend of Mine" ni Odette Quesada (mas gusto ko ang version ni Lea Salonga) ang kanyang theme song. Pwede rin ang "Why Can't It Be?" ni Rannie Raymundo (version ni Nina).