Bakit ba tayong mga Pilipino kay hilig makiuso sa mga banyaga? Isa sa hindi ko maintindihan ay ang pag-gaya natin sa kanila sa Halloween. Bakit ba natin kailangan takutin ang mga sarili natin sa mga nakakatakot na palabas, nakakatakot na kuwento, atbp. Ang benta ng mga horror movies sa atin. Kahit pa mas maraming parte ng palabas ay may takip ang mata natin. Sabay tanong sa katabi "anong nangyari?" Dati rin mahilig akong manood ng nakakatakot kasama ng mga pinsan ko at mga kaibigan ko para lang hindi makatulog ng ilang araw. Shutter, The Ring, The Eye, The Grudge, Pet Cemetery, ilan lang yan sa mga pelikulang gumising sa akin sa madaling araw.