Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Umiyak ka na ba Dahil sa Pelikula?

Drama, ang hilig nating mga Pilipino. Mas madrama ang pelikula, mas award-winning. Kapag napaiyak ka ng pelikula, lalo ng pag-arte ng mga artista. Mabenta ang mga kwento kung saan ang bida ay inaapi ng lahat.  Pero napaiyak ka na ba sa mga pelikula? Kung oo, ano-anong mga pelikula ang nagpaiyak sa iyo? Nagtanong-tanong din ako sa mga nakapaligid sa akin at ito ang ilan sa mga pelikulang nagpaluha sa kanila ng bonga:

Anong Theme Song ng Buhay Mo?

Tayong mga Pilipino sobrang hilig sa musika. Sa una nagkakahiyaan pa kumanta sa videoke pero kapag may nauna na ay sunod sunod na. Halos hindi na mapigilan ang mga Pinoy. Paborito ng karamihan ng mga Pinoy ay yun mga kantang kailangang bumirit sa taas. Tawanan ang katumbas pag hindi naabot ang mataas na nota.  Balitang balita ang mga lasing na nahihilig sa "My Way". Mga ilan din sa kanila ang namatay dahil dito. Kaya nabansagan dati ang "My Way" na "deadly song". Mabuti na lang natigil rin ito. Pero patok na patok pa rin ang mga kanta ng Aegis, sikat rin ang mga pambirit na kanta nila Ate Regine Velasquez, Mariah Carey, Celine Dion, Whitney Houston, at marami pa. Pagka nag-iinuman ang mga sawi sa pag-ibig ay mga kanta ng mga banda ang sinisigaw, este kinakanta pala. 

Anong Bago Sa'yo Ngayong Bagong Taon?

Hindi natatapos ang kasiyahan sa panahon ng kapaskuhan dahil isang lingo ang makalipas ay hinaharap na natin ang Bagong Taon. Pagkatapos pa lang ng Pasko ay panibagong pagdiriwang na naman ito.  Paano nga ba nating ginugunita ang Bagong Taon dito sa Pilipinas? Dito sa Pilipinas ay parang hinalong kalamay ang ating mga tradisyon lalo na tuwing Pasko at Bagong Taon, ang iba ay galing sa mga Chinese, mayroon na rin Western. Magsuot ng damit na may bilog bilog/polkadots para daw dumami ang pera natin ngayon bagong taon na darating. Dahil wala na raw masyadong halaga ang barya kaya dapat daw parisukat/rectangle na ang design ng damit mo para papel ang pera na dumating sa iyo ngayong bagong taon. Pwede rin naman cheque o 1/2 sheet of pad paper. haha. Pero bakit kapag nagsuot ka naman ng polkadots nang hindi Bagong Taon ay aasarin kang Bagong Taon ba daw. Sagutin mo kaya nang, "oo Bagong Taon ngayon at araw araw sa buhay ko" tignan natin kung anong isasagot nila. Maglag...

Paano nga ba ang Paskong Pinoy?

Paano nga ba ang pasko para sa ating mga Pilipino? Sabi nila sa Pilipinas ang pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko. Biruin niyo pagdating palang ng Ika-1 ng Setyembre ay maririnig nang pinatutugtog ang mga Christmas Songs. Siyempre nangunguna dito ang pinakapatok na mga kanta ni Jose Mari Chan, lalong lalo na ang Christmas in our Hearts . Makikita na rin na unti-unti nang nagkakabit ng dekorasyon pamasko ang sa paligid. Tumatagal ang padiriwang hanggang Kapistahan ng Tatlong Haring Mago o ang tinatawag ng karamihan na Feast of the Three Kings. Minsan nga hinahabol pa ang Lunar New Year o ang mas kilala na Chinese New Year na pagtatapos ng Pasko. 

Nagkaroon ka na ba ng Nakakadiring Karanasan?

Ang bawat araw natin ay iba iba. Minsan ay masaya, minsan malungkot, minsan rin kadiri. Heto ang listahan ng ilang nakakakadiring pangyayari na maari nating maranasan sa buhay.: Kadiri Moment No. 1: Laway Unang una sa listahan ng mga nakakadiring pangyayari sa ating buhay ay may kaugnayan sa laway. Marami kasing pagkakataon na tumatalsik ang laway ng isang tao. Minsan sa sobrang sarap ng usapan ay kahit may laman ang bibig ay nakakapagsalita tayo. Minsan rin naman alam naman ng mga kaharap natin na ngumunguya pa tayo ay tatanungin pa tayo. Kaya nga sabi "don't speak when your mouth is full" dapat din malaman nila na 'don't ask someone whose mouth is full' diba? Tapos magagalit kapag biglang may sumamang pagkain pagsalita mo. 

Nagkamali ka na ba? Ang Maling Tsikot

Nagkamali ka na ba? Yun tipong may inakala ka, mali pala. Nakakahiya! Case No. 1: Maling Tsikot Katulad noong nasa kolehiyo ako. Sa pagmamadali kong makauwi, paglabas ko ng gate ng unibersidad ko tumingin ako sa sasakyan na nakaparada sa tabi ng kalsada. Dahil doon parati tumitigil ang sasakyan ng tatay ko kapag sinusundo niya ako at kapareho ng kulay ng sasakyan niya ay inisip ko na agad na iyon nga ang sasakyan na dala niya. Agad akong lumapit at sinubukan kong buksan ang pinto. Tumingin ako sa nagmamaneho upang pabuksan ang lock ng pinto. Doon ko natitigan ang sasakyan. Hindi ko pala napansin na iba pala ang tint ng sasakyan na iyon pati na rin ang plate number! Kahiya talaga! Baka akalain nila part-time karnapper ako. Naka PE uniform pa naman ako. 

Bakit Wala Ka Pa Rin Nobyo?

Naiinis ka ba sa tuwing mayroon magtatanong sa iyo kung bakit wala ka pa rin nobyo? Ilang taon ka na pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin maipakilala sa pamilya mo. Para tumigil na sila sa pagtatanong tuwing may reunion kayo kung bakit wala ka pa rin nobyo o kung kailan ka mag-aasawa ( nobyo nga wala, asawa pa! Ano ba?! ) ay naiisip mo nang maghanap ng boyfriend-for-hire o isama ang isang kaibigan mong bakla na magpanggap na nobyo mo  matigil lang ang pangungulit nila. O ano kaya ay hindi ka na lang pumupunta sa mga family at high school reunion para hindi ka matanong kung nasaan ang inexistent boyfriend mo.

Nasanay ka na ba sa Nakasanayan?

Mahirap na madaling masanay sa nakasanayan.  Minsan masyado tayong nagiging kumportable sa mga bagay bagay sa buhay natin na hindi na natin matanggap ang pagbabago. Nahihirapan na tayong mag-isip pang sumubok ng iba. Halimbawa, kapag nasanay na tayo sa ginagamit nating tatak ng mga binibili natin, minsan ang hirap kapag wala ang tatak na ito. 

Ilang Taon Ka Na Ba Talaga?

Akma ba ang itsura mo sa edad mo? Sa ibang mga kultura ay ipinagbabawal ang pagtatanong ng edad sa mga babae. Hindi raw ito etikal. Kaya naalala ko nang nagkaroon ng Pilipina na ka-chat ang isang kaklase kong taga Timog Asya dati. Tinanong niya muna ako kung maari raw niyang itanong sa ka-chat niyang Pinay kung ilang taon na ito dahil sa kanila raw ay bawal ito.  Mahirap na basta na lang itanong ang edad ng isang tao lalo na sa babae na parang mas nakakatanda sa atin. Minsan parang nababastusan sila. Kaya mag-ingat. Huwag agad-agad magtatanong ng edad kung ayaw na masungitan.