Paano nga ba ang pasko para sa ating mga Pilipino? Sabi nila sa Pilipinas ang pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko. Biruin niyo pagdating palang ng Ika-1 ng Setyembre ay maririnig nang pinatutugtog ang mga Christmas Songs. Siyempre nangunguna dito ang pinakapatok na mga kanta ni Jose Mari Chan, lalong lalo na ang Christmas in our Hearts . Makikita na rin na unti-unti nang nagkakabit ng dekorasyon pamasko ang sa paligid. Tumatagal ang padiriwang hanggang Kapistahan ng Tatlong Haring Mago o ang tinatawag ng karamihan na Feast of the Three Kings. Minsan nga hinahabol pa ang Lunar New Year o ang mas kilala na Chinese New Year na pagtatapos ng Pasko.