Hindi ko alam kung bakit pero isa sa mga bagay na hindi alam ng mga tao ay sensitibo ang pang-amoy ko. Very Active ang mga smell receptors ko kasi kahit may sipon ako ay hindi uso sa akin ang kawalan ng pang-amoy. Kadalasan ako ang unang nakakaamoy.
Ako: "Anong amoy yun?"
Kasama ko: "Anong amoy? Wala naman ah."
Ako: "Ayun oh. 'Di mo ba naaamoy?"
Pagkalipas ng ilang segundo.
Kasama ko: "Ay, oo nga noh. Ambaho naman."
Ako: "Sabi ko sa iyo eh."
Ganyang parati ang nangyayari sa akin. Hindi ako nauunahan pagdating sa amuyan. Naalala ko noong college ako. Sa isang subject ko ay kinakailangan kaming mag experiment. Nagkataon na isang grupo sa mga kaklase ko ay tungkol sa amoy ang experiment. Kumuha sila ng ilang babae at ilang lalaki na pinaghugas nila ng kamay ng walang sabon. Habang namili sila ng ilang kaklaseng huhulaan kung ang kamay na ipaamoy ay sa lalaki o babae habang may piring ang mga mata. Isa ako sa napiling umamoy. Sigurado talaga ako kapag lalaki o babae ang kamay na pinapaamoy sa akin. Sa isa lang ako medyo nag-alinlangan kasi medyo nasa pagitan ng amoy kamay ng babae at kamay ng lalake. Kung hindi ko naamoy ang pabango niya ay hindi ko masasabing babae ang may-ari ng kamay na iyon. At siyempre perfect ang hula ko. Dalawa lang kami sa lahat ng pinahula nila ang nakatama sa lahat. Hindi ko alam kung napatunayan na sa mga siyentipikong pag-aaral ito ngunit hiniritan pa ako ng isa sa kanila na kaya raw ganoon ay dahil kapag mas nagkaka-edad na ang babae ay may nagiging sensitibo na ang pang-amoy niya. Pero first year high school pa lang ako ay napansin ko na sensitibo talaga ang pang-amoy ko. Ewan!
Kaya nga mahalaga sa akin na mabango ang damit ko. Ayokong magsusuot ng damit na hindi amoy fabric softener kahit nasa bahay lang. Kapag lumalabas naman ay ayoko ring makakaamoy ng mga damit na amoy hindi nalabhan ng maayos. Naiinis ako. Pakiramdam ko pumapasok sa ilong ko at nababarahan ang daluyan ng hangin sa ilong ko. Arte lang! haha. Pero sa totoo lang mahalaga ang amoy ng damit. Para sa akin marami na ang masasabi tungkol sa isang tao base lang sa amoy ng damit na suot niya. Halimbawa, kapag mabango at amoy fabric freshner ang damit (sabay malinis pa at hindi gusot) ay iisipin mong mayaman o may kaya sa buhay ang may suot nito. Aba, may pambili ng fabric softener. Amoy mayaman! Pero siyempre dapat malinis at hindi gusot gusot ang damit kasi kahit gaano ka-amoy fabric softener pa ang damit ng isang tao kung gusot gusot naman o marumi ay magdadalawang isip ang mga makaka-amoy sa katayuan sa buhay ng tao.
Naalala ko tuloy ang isang pinsan ko. Sobrang bango ng damit nila dati, amoy malinis. Pero nalaman nila na kaya lang pala amoy mabango ay dahil sangkatutak na fabric softener ang ginagamit ng labandera nila sa damit pero hindi naman pala nilalabhan ng maayos.
Kapag maasim ang amoy ng damit ay parang hindi nalalabhan ng maayos ang damit. Dagdag pa rito ang amoy ng pawis ng may suot kaya talagang mabaho. Nakakainis kapag nauulanan ang damit namin, minsan nag-aamoy hindi natuyo ng maayos kaya pinapalabhan ko ulit.
Kapag pumapasok nga ako sa klasrum ng mga bata lalo na kapag hapon ay naamoy ko ang pawis nila. Amoy araw! Naisip ko nga siguro ganoon din ang reklamo ng mga guro namin lalo na pagkatapos ng tanghalian. Parati kasi kaming naglalaro noong grade school ako sa field pagkatapos ng tanghalian. Doon nagtatakbo kami na parang nasa dagat lang. Ginagaya namin ang Baywatch sikat kasi iyong dati. Kung hindi naman kami sa field nagtatakbuhan ay sa paligid ng klasrum kami naghahabulan. Minsan agawan base, minsan mataya-taya, minsan langit-lupa, marco polo, atbp. ang nilalaro namin. Minsan nagtatakbuhan rin kami papunta sa canteen. Kapag uwian naman ay naglalaro kami habang hinihintay ang mga ka-service namin na high school. Naglalaro kami ng luksong tinik, patintero, marco polo, atbp. Pagsakay namin ng service ay pawis na pawis na kami. Minsan nagdudugo pa nga ilong ko. Sinabi ko ba madaling dumugo ang ilong ko dati noong bata ako kasi kulang raw ako sa vitamins (hindi dahil sa English ha! hehe) Minsan naamoy ko ang sarili ko amoy putok na. Grade 6 na ako. Nag-dadalaga na pala ako kaya kailangan ko nang maging mas malinis sa katawan. Nagkaroon na rin kasi ako. Ganoon daw lahat ng nagdadalaga. Kahit ako ay nababahuan sa sarili kong amoy. Kaya nilagyan ng kalamansi ang kilikili ko bago maligo. Pinaglagay na rin ako ng tawas hanggang sa pinalitan ko ng deodorant noong sumunod na taon.
Kaya nga hindi ko maintindihan ang ibang nagkaka-BO kung bakit hindi nila ginagawan ng paraan ang amoy nila. Nakakahiya kaya kung ikaw na ang huling taong hindi nakakaalam na may putok ka! Pwede ba sa mga magulang ng mga batang mayroong BO, paki tulungan niyo naman na masolusyonan ang problema nila! Dati ay parating may bumibili sa tindahan ng isang tita ko. Sa tuwing pumapasok ang nagdadalang batang iyon ay binabaling ko na sa iba ang utak ko para hindi siya mapahiya sa amin. Sa tindi ng amoy ng kilikili niya ay amoy ata sa buong tindahan dahil naka-aircon! Naisip nga namin hindi kaya siya pinagsasabihan ng magulang niya? Hindi lang isang taon atang ganoong ang amoy niya. Para sa amin ng mga pinsan ko hindi na namin inalam ang pangalan niya kahit regular siyang bumibili. Sinasabi na lang namin, "yun anak ni Ka ____ na may putok" ang bumili. Siyempre kapag wala na siya.
Speaking of BO, sabi nila iba iba raw ang amoy ng mga tao. May ibang amoy bawang. May ibang taong amoy kimchi. May ibang taong amoy sibuyas. Hindi ko nga alam kung ano yun sinasabi nilang amoy Intsik. Tayo raw mga Pilipino ay amoy isda sabi ng mga foreigner. HIndi natin masabi kung totoo kasi sanay tayo sa amoy natin. Katulad natin, sanay na rin ang mga taga Timog Asya sa amoy niya. Sabi nila kaya raw ganoong ang amoy ng mga tinatawag ng mga Pilipinong bumbay ay dahil sa mga spice na kinakain nila. Sa totoo lang kung hindi ka sanay sa amoy na ganoon ay masakit sa ulo. Noong high school ako ay nagpunta kami sa Singapore ng pamilya ko. Kasama namin sa bus ang mga turistang mula sa Timog Asya. Dahil aircon at mainit ay matindi talaga ang amoy. Hindi ako halos makahinga kaya binigyan ako ng sanitary balm para maiba ang maamoy ko. Nagsawa kami sa ganoong amoy noong napunta kami sa Little India doon. Pagbaba pa lang namin ng taxi ay agad na bumungad sa amin ang ganoong amoy.
Noong kolehiyo ay nag-aral ako ng tungkol sa Asya kaya kahit papaano ay naging mas tolerant ako sa ibang mga kultura. Tuwing pumupunta rin kami sa ibang bansa ay nakakasalamuha ako ng mga taong may iba't ibang amoy. Kaya naman noong nag-aral ako sa ibang bansa at nagkaroon ako ng mga kasamang mula sa Timog Asya ay pinag-aralan kong maging tolerant sa ibang amoy. Mabait naman sila kaya pinilit ko na lang intindihin kung bakit ganoon ang amoy nila. Minsan ay nagpunta kami ng mga kasama ko sa kuwarto ng isang kasama namin. Pagtanggal ng sapatos ng isang kaibigan kong taga-Timog Asya ay agad na sumingaw sa buong kuwarto ang amoy putok. Pumikit na lang ako at inisip ko, "bawal ang suplada!" Ibinaling ko na lang sa iba ang isip ko para malibang ako at hindi ako mag-react na nababahuan. Buti na lang talaga malamig ang panahon noon kaya hindi masyadong malakas ang amoy ng kilikili nila.
Pero noong bumalik ako doon makalipas ang ilang taon para sa isang youth camp mas maraming taga-Timog Asya ang kasama namin. At higit pa rito ay panahon ng tag-init ang punta namin. Ang tapang talaga ng amoy putok nila. Hindi naman lahat, pero karamihan lalo na ang mga lalaki ay mayroong putok. Sinabihan pa sila ng mga organizer na dapat raw maligo ang bawat kalahok araw-araw dahil marami raw ang hindi naliligo araw-araw. Siyempre kaming mga Pilipino ay hindi na kailangan pang sabihan dahil araw-araw naman talaga kami naliligo. Pero ang mga taga Timog Asya ay hindi namin alam kung gaano kadalas maligo dahil masyado nang malangis ang buhok ng mga lalaking kalahok. Habang ang ibang babae ay may takip ang ulo.
Noong pinagsuot rin kami ng mga pambansang kasuotan namin ay naisipan kong tanungin ang isa kong kaklase mula sa Timog Asya. Parati siyang nakasuot ng pambansang kasuotan nila at maganda ang mga sinusuot niya araw araw kaya naisip kong may kaya siya sa bansa nila. Isa pa, hindi siya amoy putok. Nakita ko kasi na naglagay sila ng bindi sa noo. Gusto ko sanang malaman ang ibig sabihin nito sa kanyang kultura. Nagkataong nasa elevator na kami ng mga kasama niya at kasama ko. Nagulat ako noong biglang sumabat ang lider nila na may putok at sinabing dekorasyon lang daw iyon sabay lagay sa aking noo ng bindi mula sa noo niya!!!! Gusto ko sanang magwala sa loob ng elevator dahil ayokong basta pinakikialaman ang mukha ko lalo ng ng wala akong permiso. Matindi rito ay tingin ko ay hindi siya naliligo araw araw kaya siya may putok tapos idinikit niya ang bindi na may oil ng mukha niya na hindi ko alam kung kailan niya huling hinugasan papunta sa mukha ko!!!! Diyos ko!!!!! Pinilit ko na lang ngumiti pero hindi ako gumalaw. Ayokong magreact sa harap niya. Ayokong isipin niyang bastos ako o hindi ko na-appreciate ang kabutihan niya. Pero naman!!! Nauna silang lumabas ng elevator. Pagbaba nila ng elevator ay agad kong tinanggal ang bindi at huminga. Pakiramdam ko ay isa sa pinakamatagal na elevator ride ko iyon sa buhay ko. Siryoso! Akala ko ay magiging bato ako. Para bang natitigan lang ni Medussa. Kinabukasan ay tinubuan ng tigyawat ang lugar sa mukha ko na pinagdikitan niya ng bindi niya. Totoo!!! Ilang araw ko kayang ininda ang pimple na iyon.
Sa sobrang init sa labas ay sobra kami pagpawisan. Kaya naman naka todo ang mga aircon sa klasrum. Masama ay malapit sa aircon napapatapat ang mga kaklase kong lalaking mula sa Timog Asya. Kaya pagpasok pa lang ng klasrum ay sumasama na ang pakiramdam ko sa naaamoy ko. Kuwento rin ng isang kasama naming Pilipino na isang gabi na pumunta sila sa isang club ng ibang lalaking kalahok. Sumama sa kanila ang ilang taga Timog Asya na kalahok. Doon ay nahilo raw siya nang sumayaw sa gitna ang isang lalaking taga Timog Asya. Natawa na lang kami noong kinuwento niya sa amin. Hindi namin alam ay makakaranas rin kami ng ganito. Noong nagkaroon kami ng sayawan noong malapit na kaming umuwi ng mga bansa namin ay gumawa kami ng bilog ng mga kasama kong babaeng kalahok mula sa Pilipinas at iba pang bansa. Habang sumasayaw kami ay biglang naisipang pumunta sa gitna ng isang kaklase kong taga Timog Asya. Grabe ang putok niya. Buti na lang ay napili niyang humarap sa dalawang kasama kong Pilipina at sila ang sinayawan. Habang sinasayawan sila ay unti-unti silang naglalakad patalikod para hindi mahalata na lumalayo sila. Habang kaming naiwan ay unti-unti ring naghiwalay. Baka kami pa ang maisipang sayawan nun! haha. Nakakasakit rin ng ulo lumapit sa may aircon o dumaan malapit sa direktang pinupuntahan ng hangin ng aircon dahil sumisingaw na parang air freshner ang mga kilikili nila. Hindi na namin tinapos ang sayawan kasi nakakahilo ang amoy.
Dagdag pa sa arte ko ay ayokong naaamoy ang sarili ko ng paulit-ulit. Hindi ako makahinga kapag pare-pareho ang amoy ko araw araw kaya kailangan ay iba-iba ang ginagamit kong pabango araw araw. Kahit noong Grade 6 ako ay dalawang klaseng cologne ang gamit ko. Pinag-sasalitsalit ko ang gamit para hindi ako magsawa sa amoy ko. Noong first year high school ay may baon akong pabango. Hindi ko siya araw araw ginagamit para hindi ako magsawa. Nakiki-spray ako sa isang kaibigan namin. Kaya naman minsang bumaba kami ng mga kaibigan ko na pare-parehong nakigamit ng pabango ng isa namin kabigan ay iisa ang amoy namin. Sabi tuloy ng isang kasalubong namin, "amoy matamis!" haha. Sabi naman ng katabi ko noong first year college ako ay amoy chamomile daw ako kasi naglalagay ako sa balat minsan. haha
Minsan rin na-delay ang eroplano namin pauwi ng Pilipinas dahil marami raw lumilipad paalis ng bansang iyon. Kaya naman ang tagal naming nakaupo sa loob ng eroplano. Masama pa sa pagiging sensitibo ng pang-amoy ko ay may pagka-claustrophobic ako. Hindi ako makahinga kapag nasa masikip na lugar ako. Ayoko kasing mahirapan ang nanay ko kaya siya ang pinaupo ko sa may bintana habang ako ang nasa gitna. Hindi ko kilala ang katabi kong babae pero pilit niya akong kinakausap siguro ay nababato siya. Hindi ko masabi sa kanyang huwag niya akong kausapin dahil hindi ako makahinga ng maayos at inaatake ako ng claustrophobia dinagdagan pa ng matapang niyang pabango. Ang hirap talaga huminga pero pinilit kong kumamla, ayokong gumawa ng eksena sa eroplano eh, dyahe! Marahil ay inisip niyang suplada ako. Pero hindi na naman kami nagkita mula noon kaya hindi na iyon mahalaga. hehe.
Sa totoo lang hanggang ngayon ay kahit na may sipon ay hindi nagbabago ang pang-amoy ko. Kaya kahit dinedeny ng tatay ko minsan na tumatakas siyang naninigarilyo ay hindi niya maloloko ang ilong ko. Kaya tuloy minsan nagalit siya sa akin kasi itinatanggi niya ang naamoy ko, sabi niya, "bakit aso ka ba at ganyan ang pang-amoy mo?" Kahit rin sabihin ng mga umuutot na walang amoy ang utot nila ay hindi ito makakaligtas sa ilong ko. Iba nga lang ang pag-amoy sa nagtatago ng tunay na pagkatao kung lalaki o bading, gaydar yun. haha. Parang kanta ni Gloc9, huli ka na, wag na magdeny, don't tell a lie. hehe
Pero kahit ano pa ang amoy natin mahalaga na alagaan natin ang sarili natin. Alagaan natin ang kalusugan natin. Mahalaga rin na turuan ang mga nagdadalaga at nagbibinata na kapamilya natin kung paano maging malinis sa katawan.
Ikaw, paano ang pang-amoy mo?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento