Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Takot ka ba sa "Friday the 13th"?

Kailan mo ba unang narinig ang tungkol sa Friday the 13th? Kailan ba ito nadagdag sa dinamiraming pamahiin na nalalaman mo habang lumalaki ka?  Naalala ko noong bata ako bago ko malaman ang tungkol doon ay ordinaryong araw lang ito. Sa loob ng isang taon ay kadalasan may isang ika-13 ng buwan ang natatapat ng biyernes. Minsan ay higit sa isang beses rin. 

Bakit mahirap masunod ang 'New Year's Resolution'?

Bagong Taon na naman, bukod sa inaabangan pasabog na couple reveal ng Dispatch kapag January 1 ay maririnig na naman natin ang New Year's Resolution. Ilang araw makalipas ang mga kasiyahan na kasabay ng pagpapalit ng taon, kamusta na ang pagtupad sa nga 'New Year's resolution' ng mga tao? Marami na ba ang sinabing sa susunod na taon na lang ulit? Bakit nga ba ang hirap panindigan ang New Year's Resolution? Pagpapapayat pagkatapos kumain ng marami ng Pasko at Bagong Taon (pati na rin sa iba't ibang mga Christmas party at reunion sa panahon na ito), pag-iipon o pag-invest ng pera, atbp. Taon taon naman ganyan. Pero karamihan naman ay ilang araw lang ay sumusuko na. Bye New Year's resolution parating na kasi ang Three Kings, Lunar New Year, Valentine's, at sari saring piyesta at okasyon. Sa susunod na lang ako magpapapayat. Sa susunod na lang ako mag exercise kasi busy na ulit pagkatapos ng bakasyon. Sa susunod na lang ako mag-iipon ng pera, kasi may seat s...

Ano ang mga bagay na nakakainis na ngayon kapag Panahon ng Kapaskuhan?

Noong bata ako, isa sa mga panahon na inaabangan ko ay ang Pasko. Mahaba ang bakasyon habang malamig ang simoy ng hangin. Mayroon rin mga nagbibigay ng regalo at pera sa iyo. Ibang iba kaysa summer vacation. Bakasyon nga, pero mainit at matagal na walang natatanggap na allowance.  Marami rin kaming mga tradisyon sa pamilya kapag kapaskuhan. Kadalasan masaya ang lahat lalo na kapag Christmas Party at reunion.  Lumipas ang maraming taon ay malaki na ang pinagbago ng sitwasyon ko. Kung dati ay ako ang binibigyan ng regalo at pera, ako na ang inaabangan magbigay ng pera. Bukod dito ay kabi kabila rin ang mga kailangan gawin at puntahan kapag ganitong panahon. Noong buhay pa ang mga magulang ko, hindi kami napipirmi sa bahay kapag ganitong panahon. Nagsisimula ng ika-15 ng Disyembre ay nagsisimbang gabi kami hanggang bisperas ng Pasko. Pagdating ng Pasko ay magsisimba ulit bago mag reunion kasama ng kamag anak ng nanay ko.  Nakakatuwa rin kapag ganitong panahon noong bata ako....

Ano ang gagawin mo kung malaman mong...24 oras na lang ang natitira sa iyo sa mundo?

Dahil Araw ng mga Patay ngayon at mahilig ang mga tao sa nakakatakot, naisip ko: paano kung isang araw ay binisita ka ni kamatayan at sabihin sa iyo na susunduin ka na niya pagkalipas ng 24 oras? Anong gagawin mo kung sinabi sa iyo na 1 araw na lang natitira sa buhay mo? Gagawin mo na ba ang mga bagay na matagal mo nang gustong gawin? O pag-iisipan mo pa lang ano ba ang mga ito? Ano ang gagawin mo upang masulit ang mga huling oras mo sa mundo? Sa lahat ng mga nais mo, ano sa mga ito ang mga uunahin mo? Kaya mo ba magawa lahat sa loob ng 24 na oras?  Kikitain mo na ba o kakausapin ang mga taong mahalaga sa iyo o ang mga taong mayroon kang hindi pa nasasabi? 

Para sa 10-year old na ako

Dahil fan ako ng Back to the Future at The Big Bang Theory...isa pa, parati na lang ba na iba ang susulatan? Bakit hindi naman ang sarili? Haha. Kaya heto. Kung makakausap ko ang sarili ko noong 10 years old pa lang ko sa pamamagitan ng isang sulat... Dear Young Self, Kumusta ka na ngayon? 

Kailan natatapos ang tapos na?

Paano nga ba natin nalalaman na tapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin? Paano ba natin malalaman na ang huling pagkikita natin ang pinakahuling beses na pala? Paano ba natin malalaman na tapos na tapos na talaga ang mga bagay?  Sabi nila, kapag natapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin, ay tatanggalin siya sa buhay natin ni God. Kung baga sa isang kuwento o palabas, na-write off na ang karakter kasi wala na siyang ambag sa kuwento. Minsan ang pagkawala ng isang karakter ay sa paglipat ng trabaho, tahanan, lugar, bansa, pero minsan din sa pagkamatay. 

Bakit parang masaya maging Disney Princess?

Ilang beses ko na narinig na, sana Disney Princess na lang sila. Kaya nga bakit parang masaya maging isang katulad na lang nila?  Hindi nila kailangan mag trabaho para mabuhay. Princess nga eh.  Dahil parang wala silang mga responsibilidad. Mukha silang hindi stressed sa buhay. Mukha lang silang masaya buong araw. Yun ibang Disney princess, pagkagising pa lang maganda na hanggang sa pagtulog maganda pa rin. Hindi uso ang acne, period cramps, at kung ano ano pang sakit sa kanila.  Yun iba nakakausap pa ang mga hayop. Yun isa kumakanta lang, lumalapit na ang mga hayop sa kanya para tulungan siya sa mga gawain bahay.  Mayroon rin yun isa na fairy godmother. Yun isa may mga duwende na nagtatrabaho sa minahan para sa kanya. Yun isa may genie ang nobyo niya.  They lived happily ever after parati ang ending ng kwento nila.  Pero kung papililiin kaya ako, sinong Disney princess ang pipiliin ko, sino naman kaya? Pwede kaya na mixed? 

Paano ba Masusukat ang Sakses ng Tao?

Tanong sa Inquirer, paano ba malalaman kung sumakses ang isang tao? Ano ba raw ang mga sign na sumakses niya? Career/Karir. Iniisip kasi natin na susi sa pag-unlad ang magandang trabaho, kasi malaki rin ang sweldo. Pero hindi lahat ng magandang pakinggan na trabaho ay maganda rin ang kondisyon. Kadalasan mukha lang maganda ang trabaho pero hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng isang tao para kumita lang ng pera. Mas malaking sweldo, mas malaki ang tax. Mas malaki ang tax, malaki ang mapupunta sa korupsyon. Mayroon iba na akala mo sila ang may-ari o boss kung makapag post tungkol sa trabaho. Sakses diba? Kumakain sa mga mamahalin resto . Ito ang pinaka madalas na post ng mga tao. Iyon bang kumakain sila sa mga mamahalin restaurant. Minsan wala naman sa mahal ng restaurant ang dapat na hinahabol ng mga tao, iyon totoong masarap. Akalain niyo ba na mayroon mga kainan na higit sampung beses ata ang halaga kung ihahambing sa ibang kainan. Pero, dahil sakses naman sila, wala lang ku...

Gaano katagal tumatagal ang sweldo mo?

Para sa iba parang multo ang sweldo. Alam nilang dumarating pero hindi na nila nahahawakan. Dumadaan ang araw ng sweldo na hindi nila nararamdaman ang sweldo. May sweldo pala? Ano ba ang ibig sabihin ng sweldo? Para sa iba naman ubos na hindi pa dumarating. Kaka cash advance yan. Tumagal naman, kaya lang hindi sa kasalukuyan. Para sa iba ay parang Cinderella. Hanggang alas-12 lang ng gabi ang sweldo. Kinabukasan ay balik na ulit sa pagka-alipin ang peg. Hindi muling sinisikatan ng araw ang sweldo.