Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit mahirap masunod ang 'New Year's Resolution'?

Bagong Taon na naman, bukod sa inaabangan pasabog na couple reveal ng Dispatch kapag January 1 ay maririnig na naman natin ang New Year's Resolution. Ilang araw makalipas ang mga kasiyahan na kasabay ng pagpapalit ng taon, kamusta na ang pagtupad sa nga 'New Year's resolution' ng mga tao? Marami na ba ang sinabing sa susunod na taon na lang ulit? Bakit nga ba ang hirap panindigan ang New Year's Resolution?

Pagpapapayat pagkatapos kumain ng marami ng Pasko at Bagong Taon (pati na rin sa iba't ibang mga Christmas party at reunion sa panahon na ito), pag-iipon o pag-invest ng pera, atbp. Taon taon naman ganyan. Pero karamihan naman ay ilang araw lang ay sumusuko na. Bye New Year's resolution parating na kasi ang Three Kings, Lunar New Year, Valentine's, at sari saring piyesta at okasyon. Sa susunod na lang ako magpapapayat. Sa susunod na lang ako mag exercise kasi busy na ulit pagkatapos ng bakasyon. Sa susunod na lang ako mag-iipon ng pera, kasi may seat sale na. Sa susunod na lang ako mag-iinvest kasi di pa tapos ang mga installment sa credit card mula noong magpa Pasko. Sa daming excuses, hanggang sa hindi mo mapapansin matatapos na ulit ang taon pero yun mga pinangako mo noong January 1 ay hindi mo na talaga nagawa. 

Isa pang dahilan kung bakit nahihirapan ang karamihan na matupad ang New Year's resolution ay yun naiisip natin na may susunod pa naman ulit na new year. Sa susunod na lang ulit ko gagawin. Babawi na lang ako next year. Kaya lang pagdating ng sumunod na taon ay ganun ulit. Dahil paulit ulit mong di tinutupad ang pangako mo sa sarili mo, paulit ulit mo rin binibigo ang sarili mo. Wala ka na rin tiwala sa pangako mo sa sarili mo. Para kanino mo ba gagawin ang resolution mo? Para sa iyo na paulit ulit na di tinutupad ang pangako mo. Paano mo pa pagkakatiwalaan ang sarili mo? 

Minsan rin ay masyadong ambisyosa/ambisyoso ang mga resolution. Gusto natin agad agad may pagbabago o may achievement na malaki. Pwede naman na maliit lang na goal muna. Sabi nga "small wins" at "one step at a time" muna araw araw. Di naman kasi lahat kaya yun biglaan o malaking pagbabago agad. Di rin naman kailangan instant, na achieve na agad. Consistency is key. 

Ikaw, bakit ka nahihirapan masunod ang New Year's resolution?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...