Lumaktaw sa pangunahing content

Takot ka ba sa "Friday the 13th"?

Kailan mo ba unang narinig ang tungkol sa Friday the 13th? Kailan ba ito nadagdag sa dinamiraming pamahiin na nalalaman mo habang lumalaki ka? Naalala ko noong bata ako bago ko malaman ang tungkol doon ay ordinaryong araw lang ito. Sa loob ng isang taon ay kadalasan may isang ika-13 ng buwan ang natatapat ng biyernes. Minsan ay higit sa isang beses rin. 


Para sa ibang kultura, ang numerong 13 ay may dalang kamalasan. Kaya rin marami ang natatakot dito. Lalo na raw ang Friday the 13th. Bakit nga ba sa dinami-raming numero ay ipinalagay na malas ang 13? Bakit hindi ibang numero na lang? Katulad ng paniniwala ng mga Chinese na malas daw ang numerong 4 kasi ibig sabihin raw ay kamatayan. Pero bakit naman kaya biyernes? Pito naman ang araw sa loob ng isang linggo, bakit hindi ibang araw? Monday the 13? Tuesday the 13? Hindi ba maganda pakinggan?


Iba iba ang paliwanag nila kung bakit ito ipinalagay na malas na araw. Pero para sa akin, nalaman ko ang tungkol dito ay noong nasa elementarya ako. Narinig ko sa mga kaklase ko pati rin mula sa mga pinsan ko. Siguro dahil pinasikat ang paniniwalang ito ng pelikulang "Friday the 13th" at ng mga sequel nito na pinanood namin ng mga pinsan ko sa Betamax. Kaya rin siguro ay hindi ko na inalam pa kung bakit ba ito itinuturing na malas na araw. Sa tuwing maaalala ko kung paano ako natakot nang isang taong na may suot na maskara ang pumapatay ng kung sino lang maabutan niya, ay sapat na para matakot sa araw na iyon. 


Pero habang lumalaki ako ay nalaman ko na isa lamang itong pamahiin ay nabago na rin ang pagtingin ko sa araw na ito. Lalo na mayroon akong mga kakilala na 13 ang kaarawan nila. Kawawa naman sila tuwing matatapat ng biyernes ang kaarawan nila. Isang pinsan ko pa naman na kasama rin sa panonood ng pelikulang iyon ay ika-13 ang araw na pinanganak siya. So paano yun, minsan malas siya, minsan hindi? O baka naman swerte siya kapag Friday the 13th kasi nga kinakatakutan ito ng mga tao. 


Ilang Friday the 13th na ba ang naranasan mo sa buhay mo? Anong ginawa mo? Minsan kasi kapag natatakot tayo dahil sa mga pamahiin ay lalong tumataas ang pagkakataon na may mangyari na hindi maganda sa atin. Paano kung natapat na Lunes ang 13? Kung mayroon rin mga naniniwala na kapag ma-Lunesan ka ay buong linggo na iyon? 


Ngayon taon ay biyernes natapat ang ika-13 ng Pebrero...isang araw bago ang araw na hinihintay ng mga couple. Kaya mag ingat. Haha. 


Ikaw, takot ka ba sa Friday the 13th?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami. 

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...