Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ano ang gagawin mo kung malaman mong...24 oras na lang ang natitira sa iyo sa mundo?

Dahil Araw ng mga Patay ngayon at mahilig ang mga tao sa nakakatakot, naisip ko: paano kung isang araw ay binisita ka ni kamatayan at sabihin sa iyo na susunduin ka na niya pagkalipas ng 24 oras? Anong gagawin mo kung sinabi sa iyo na 1 araw na lang natitira sa buhay mo? Gagawin mo na ba ang mga bagay na matagal mo nang gustong gawin? O pag-iisipan mo pa lang ano ba ang mga ito? Ano ang gagawin mo upang masulit ang mga huling oras mo sa mundo? Sa lahat ng mga nais mo, ano sa mga ito ang mga uunahin mo? Kaya mo ba magawa lahat sa loob ng 24 na oras?  Kikitain mo na ba o kakausapin ang mga taong mahalaga sa iyo o ang mga taong mayroon kang hindi pa nasasabi? 

Para sa 10-year old na ako

Dahil fan ako ng Back to the Future at The Big Bang Theory...isa pa, parati na lang ba na iba ang susulatan? Bakit hindi naman ang sarili? Haha. Kaya heto. Kung makakausap ko ang sarili ko noong 10 years old pa lang ko sa pamamagitan ng isang sulat... Dear Young Self, Kumusta ka na ngayon? 

Kailan natatapos ang tapos na?

Paano nga ba natin nalalaman na tapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin? Paano ba natin malalaman na ang huling pagkikita natin ang pinakahuling beses na pala? Paano ba natin malalaman na tapos na tapos na talaga ang mga bagay?  Sabi nila, kapag natapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin, ay tatanggalin siya sa buhay natin ni God. Kung baga sa isang kuwento o palabas, na-write off na ang karakter kasi wala na siyang ambag sa kuwento. Minsan ang pagkawala ng isang karakter ay sa paglipat ng trabaho, tahanan, lugar, bansa, pero minsan din sa pagkamatay. 

Bakit parang masaya maging Disney Princess?

Ilang beses ko na narinig na, sana Disney Princess na lang sila. Kaya nga bakit parang masaya maging isang katulad na lang nila?  Hindi nila kailangan mag trabaho para mabuhay. Princess nga eh.  Dahil parang wala silang mga responsibilidad. Mukha silang hindi stressed sa buhay. Mukha lang silang masaya buong araw. Yun ibang Disney princess, pagkagising pa lang maganda na hanggang sa pagtulog maganda pa rin. Hindi uso ang acne, period cramps, at kung ano ano pang sakit sa kanila.  Yun iba nakakausap pa ang mga hayop. Yun isa kumakanta lang, lumalapit na ang mga hayop sa kanya para tulungan siya sa mga gawain bahay.  Mayroon rin yun isa na fairy godmother. Yun isa may mga duwende na nagtatrabaho sa minahan para sa kanya. Yun isa may genie ang nobyo niya.  They lived happily ever after parati ang ending ng kwento nila.  Pero kung papililiin kaya ako, sinong Disney princess ang pipiliin ko, sino naman kaya? Pwede kaya na mixed? 

Paano ba Masusukat ang Sakses ng Tao?

Tanong sa Inquirer, paano ba malalaman kung sumakses ang isang tao? Ano ba raw ang mga sign na sumakses niya? Career/Karir. Iniisip kasi natin na susi sa pag-unlad ang magandang trabaho, kasi malaki rin ang sweldo. Pero hindi lahat ng magandang pakinggan na trabaho ay maganda rin ang kondisyon. Kadalasan mukha lang maganda ang trabaho pero hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng isang tao para kumita lang ng pera. Mas malaking sweldo, mas malaki ang tax. Mas malaki ang tax, malaki ang mapupunta sa korupsyon. Mayroon iba na akala mo sila ang may-ari o boss kung makapag post tungkol sa trabaho. Sakses diba? Kumakain sa mga mamahalin resto . Ito ang pinaka madalas na post ng mga tao. Iyon bang kumakain sila sa mga mamahalin restaurant. Minsan wala naman sa mahal ng restaurant ang dapat na hinahabol ng mga tao, iyon totoong masarap. Akalain niyo ba na mayroon mga kainan na higit sampung beses ata ang halaga kung ihahambing sa ibang kainan. Pero, dahil sakses naman sila, wala lang ku...

Gaano katagal tumatagal ang sweldo mo?

Para sa iba parang multo ang sweldo. Alam nilang dumarating pero hindi na nila nahahawakan. Dumadaan ang araw ng sweldo na hindi nila nararamdaman ang sweldo. May sweldo pala? Ano ba ang ibig sabihin ng sweldo? Para sa iba naman ubos na hindi pa dumarating. Kaka cash advance yan. Tumagal naman, kaya lang hindi sa kasalukuyan. Para sa iba ay parang Cinderella. Hanggang alas-12 lang ng gabi ang sweldo. Kinabukasan ay balik na ulit sa pagka-alipin ang peg. Hindi muling sinisikatan ng araw ang sweldo.

Para saan ka bumabangon?

Para saan ka ba gumigising sa araw araw? Tanong nga ng Nescafe, "para kanino ka bumabangon?" (hindi ito sponsored, promise!) Para sa pangarap? Para sa pamilya? Para sa mga bayarin? Para saan? Paano kung wala ka nang nakikitang dahilan upang gumising sa araw araw-araw?  Paano kung wala ka nang dahilan para bumangon? 

Kumusta ang panlasa ko?

Ang dami kong napapanood na mga vlog tungkol sa pagtikim ng mga tao ng pagkain. Kung noong pandemic mukbang ang uso kasi nasa bahay lang, ngayon kadalasan street food ang nakikita ko. Yun iba mga Pilipino, yun iba mga dayuhan.. Naalala ko nung bata ako, hindi ko sensitibo sa mga pagkain.. bumibili.ako ng mga street food. Lalo na pag bakasyon. Inaabangan namin sa umaga ang nagtitinda ng taho. Kahit nasa tabi ng kalsada siya nagbubukas ng taho, masarap kaya yun! Pati yun binatog sa hapon sa tabing kalsada rin nagbubukas ng lalagyan. Kamusta naman ang nagtitinda ng fishball? Diba yun kawali hindi naman tinatakpan habang naglalakad siya tulak tulak ang kariton sa tabing kalsada. Tapos ang sawsawan kung sino sino na ang nagsawsaw. Pero masarap diba? haha. Hindi ko man lang naisip na marumi pala haha. Yun kapitbahay nga namin pagkasawsaw ng fishball sa sauce, biglang may dumaan na jeep, medyo maalikabok pa naman noon sa kalsada. Tinakpan niya ang ilong niya, hindi ang kakainin na fishball. M...

Bakit hindi ko maintindihan ang mga ito?

Yun estudyanteng umaasa na malamig raw sa classroom kasi sayang naman daw ang pagsuot niya ng panlamig. Pagtingin ko nga sa kanya amg suot niya yun ginantyilyo na sweater! So dapat yun classroom ang mag adjust sa outfit niya? Ano naman kaya ang mga sa second floor lang pala pupunta, pero mas pipiliin maghintay sa elevator mula first floor. Mas matagal pa ang tinayo nila kaysa kung aakyat ng hagdan. Iniisip ko, imbalido ba sila? Disabled? May pilay? Wala naman mga dala kung hindi cellphone. Minsan mayroon maliit na bag. Pero hindi naman masyadong makakadagdag sa sakit ng tuhod nila iyon.