Paano nga ba natin nalalaman na tapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin? Paano ba natin malalaman na ang huling pagkikita natin ang pinakahuling beses na pala? Paano ba natin malalaman na tapos na tapos na talaga ang mga bagay? Sabi nila, kapag natapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin, ay tatanggalin siya sa buhay natin ni God. Kung baga sa isang kuwento o palabas, na-write off na ang karakter kasi wala na siyang ambag sa kuwento. Minsan ang pagkawala ng isang karakter ay sa paglipat ng trabaho, tahanan, lugar, bansa, pero minsan din sa pagkamatay.