Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Bakit Ba May "Utang"?

Utang. Isa sa mga bagay na magkakapareho ang lahat ng Pilipino ay ang pagkakaroon ng utang. Oo, tama ang nabasa mo lahat tayo ay may utang. Bawat isa sa ating mga Pilipino, mayaman man o mahirap ay may utang. Maniwala ka, kahit hindi mo aminin, may utang ka rin. Ang iba ay tayo mismo ang umutang. Ang iba naman ay iba ang may gawa para sa atin. Paano?

Paano nga ba ang Makalimot?

Paano nga ba ang makalimot? Minsan mas madaling sabihin kaysa gawin. Sa tuwing sinasabi kong ok na ako, maayos na ako ng wala ka, mabuti nga na wala ka na sa buhay ko kasi hindi ka naman gwapo, at marami ka namang katangian na hindi ko gusto ay biglang may nagpapaalala sa akin kung paano kita unang nagustuhan ay bigla kong nararamdaman ang naramdaman ko noon. Paano naging ganito ang lahat sa atin? Paanong bigla na lang nagbago ang nararamdaman mo? Paanong isang iglap lang ay iba na ang gusto mo? 

Bakit ang Hirap Magpaalam?

Sa araw araw ay marami akong dalaw.  Bawat isa ay sari-sari rin ang galaw. Mayroon maraming mga kasama kapag pumupunta.  Mayroon iilan ang kasama.  Mayroon isa lang kasama at mayroon naman na mag-isa.  Mayroon din naman na walang kasamang pumupunta ngunit sa paguwi ay dumarami na.  Mayroon din naman walang kasabay sa paglisan.

Natatakot ka bang Mag-isa?

Marami sa atin ay ayaw mag-isa. Sabi nga ni John Donne, "No man is an Island." Lahat raw tayo parte ng isang malaking populasyon ng mga tao. Ito nga kaya ang dahilan kung bakit ayaw natin mag-isa?  Mayroon sa atin ang natatakot mag-isa sa bahay. Naaalala ko ang sinasabi ng mga mommy ko dati kapag napag-usapan ang takot na mapag-isa sa bahay. Sabi nila, "bakit ka matatakot sa sarili mong bahay?" Totoo nga naman. E paano naman hindi kami natatakot sa bahay, sa dami ba naman napapanood namin na horror movies at documentaries (tulad ng sa Magandang Gabi Bayan dati), hindi ka ba matatakot? Sa totoo lang kapag gabi tapos maaalala ko ang mga napanood ko, nahihirapan na ako matulog may kasama man o wala sa bahay. 

Puwede na ba ang Puwede na?

Puwede na ba ang "Puwede Na"? Bakit nga ba sa ating mga Pilipino madalas natin naririnig na "puwede na (yan)"? Kaysa naririnig natin na, "hindi puwede ang puwede na."  Effort paghirapan ang 100 na grade. Effort magkaroon ng Honors. Hindi naman lahat ng nag-aaral ng mga 100 na grade sa card o may honors pag graduate ay yumayaman. Oo, pero yun alam mong binigay mo ang lahat lahat ng makakaya mo para sa kung ano man ang makukuha mo habang nag-aaral ka ay tunay na makakapagpasaya sa iyo maraming taon man ang lumipas. Hindi ang pangongopya sa kaklase o sa mga nakalagay sa internet ang solusyon. Hindi ang paglalaro ng Dota o kaya ay mag update ng Facebook timeline ng bawat minuto ang magbibigay sa iyo ng pangmatagalan at tunay na kaligayahan. Hindi ang pag una sa pakikipag-boyfriend (o girlfriend) kaysa gumawa ng assignment o mag-aral para sa exam ang magpapaligaya sa iyo. Pwede na sa iyo ang pasado lang? 

Bakit ba may mga 'PAASA'?

Ang tanong ng marami: bakit ba may 'paasa'? Madalas mong maririnig ang salitang 'paasa'. 'Asa ka pa', 'asa pa more', 'paasa lang', 'huwag kang paasa'. Marami ngang 'paasa' talaga. Halos lahat na ata ng tao nagiging 'paasa' minsan sa buhay nila. Kahit tayo mismo guilty tayo diyan dahil hindi naman yan limitado sa larangan ng pag-ibig ngunit sa ibang bagay sa araw-araw nating buhay.  Masalimuot na usapin ang tungkol sa mga 'Paasa' . Ngunit bago ang lahat ay paano ba natin maiintindihan ang salitang 'paasa'? Mula ito sa salitang ugat na 'asa'. Ayon sa www.tagalog-dictionary.com, ang mga kaugnay na mga salita ng 'asa' ay: hope, expect, trust, promise, view, desperate, chance . Sabi naman sa tagalog.pinoydictionary.com, ang mga salitang pag-asa ay: hope, trust, dependence, chance, anticipation .

Bakit Ba Ang Hirap?: Gusto Mo vs. Gusto Ka

Hindi ko alam kung ano mas masakit:  (Gusto Mo) yung una kang nagkagusto sa isang taong hindi ka pinapansin pero nung nagdesisyon ka na mag "move on" dahil wala namang pag-asang magugustuhan ka rin niya ay bigla naman siyang nagpahiwatig na parang gusto ka na rin niya  O (Gusto Ka) yung mayroon may gusto sa iyo na hindi mo inakalang magugustuhan mo kaya hindi mo binigyan ng pag-asa ngunit  dahil parati nga siyang nagpaparamdam ay parang nagugustuhan mo na rin siya nang bigla mong malaman na sumuko na siya sa iyo at ibinaling na lang ang atensyon niya sa iba?

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.