Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Nasanay ka na ba sa Nakasanayan?

Mahirap na madaling masanay sa nakasanayan.  Minsan masyado tayong nagiging kumportable sa mga bagay bagay sa buhay natin na hindi na natin matanggap ang pagbabago. Nahihirapan na tayong mag-isip pang sumubok ng iba. Halimbawa, kapag nasanay na tayo sa ginagamit nating tatak ng mga binibili natin, minsan ang hirap kapag wala ang tatak na ito. 

Ilang Taon Ka Na Ba Talaga?

Akma ba ang itsura mo sa edad mo? Sa ibang mga kultura ay ipinagbabawal ang pagtatanong ng edad sa mga babae. Hindi raw ito etikal. Kaya naalala ko nang nagkaroon ng Pilipina na ka-chat ang isang kaklase kong taga Timog Asya dati. Tinanong niya muna ako kung maari raw niyang itanong sa ka-chat niyang Pinay kung ilang taon na ito dahil sa kanila raw ay bawal ito.  Mahirap na basta na lang itanong ang edad ng isang tao lalo na sa babae na parang mas nakakatanda sa atin. Minsan parang nababastusan sila. Kaya mag-ingat. Huwag agad-agad magtatanong ng edad kung ayaw na masungitan. 

Anong Mayroon sa "American Dream"?

Bakit nga ba maraming Pilipino ang patay na patay pumunta sa US? Kamakailang nagpunta ako sa Embahada ng Estados Unidos para mag renew ng visa ko ay napansin kong marami pa rin ang nagaapply ng visa. Marami pa rin ang nais pumunta sa Amerika. Marami ang nagdadasal na mabigyan ng visa. Marami rin ang nag-apply para mag migrate na sa US. Mayroon din mga umiiyak sa tuwa dahil nabigyan sila ng visa sa US na aakalain mong nanalo sa sweepstakes. 

Nasaan ang Katarungan?**

Kay sakit isipin na sa minamahal nating bayan ay kung sino pa ang dapat magprotekta sa mga tao ay siya pang kadalasang nagdudulot ng kasawian sa mga nilalang na katungkulan nilang ingatan. Nasaan ang hustisya? Paano ba ito makakamit? Mahal ko ang bayan ko, ngunit kalian magbabago ang mga taong may kapangyarihan? Kailan magagamot ang kanser na patuloy na sumisira sa ating lipunan at sa ating bansa? Darating pa kaya ang araw na maari kang maglakad sa kalsada sa gabi na ‘di kinakailangang matakot para sa iyong buhay? Kailan kaya darating ang panahon na hindi ka matatakot na makikita ng pulis o mga nagtatrapiko na pinapara ka dahil malamang ay kailangan mong ihanda ang bulsa mo?

Bakit Mahirap Magsimulang Magsulat?

        Bakit nga ba mahirap magsimulang magsulat? Hindi madaling magsulat. Lalo na kapag sa malikhaing pagsusulat ito. Minsan hindi mo alam kung ano pa ang maaari mong isulat na hindi pa naisulat ng iba. O ano pa ang puwede mong maisulat na hindi mo pa nailahad?

Paano ang Pang-amoy ko?

Hindi ko alam kung bakit pero isa sa mga bagay na hindi alam ng mga tao ay sensitibo ang pang-amoy ko. Very Active ang mga smell receptors ko kasi kahit may sipon ako ay hindi uso sa akin ang kawalan ng pang-amoy. Kadalasan ako ang unang nakakaamoy.  Ako: "Anong amoy yun?"  Kasama ko: "Anong amoy? Wala naman ah."  Ako: "Ayun oh. 'Di mo ba naaamoy?" Pagkalipas ng ilang segundo.  Kasama ko: "Ay, oo nga noh. Ambaho naman." Ako: "Sabi ko sa iyo eh."

Baha, Baha, Paano ba naman ako Kapag Panahon ng Tag-ulan?

Baha, Baha, Baha na naman?! Paano ba ako kapag panahon ng Tag-ulan? Siyempre, kung mayroon tag-init, mayroon din tag-ulan. At oo, pansin naman natin, panahon na naman ng tag-ulan. Naalala ko tuwing umuulan madalas ang baha dito sa Pilipinas. Sabi ko nga dati sa isang isinulat ko, "when it rains, it floods" imbes na "when it rains, it pours." Baha, more fun in the Philippines?  Tignan mo nga sa news at makikita mo ang mga taong todo ngiti pa rin kahit lubog na ng baha ang paligid. Pero siyempre isang apseto lang ang nakikita natin doon.  Sa bayan namin madalas bumabaha dati pa. Kaya siguro malapit sa puso ko ang baha. Chos! Pero sa totoo lang ay marami talaga akong alaala kapag may baha.

Bakit Masarap Maging Mag-aaral?

Pasukan na naman. Simula ng bagong school year. Kabalikat ng pagtatapos ng nakalipas na school year ay isang bagong school year. Natapos ang school year na excited ang mga estudyante sa bakasyon, ngayon naman ay excited na ang mga estudyante sa bagong school year, sa bagong notebook, sa bagong ID, sa bagong mga gamit (sapatos, libro, uniporme), sa bagong adviser, sa bagong section, atbp. Pero siyempre ang pinakakinaka-excite ng mga estudyante ay ang muling panghihingi ng baon sa araw-araw. 

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami. 

Bakit Mahalaga ang 'First'??

Bakit nga ba binibigyan ng halaga ang first at last? Bakit hindi second, third, fourth, fifth, etc.? Sabi nga nila there's always a first time for everything. Nandoon pa raw kasi ang excitement. Nandoon pa ang kaba. Nandoon pa ang curiousity. Dahil hindi mo pa alam paano. Hindi mo pa alam anong mangyayari. Hindi mo pa alam anong mayroon.