Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Masarap Maging Mag-aaral?


Pasukan na naman. Simula ng bagong school year. Kabalikat ng pagtatapos ng nakalipas na school year ay isang bagong school year. Natapos ang school year na excited ang mga estudyante sa bakasyon, ngayon naman ay excited na ang mga estudyante sa bagong school year, sa bagong notebook, sa bagong ID, sa bagong mga gamit (sapatos, libro, uniporme), sa bagong adviser, sa bagong section, atbp. Pero siyempre ang pinakakinaka-excite ng mga estudyante ay ang muling panghihingi ng baon sa araw-araw. 

Ngunit pagdating ng sangkatutak na assignment magsisimula nang mapalitan ang excitement ng pagod, katamaran, at pag-aabang sa class suspensions tuwing may bagyo pati na rin ang deklarasyon ng mga national holiday. 

Exciting maging isang estudyante, dahil bukod sa mga tinuturo sa atin ng ating mga guro at nababasa sa libro ay marami tayong ibang nalalaman tungkol sa kapwa natin, in short KALOKOHAN. hehe.

Exciting sa school kasi nandoon parati ang kaba kung paano ka bibigyan ng grado ng titser mo. Lalo na tuwing may graded recitation, may quiz, at may exam. 

Umaasa ka lang sa ibang tao na paaralin at bigyan ka ng baon ng mga magulang mo o mga kamag-anak mo. 

Ang sarap maging estudyante lalo na wala ka nang iintindihin kung hindi mag-aral at chumismis sa paaralan. Pero bakit habang estudyante ka pa ay hindi mo naiisip na lubusin ang panahon na nag-aaral ka pa at mga magulang mo pa ang gumagawa ng paraan para kumita ng pera para sa iyo. Bakit tayo tinatamad pumasok habang may pasok? Bakit ayaw natin mag-aral ng mga mabuti kung iyon na nga lang ang gagawin natin kapalit ng pagsusumikap ng mga magulang natin para mabigyan tayo ng magandang kinabukasan? Minsan naiisip man natin ang mga ito ay mabilis natin itong nakakalimutan. Bumabalik tayo sa estudyanteng natutuwa kapag walang pasok, kapag walang guro, kapag walang assignment. Kinakabahan tayo sa resulta ng exam at lalo na sa bigayan ng report card. Kinakabahan tayong malaman ang hatol sa atin ng ating mga guro. Ang paghihirap natin ng ilang buwan ay hinusgahan sa ilang numero o letra sa ibang school lamang. 

Malapit na ata akong mag kolehiyo noong naisip kong dapat kong seryosohin ang pag-aaral ko. Nangarap ako. Medyo nakakasisi na hindi ko pa nilubos-lubos ang bawat minuto na nag-aaral ako noong bata ako para mag-aral. Pagkatapos ko ng kolehiyo ay doon ko na-miss ang pag-aaral. Nag-isip akong bumalik sa pag-aaral kaya ako nag graduate school. Ibang iba ang pakiramdam nang nasa school ka at iba rin kapag nasa trabaho. Mas masaya ako. Ngayon natapos ko na rin ang master's ko parang hinahanap-hanap ko na naman ang pag-aaral. 

Kaya sa mga estudyante pa, lubos-lubusin niyo ang bawat pagkakataon niyo bilang mag-aaral ano man lebel kayo. Ang bawat araw ay exciting. Huwag kayong magmadali na sa pagtanda. Mas masarap mag-aral kaysa kumita ng pera. Mas masarap ang pakiramdam na alam mong marami kang matututunan sa araw araw kaysa problemahin ang trabaho dahil kailangan kumita ng pera. Walang madali sa buhay natin. Ang paghihirap sa buhay natin sa araw araw ang dahilan kung bakit tayo kailangan magsikap mabuhay. Kaya mag-enjoy kayo habang bata pa kayo. Habang magaang-gaang pa hinaharap niyong problema. 

Ikaw, naniniwala ka bang masarap maging estudyante?

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...