Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mahalaga ang 'First'??

Bakit nga ba binibigyan ng halaga ang first at last? Bakit hindi second, third, fourth, fifth, etc.?

Sabi nga nila there's always a first time for everything. Nandoon pa raw kasi ang excitement. Nandoon pa ang kaba. Nandoon pa ang curiousity. Dahil hindi mo pa alam paano. Hindi mo pa alam anong mangyayari. Hindi mo pa alam anong mayroon. 

Katulad ng mga ito:

First day sa school, sa trabaho, etc. Natatakot ka sa hindi pa nangyayari. Natatakot ka sa hindi mo pa alam. Natatakot ka sa mga hindi mo pa kilala. Kapag wala ka pang kakilala kung hindi ka agad makakilala ng kaibigan ay mag-iisa ka na lang. Kinakabahan ka pang pumasok ng unang beses sa classroom o sa opisina. 

Naalala ko pa noong first year ko sa kolehiyo. Panibagong school, panibagong mga tao, panibagong mga guro, panibagong schedule, atbp. Simula ng panibagong buhay ko. May isa kaming professor na nagtitrip sa mga katulad naming baguhan doon. Nagpapanggap siyang strict at nakakatakot na professor pagpasok pa lang niya ng classroom. Effective naman. Lahat kami nasindak niya. Pero bago matapos ang klase namin ay inamin na niya na style lang niya yun. haha. Minsan noong second year na kami ay tinanong niya kami kung mga first year daw ang mga nakaupo sa hallway kasi tatakutin niya. haha.

First time mo sa isang lugar. Natatakot kang isipin ng mga tao na 'dugay' ka kahit nawawala ka na nahihiya ka pa rin magtanong. Parang sa kolehiyo, ayaw mo magmukhang baguhan kaya ayaw mo magtanong. Ayaw mo lokohin ka nila kapag tinanong mo saan mo matatagpuan ang nakalagay sa building/classroom mo na "TBA". haha. May mga kilala akong nakakatuwaan ang mga nagtatanong niyan. Dapat kasi sa mga tamang tao nagtatanong. Buti na lang nalaman ko na ang tungkol diyan noong high school ako.

First time mo sa ibang bansa. Natatakot ka na hindi mo kayang makipag-usap sa mga tao doon. Natatakot ka na maligaw kaya mas magandang may dala kang mapa. Pero pwede ka rin naman magtanong. Pero naiisip ko na lang, hindi naman nila ako kilala, eh ano naman kung isipin nilang baguhan ako rito?

First time mo kumain ng pagkain na hindi mo pa natikman kahit kailan. Parang kakain ng cold noodles para sa akin. Dahil nasanay akong mainit ang noodles dapat ay hindi ko mawilihan kumain ng malamig kung hindi naman matamis. Hindi mo alam paano kakainin. Dapat ba hiwain gamit ang kutsilyo? Dapat ba naka-chopsticks? Paano ba gumamit ng chopsticks? Mabuti pa tignan mo ang iba kung paano nila kinakain o itanong mo sa nakakaalam.

First time mo uminom ng alak. Lahat at sumusubok nito. Swerte ko lang mas matanda sa aking mga pinsan ko kaya sila ang unang nagpasubok sa akin at hindi barkada tulad ng iba. Feeling ko noong ang cool ko kasi papasok pa lang ako ng high school nasubukan ko na ito. Hindi ko alam ako lang pala nag-iisip ng ganoon.

Pinapahalagahan nation ang mga 'firsts' tulad ng first day sa school, first day sa trabaho. Nandoon pa ang kaba mo at ang pagpapakitan gilas sa mga tao.  At sa unang sweldo daw dapat manlibre para swerte. 

Sa autograph book or slum book, bakit first crush, first love, first kiss, first date, at lahat ng firsts lang ang itinatanong?

Yun kaba na nararamdaman natin sa mga bagay na hindi natin alam ang siyang dahilan kung bakit. Parang isang bagong roller coaster na sasakyan natin sa unang pagkakataon ang bawat 'first' at 'first time' sa buhay natin kaya ito 'memorable'. Iba kapag 'first', iba yun parang inosente ka pa sa isang lugar o bagay. Minsan kahit anong tanong natin sa mga tao para maihanda ang sarili natin sa unang pagkakataong iyon ay hindi pa rin mapapawi ang ating kaba. Kahit ilang tao pa ang magsabi sa iyo anong gagawin para maghanda sa 'first day' mo sa kolehiyo o sa 'first day' mo sa trabaho ay hindi maiaalis ang pagkakaba mo. Kahit na ilang tao pa ang magsabi sa iyo na huwag ka kabahan kung magsasalita ka sa harap ng maraming tao sa unang pagkakataon ay manlalamig pa rin ang kamay mo.

Kailangan daw ang kaba sa buhay natin para maging 'exciting' ang araw araw. Katulad rin ng pangagailangan ng 'first time' sa buhay. Ayaw man nating mahalatang baguhan tayo sa mga bagay-bagay, minsan ay mas mabuting umamin ka na lang kaysa magpanggap na alam mo na pero hindi nagagawa ng maayos ang kailangan gawin tulad ng hindi makakain ng maayos dahil hindi pa marunong kainin ang nasa harap natin sa unang pagkakataon, hindi na-eenjoy ang lugar  dahil nawawala at ayaw matanong, atbp. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan magpakatotoo tayo!! Parte raw ng buhay ang maligaw at maloko ng kapwa. hehe.

Ikaw, para sa iyo, bakit mahalaga ang 'first'?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...