Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Baha, Baha, Paano ba naman ako Kapag Panahon ng Tag-ulan?

Baha, Baha, Baha na naman?! Paano ba ako kapag panahon ng Tag-ulan? Siyempre, kung mayroon tag-init, mayroon din tag-ulan. At oo, pansin naman natin, panahon na naman ng tag-ulan. Naalala ko tuwing umuulan madalas ang baha dito sa Pilipinas. Sabi ko nga dati sa isang isinulat ko, "when it rains, it floods" imbes na "when it rains, it pours." Baha, more fun in the Philippines?  Tignan mo nga sa news at makikita mo ang mga taong todo ngiti pa rin kahit lubog na ng baha ang paligid. Pero siyempre isang apseto lang ang nakikita natin doon.  Sa bayan namin madalas bumabaha dati pa. Kaya siguro malapit sa puso ko ang baha. Chos! Pero sa totoo lang ay marami talaga akong alaala kapag may baha.

Bakit Masarap Maging Mag-aaral?

Pasukan na naman. Simula ng bagong school year. Kabalikat ng pagtatapos ng nakalipas na school year ay isang bagong school year. Natapos ang school year na excited ang mga estudyante sa bakasyon, ngayon naman ay excited na ang mga estudyante sa bagong school year, sa bagong notebook, sa bagong ID, sa bagong mga gamit (sapatos, libro, uniporme), sa bagong adviser, sa bagong section, atbp. Pero siyempre ang pinakakinaka-excite ng mga estudyante ay ang muling panghihingi ng baon sa araw-araw. 

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami. 

Bakit Mahalaga ang 'First'??

Bakit nga ba binibigyan ng halaga ang first at last? Bakit hindi second, third, fourth, fifth, etc.? Sabi nga nila there's always a first time for everything. Nandoon pa raw kasi ang excitement. Nandoon pa ang kaba. Nandoon pa ang curiousity. Dahil hindi mo pa alam paano. Hindi mo pa alam anong mangyayari. Hindi mo pa alam anong mayroon. 

Eleksyon, mas masaya nga ba sa Pilipinas? (Election, more fun in the Philippines?)

         Mainit na namang isyu ang darating na eleksyon dito sa Pinas. Dito sa Pilipinas kakaiba talaga ang eleksyon. Ang mga kumakandidato ay talagang resourceful at creative. 

Anong Mayroon sa Pangalan? (What's in a Name?)

Tanong nga ni William Shakespeare sa Romeo and Juliet , "What's in a name? That which we call a Rose by any other name would smell as sweet." Tama naman siya na ang bulaklak na tinatawag nating rose o rosas ay hindi magbabago ano man ang itawag. Sabagay may point siya, yun nga lang "sweet" ba talaga ang amoy ng rosas? Hindi ko alam kung ako lang, pero parang hindi naman "sweet ang dating sa akin ng amoy ng rosas. Iniisip ko nga, dala lang ba ito ng sipon na hindi na naalis o sadyang iba lang ang pang-amoy ko sa kanya? haha

Paano ang Mahal na Araw ko?

Nagmula ako sa isang sarado Katolikong pamilya. Nakalakihan ko ang pagsunod sa mga Katolikong tradisyon. Noong bata pa ako ay naaalala ko na mas sagrado ang Mahal na Araw kaysa ngayon. Isa sa mga pinaniniwalaan ng pamilya ko ay ang pagbabawal ng paggagala kapag Mahal na Araw. Hindi tulad ng iba na sinasamantala ang Mahal na Araw para makapagbaksyon ng mahaba. Sabi na nga ba hindi ako puwedeng maging artista kasi requirement ata sa pagiging artista na magpunta sa beach lalo na sa Boracay kapag Mahal na Araw. hehe.

Na-hook ka na ba sa TV drama?

Mula sa mga Tagalog teleserye, napunta sa Mexican at ibang telenovelas galing sa Latin America, Chinovelas hanggang sa mga Koreanovelas, ang mga Pilipino (kasama ako diyan siyempre, hindi ko naman dinedeny) ay sadyang mahilig manood ng TV drama series.  Noong bata pa ako ay naaalala ko pa na habang pilit akong pinapatulog ng tanghali pagkatapos kumain ng tanghalian ay sumusuot sa tainga ko ang mga boses ng mga artista sa Valiente. Nakalakihan ko rin ang pagtuklas sa katotohanan sa pagkatao nila Mara Clara habang hindi pa nagpapasexy si ate Juday. Naging sikat rin ang series nila Keempee De Leon at Donna Cruz na Villa Quintana.