Bakit hindi nagbabago ang pagbabago?
Bakit pagbabago lang ang hindi nagbabago?
Bakit sa pagbabago lang tayo nakakatiyak?
Bakit ang dami kong tanong?
Bakit kaya sa buhay natin hindi nawawala ang katanungan?
Bakit kaya mas marami pang tanong kaysa tiyak na kasagutan?
Bakit, mas mahirap sagutin ang tanong tuwing 'bakit' ang ginagamit?
Bakit mas mahirap maging tiyak ang sagot tuwing 'bakit' ang tanong kaysa paano, kailan, sino, saan?
Bakit kapag bata ka ay marami kang tanong habang ang mga nakakatanda sa paligid mo ay naiinis sumagot? Bakit parang mas matapang magsabi ng tanong ang mga bata?
Pero bakit kapag ikaw ay tumanda at may batang nagtatanong ng nagtatanong ay naiinis ka nang sumagot? Kapag tumatanda na rin ang mga tao ay parang ayaw rin itanong ang tanong lalo na sa mga dapat nilang tanungin. (hindi ko sinabing matanda na ako ha! hindi ba puwedeng general ito?! haha. medyo guilty lang.. )
Bakit minsan tanong na rin ang sinasagot natin sa tanong? Parang ganito:
Tanong: "Bakit ka nakatingin?"
Sagot: "Bakit, masama ba?" o "Bakit, anong masama?"
Bakit minsan hindi natin sinasagot ang mga tanong sa atin ng maayos? Parang ganito:
Tanong: "kumain ka na ba?"
Kadalasang Sagot: "busog pa ako."
Imbes na "hindi pa" kasi hindi naman tinatanong kung busog ka o hindi.
Bakit minsan parang mas marami pang ang hindi natin maintindihan? Sabi nga nila "Hay life, parang buhay. Hay buhay, parang life."
Bakit minsan ang hirap magtanong? Parang sa klase, magsasalita ang guro natin ng matagal sa klase at kapag nagtanong siya kung mayroon tayong tanong ay hindi tayo makaisip. Pakiramdam ko dati kapag nag-isip ako ng itatanong habang nagsasalita siya ay hindi ko maiintindihan ang sinasabi niya. Gusto lang natin maganda ang image natin kapag nagtanong tayo dapat mukhang matalino ang tanong natin kaya tatahimik na lang tayo ano kaya ay itatanong ito sa katabi natin na nakikinig lang din naman.
Pareho rin sa mga lalaking may gustong babae. Gusto nila ang babae pero hindi nila makuhang tanungin ng tama. Hindi nila tanungin kung pareho ba ang nararamdaman nito sa kanila. Mas mamabutihin pa nilang malaman ang sagot sa tanong nila sa pamamagitan ng mga tulay (mga kaibigan ng babae na kakaibiganin ng lalaki na minsan nagkakagusto pa sa torpeng may gusto sa kaibigan, o mga kaibigan ng lalake na magtatanong para sa kanila na minsan ay nagugustuhan rin ng babaeng nagugustuhan ng torpeng lalaki, atbp.) Masama sa atin mas pinipili natin magtanong sa ibang tao kaysa dumiretso sa mga taong mas makakasagot sa tanong natin. Pinapalipas natin ang pagkakataon para magtanong. (parang may pinanggagalingan lang haha)
Pareho rin sa mga lalaking may gustong babae. Gusto nila ang babae pero hindi nila makuhang tanungin ng tama. Hindi nila tanungin kung pareho ba ang nararamdaman nito sa kanila. Mas mamabutihin pa nilang malaman ang sagot sa tanong nila sa pamamagitan ng mga tulay (mga kaibigan ng babae na kakaibiganin ng lalaki na minsan nagkakagusto pa sa torpeng may gusto sa kaibigan, o mga kaibigan ng lalake na magtatanong para sa kanila na minsan ay nagugustuhan rin ng babaeng nagugustuhan ng torpeng lalaki, atbp.) Masama sa atin mas pinipili natin magtanong sa ibang tao kaysa dumiretso sa mga taong mas makakasagot sa tanong natin. Pinapalipas natin ang pagkakataon para magtanong. (parang may pinanggagalingan lang haha)
Bakit ba pilit pinagpapartner ang tanong at sagot?
Bakit kailangan parating maghanap ng sagot?
Bakit natin sinasabing, "isang tanong, isang sagot" kaysa "isang tanong, isang tanong"?
Bakit tila walang katapusan ang katanungan?
Bakit mas madaling maubos ang kasagutan kaysa katanungan?
Bakit nga ba may tanong?
Bakit may sagot?
Bakit hindi na lang tayo mabuhay ng wala lang ang lahat?
Bakit 'tanong' ang tawag natin sa tanong?
Bakit 'sagot' ang tawag natin sa sagot?
Bakit hindi 'sagot' ang itawag sa tanong at 'tanong' ang itawag natin sa sagot? Hindi ba tayo lang ang naglagay ng kahulugan sa mga salitang iyon? Hindi ba mga letrang pinagdikitdikit lang ang mga salita? Wala ito talagang kahulugan, in short wala lang. Tayo lang mga tao ang nagbigay ng kahulugan sa mga salita. Sabi nila ito nga raw ang nag-iiba sa atin sa mga hayop, kasi nagsasalita tayo. Ito rin ang pinagmumulan ng ating drama sa buhay. Paano kung hindi tayo nagtatanong? May drama pa kaya ang buhay natin? Marahil hindi na tayo para maghanap pa ng kasagutan. Hindi na para mag-isip tayo ng dahilan sa lahat ng bagay na nangyayari sa paligid. Hindi na rin para bigyan pa natin ng kahulugan ang mga simpleng pangyayari sa buhay natin na sa totoo lang ay wala lang talaga.
Bakit ba ang sarap gumawa ng kuwento mula sa mga simpleng pangyayari sa buhay natin?
Bakit hindi natin mapigilan bigyan ng kahulugan ang lahat ng bagay sa mundo?
Bakit nga ba?
Bakit ba inuulit mo sinasabi ko?
Bakit, wala ka bang magawa at binabasa mo na lang ito?
Bakit nga ba bakit ka ng bakit?
Bakit nga ba may bakit?
Bakit ang dami ko palang bakit?
Bakit ikaw, wala ka bang bakit?
Bakit, ako lang ba ang maraming bakit?
Bakit, hindi ka ba nagtatanong ng bakit?
Bakit ka nagtatanong ng bakit?
Bakit ba nakiki-bakit ka?
Bakit nga???
Bakit nga ba?
Bakit nga pala bakit?
Ano ngang bakit?
Bakit 'bakit'?
Bakit? Bakit? Bakit?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento