Mula sa mga Tagalog teleserye, napunta sa Mexican at ibang telenovelas galing sa Latin America, Chinovelas hanggang sa mga Koreanovelas, ang mga Pilipino (kasama ako diyan siyempre, hindi ko naman dinedeny) ay sadyang mahilig manood ng TV drama series.
Noong bata pa ako ay naaalala ko pa na habang pilit akong pinapatulog ng tanghali pagkatapos kumain ng tanghalian ay sumusuot sa tainga ko ang mga boses ng mga artista sa Valiente. Nakalakihan ko rin ang pagtuklas sa katotohanan sa pagkatao nila Mara Clara habang hindi pa nagpapasexy si ate Juday. Naging sikat rin ang series nila Keempee De Leon at Donna Cruz na Villa Quintana.
Noong bata pa ako ay naaalala ko pa na habang pilit akong pinapatulog ng tanghali pagkatapos kumain ng tanghalian ay sumusuot sa tainga ko ang mga boses ng mga artista sa Valiente. Nakalakihan ko rin ang pagtuklas sa katotohanan sa pagkatao nila Mara Clara habang hindi pa nagpapasexy si ate Juday. Naging sikat rin ang series nila Keempee De Leon at Donna Cruz na Villa Quintana.
90s naging sikat ang Latin American telenovelas. Naunang naipalabas ng RPN 9 ang La Traidora ngunit hindi ito masyadong bumenta sa mga Pinoy. Sumunod nilang pinalabas ang Marimar. Dito nagsimulang mapansin ng mga Pilipino ang mga telenovela mula sa Mexico. Bumenta ang sayaw ni Thalia habang umaangat sa dagat at halos walang damit sa mga tao. Nakilala ng mga Pinoy si Sergio, Fulgoso, at pati na rin si Angelica. Naaalala ko pa na kapag oras na ng Marimar ay nagtitipon tipon na kaming lahat sa bahay ng isang tita ko para manood ng TV. Bawal ang daan ng daan sa harap ng TV dahil sa tuwing mayroong batang makulit na pabalik balik o patayo tayo habang nagtatalo si Angelica at Marimar o habang binobola ni Sergio si Marimar ay pinagagalitan. Nakatitig ang lahat sa TV at maririnig mo ang mga reaksyon. Sa tuwing nagtatagumpay si Marimar na makaganti kay Angelica ay maririnig mo ang mga kapamilya kong nagsasabi ng "buti nga sa iyo!" na parang sila si Corazon, ang yaya ni Marimar kung maka-react sobrang affected.
Sinamantala naman ito ng RPN 9 kaya pinalabas rin nila ang ibang series ni Thalia gaya ng Maria La Del Barrio, Maria Mercedes at iba pang Mexican telenovelas katulad ng Alguna Vez Trendemos Alas, Esmeralda, La Usurpadora. Sa sobrang benta ng Marimar ay bumenta ang album ni Thalia dito sa Pilipinas kahit na ang mga kanta ay Spanish. Pinapunta rin dito sa Pilipinas si Thalia. Pati nga si FVR ay inimbita ang lola mo sa Malacanang. Sold out rin ang concert niya dito. Tuwang tuwa naman ang mga Pinoy ng kinanta niya ang Nandito Ako. Naging in demand ang mga marunong magsalita ng Spanish dahil sa kasikatan ng mga Mexican telenovelang sinimulan ng Marimar. Hindi nagtagal ay bumisita rin dito sa bansa si Sergio (Eduardo Capetillo) kasama pa ata si Fulgoso. Naaalala ko pa ang isang pinsan ko na sobrang fan ni Thalia. Bumili pa siya ng album ni Thalia at nakabisado pa ata ang mga kanta nito. Sinubaybayan pa niya ang pagpunta rito ni Thalia. Nakikifan naman kami. Minsan ay umuwi kami sa Ilocos ng pamilya ko, at dahil di pa uso ang youtube ay pinarecord pa namin sa VHS ng isang kaibigan ng pinsan ko ang mga episode ng Maria La Del Barrio na hindi namin mapapanood habang nasa bakasyon kami.
Sinakyan ng ibang TV station ang tagumpay ng Mexican telenovela na pinapalabas ng RPN 9. Nagpalabas ang ABC 5 ng La Viuda de Blanco, Rosalinda sa ABSCBN, Muneca Brava at Betty La Fea sa GMA 7. Napuno ng telenovela mula sa iba't ibang bansa sa Latin America ang mga araw ng bawat Pilipino mula umaga hanggang gabi. Mayroon rin iba pang artista mula sa Latin America ang nagpunta sa Pilipinas, kasama rito si Fernando Carillo, Natalia Oreiro, at Segundo Cernadas na gumawa pa ng series dito kasama si Iza Calzado.
Habang inakala nating mga manonood na hindi na matitinag ang kasikatan ng mga Latin American telenovelas sa Pilipinas ay sinubukan naman ng mga TV station ang mga bagong palabas. Unang pinalabas ng ABSCBN noong summer ng 2003 ang Meteor Garden mula sa Taiwan. Dito nagsimula ang tinawag nilang Asian Invasion.
Biglang napansin ang mga Chinese. Naging 'in' ang mga beauty ng mga maliliit ang mata. Isa ako sa mga naloka sa apat na lalaking nasa series na ito (F4). Isa ako sa nagmamadaling umuwi para lang makapanood ng Chinovelang ito. Marami ang naging tagasunod ng series. Biglang naging mabenta ang mga Chinese na palabas, kanta, etc. (kahit pa may SARS), buti na lang may Binondo. Dito tiba tiba naman ang mga negosyanteng Chinese. Sinabayan ito ng iba pang series sa GMA 7 katulad ng My MVP Valentine at Frog Prince.
Biglang napansin ang mga Chinese. Naging 'in' ang mga beauty ng mga maliliit ang mata. Isa ako sa mga naloka sa apat na lalaking nasa series na ito (F4). Isa ako sa nagmamadaling umuwi para lang makapanood ng Chinovelang ito. Marami ang naging tagasunod ng series. Biglang naging mabenta ang mga Chinese na palabas, kanta, etc. (kahit pa may SARS), buti na lang may Binondo. Dito tiba tiba naman ang mga negosyanteng Chinese. Sinabayan ito ng iba pang series sa GMA 7 katulad ng My MVP Valentine at Frog Prince.
Mula dito ay sinubukan rin ng GMA 7 na magpalabas ng bagong series para kalabanin ang kasikatan ng Chinovela na sinimulan ng ABSCBN. Dito una nilang pinalabas ang isang Koreanovela, ang Bright Girl. Hindi nito natalo ang powers ng F4 at San Cai sa kasikatan. Kaya sinundan ito agad Endless Love (Autumn in my Heart) na pinagbidahan nila Jenny (Song Hye Kyo), Johnny (Song Seung Heon), at ang guwapong guwapong si Andrew (Won Bin). Oo, inulit ko talaga ang salitang "guwapong"
Sa totoo lang dati una akong nanonood ng Marimar dahil sa love story ni Marimar at Sergio, at hindi sa bonggang kulot ng hair ni Marimar o sa lago ng chest hair ni Sergio! haha. Ganoon din sa Meteor Garden, una akong na hook sa palabas dahil sa kuwento bago pa sa mga artista dahil baduy pa kaya sila noong simula noh! Umayos lang ang istura nila noong lumaon na ang kuwento. Natuto na siguro ang stylist nila na pagmukhain silang mayaman tulad sa kuwento! haha. Pero una akong nanood ng Endless Love hindi dahil sa love story, ayoko kasi ng heavy drama, kung hindi dahil kay Andrew. Maganda rin naman si Jenny kahit laging umiiyak at may istura si Johnny makapal lang ang kilay pero ok na rin. Si Andrew ang dahilan kaya ko nagsimulang manood ng Koreanovela. Hindi naman sa sinisisi ko si Andrew sa kaguwapuhan niya kaya ako nakapanood ng maraming Korean drama at nakapag-aral ng Korean language noong college ako.
Nang naging mabenta ang Endless Love, sinundan nila ito ng Full House na naging mabenta rin dahil nakakatawa ang love story nila. Sunod sunod na ang Koreanovela na napalabas sa TV hindi lang sa GMA 7 pero pati na rin sa ibang station. Humina ang powers ng Latin American telenovelas.
Patuloy na nagpapalabas ng Latin American telenovelas at Chinovelas ang mga TV station ngaunit nahihirapan pa rin itong sumabay sa kasikatan ng Koreanovelas. Nagkaroon ng mga remake ng Latin American telenovelas, katulad ng Marimar, Rosalinda, Betty La Fea, Rubi, Lalola, Nasaan ka Elisa. Niremake rin ang ilang Koreanovelas, katulad ng Ako si Kim Sam Soon, Full House, Lovers in Paris, Endless Love, Stairway to Heaven, My Girl, Green Rose, at Only You. (mayroon pa atang iba hindi ko lang matandaan haha)
Sa loob ng ilang taon, marami na ang naipalabas sa TV. Maraming ang naloka at naloko sa mga imported na dramas, ngunit hindi nawawala ang pagkaloko sa sarili nating teleserye. Umiksi na ang mga series, hindi na tulad dati na tumatanda ang mga bida, habang ang iba namang artista ay namamatay ngunit hindi pa rin mabunyag bunyag ang katotohanan. Taon ang binibilang bago matapos ang mga palabas dati. Buti ngayon ay ilang buwan na lang natatapos na ang mga palabas sa TV.
Minsan kapag marami ang nahohook sa palabas ay pilit na ineextend ng mga TV station ang palabas na kinaiinis naman ng mga manonood dahil naiiba na ang kuwento. Malaki na ang pinagbago ng mga palabas ngunit nandoon pa rin ang nakakainis na kontrabida, kidnapping at barilan, mayaman at mahirap, love triangle, etc. Pero ang mahalaga doon ay hindi nawawala ang pagka-hook ng mga tao sa panonood.
Buti nga ngayon mas accessible na ang pagsubaybay sa mga series hindi lang dahil sa mga namimirata ng dibidi dibidi pero dahil sa bilis ng internet. Kahit na nasa opisina ang mga tao habang palabas ang Please Be Careful with my Heart nila Maya at Sir Chief ay maaari naman itong panoorin sa internet. Hindi katulad dati na kapag namiss mo na ang palabas ay magtatanong ka na lang sa kapitbahay na nakapanood ng episode. Hindi na rin kailangan magtiis ng mga manonood sa palabas sa TV na nakakasawa sa commercial lalo na kapag marami ang nanonood kung mayroon silang internet. Maari na mamili ang mga tao ng panonoorin kung kailan nila nais manood. Hindi mo na kailangan mabitin sa episode. Nasa iyo naman ang desisyon kung ilang oras ang ilalaan mo para manood ng series na gusto mo.
Wish ko lang maging mas creative ang mga writer at producer sa paggawa ng mga bagong palabas. Wish ko lang din ay pagkagastusan ng mga producer ang quality ng palabas yun tipong alam mong magandang klaseng camera ang gamit pati na rin ang soundtrack ay mga bagong kanta at hindi puro cover lang ng mga dati nang sumikat na kanta. Naniniwala ako na creative naman ang mga Pilipino masyado lang nating naikokompara ang sarili natin sa mga imported na drama. Kailangan lang natin maniwala sa ating mga sarili. Hindi natin kailangang mainggit sa gawa ng iba at hindi tangkilikin ang mga gawang Pinoy kasi may sarili tayong kakanyahan (maaring kulang lang sa creativity pa).
Masaya manood ng series. Parati kang may inaabangan. Hinihintay mo ang happy ending para sa mga bida. Sa panonood ng TV drama ay napapasok tayo sa isang mundong gawa ng producers. Minsan nakakainis na masyadong madrama kaya nasasabi natin na "madrama na nga ang buhay ko manonood pa ako ng drama!" Minsan naman sa pamamagitan ng mga TV series ay nagiging bata tayo, ang mga nanay at mga lola ay muling nakakaramdam ng kilig. Naaalala ko tuloy ang nanay ko na sobrang kinikilig kapag nanonood ng Lie to Me. Kung makikita lang siya ng mga estudyante at tauhan niya na pinagagalitan niya sa trabaho ay hindi maniniwala na iisa silang tao kapag nanonood siya nito.
Ikaw, nahook ka na rin ba sa mga TV drama?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento