Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit gusto pero ayaw...? Ang Gulo!


Bakit mas marami tayong gusto kaysa nakukuha o nagagawa? Ang weird natin. 

Gustong kumain ng maayos na pagkain ayaw naman magluto. 
Nagrereklamo sa luto ng iba pero hindi nag-aaral magluto. Sagana sa request sa nanay o sa kasama sa bahay ayaw naman tumulong o ano kaya magluto mag-isa. 

Gustong pumayat pero ayaw magbawas o magcontrol ng pagkain. Gustong pumayat pero ayaw mag exercise.Parati nating sinasabi na gusto nating pumayat. Na-iimagine na ang ala-supermodel body na gusto natin pero kapag oras na ng kain ay nakakalimutan na natin bigla ang goal natin. Cheat day everyday. Ano kaya ay ningas cogon lang. Sa simula kaya pa na magbawas ng kain o nag-eexercise pero ilang araw lang balik sa dating gawi. Mayroon pa nag nagpapa-member sa gym, pero hindi naman talaga nagagamit ang membership. Ang isa sa pinakamahirap sa proseso ay ang pagpapatuloy nito. Gusto kasi ng karamihan sa atin ay biglaang pagpayat. Yung tipong walang masyadong effort--katulad ng karamihan sa mga bagay sa kasalukuyan. Instant coffee, instant noodles, magic meals, etc. Sa isyu ng pagpapaseksi, diyan kumikita ang mga cosmetic surgeons katulad nila Dr. Vicky Belo at Drs. Manny & Pie Calayan. Mas pinipili pang pasukan ng instrumento ang katawan nila matanggal lang ang mga sobrang taba sa katawan kaysa ang natural na paraan. Nandyan rin ang mga gamot na nakakapayat. Dati maraming Pilipino lalo na ang mga artista ang naloko sa "Bangkok Pills" na sinasabing nakakapayat. Sumunod dito ang xenical. Marami akong narinig na gumamit nito pero medyo mahal daw dati kaya doon ata sila pumayat. hehe.  

Gustong gumanda pero hindi naman blessed…oopps, sorry, bagong buhay na nga pala. Erase, erase, erase. Pero sabi nga habang may buhay may pag-asa. Beauty is relative. Nag-iiba ang standard kaya may pag-asa ka, girl! Accept mo na lang! 

Gustong makarating sa ibang lugar ayaw naman umalis ng kinasalakhang lugar. Mayroon akong mga kilalang ganyan. Parating sinasabing gusto nilang makarating sa ibang bansa, pero kapag paalis na ayaw naman kasi iniisip agad ang mga magiging problema. tsk. Sabi nga sa Dao Jia, "The journey of a thousand miles begins with a single step." Kung ayaw mong iwanan ang lugar na iyan 'wag ka na mangarap makarating sa malayong lugar. 

Gustong pumunta sa ibang bansa ayaw naman bumili ng ticket dahil mahal daw. Sige, maghintay ka na lang ng mura wala namang pumipilit sa iyo na naising pumunta sa ibang bansa.

Gustong umalis ayaw gumastos. Ok, suggestion lang, 'wag ka na lang kaya umalis? Hello, kung gusto mong mag-travel dapat handa kang gumastos! Kahit pa may nagsponsor sa layas mo, dapat may handa kang pera. 

Gustong magpunta sa ibang lugar ayaw sumubok ng ibang bagay at pagkain. Para saan pa at nasa ibang lugar ka kung hindi mo susubukan ang hindi mo masusubukang bagay at pagkain sa inyo? Tsk. Magbaon ka na lang ng cup noodles. haha. 

Gustong maging mataas ang grade sa school ayaw mag-aral ng mabuti. Dilemma yan ng maraming estudyante. Kaya naman favorite teacher ang matataas magbigay ng grade kahit na wala ka halos matututunan. Ganoon din naman ang mga gustong magkahonor ayaw umayos sa school. Nalulungkot bakit hindi sila binibigyan ng award pero hindi naman pinagbubuti ang pag-aaral. Ang iba naman ayaw napapagalitan ng teacher pero di naman gumagawa ng ikatutuwa ng teacher. Hindi mapigilan ang maging pasaway. Tila mas nangingibabaw sa kanila ang makuha ang atensyon ng mga tao dahil sa kalokohan kaysa mahangaan dahil sa pagsisikap sa pag-aaral. Yun nga lang para sa mga teacher, kadalasan lang naaalala ang mga magagaling sa klase at mga pasaway. 

Marami rin ang gustong maipagmalaki ng magulang pero ayaw gumawa ng ikatutuwa ng magulang. Ang gulo mo! Pwede ba kuya, ate, make up your mind!

Gustong magkapera ayaw naman magtrabaho. Ang iba naman gustong magkasweldo ayaw magtrabaho. Well, hindi ka bibigyan ng trabaho ng hindi nagtatrabaho o ano kaya ay magtatrabaho ang trabahong magisa para magkapera ka lang. Bakit hindi ka magpasalamat na may trabaho ka kaysa wala at gawin mo ang trabaho mo!
Gustong yumaman pero ayaw magipon ng pera. Lagi kang nagtataka kung bakit hindi lumalaki ang savings mo pero sobra naman ang gastos mo. Bili dito, bili doon. Utang dito, utang doong. Sisisihin pa ang credit card na tukso raw sa paggastos nila. tsk!

Gustong manalo sa lotto ayaw tumaya, heto ang isa sa mga klasik sa mga Pinoy. "Sana manalo ako sa Lotto" Pero hindi naman talaga tumataya, sayang raw baka matalo lang. Ok, sige maghintay ka na lang. 

Gustong manalo sa kompetisyon hindi naman nageeffort ng bongga. Wish mo na lang hindi rin nag-effort ang kalaban mo. Otherwise, good luck!

Gusto ng magandang serbisyo pero ayaw magbayad. Ewan ba, marami ang gusting magtipid pero hinahanap ang serbisyong pang first class. Charity? Sponsor? Sabi nga, "there's no such thing as a free lunch." Kung 'di mo na gets, good luck!

Gusto ng mga latest gadget wala naman pambili. Minsan gusto ng mga uso kahit walang makain, buti na lang nandyan ang barkadahan nila kuya snatcher, mandurukot, atbp. Bakit nga ba kailangan naisin ang isang bagay kung hindi mo naman ikamamatay kung wala ka nito?

Ayaw mamatay pero hindi inaalagaan ang sarili. Ayaw magkasakit pero ginagawa ang bawal. Hihintayin na lang natin mahuli ang lahat. Bakit ba marami ang namamatay sa stroke? Or yun bigla na lang nalamang may sakit pala at sandali na lang buhay nila. Siguro ayaw nilang i-prolong ang kanilang agony, pero pwede rin naman may magawa pang paraan para hindi ito lumalala bago mo pa malaman. 

Gustong manood ng nakakatakot pero nagtatakip ng mata. Kaya magtatanong na lang sa katabi. Guilty ako dyan dati. Kaya nga 'di na lang ako nanonood kasi naaalala ko pa rin ang nakakatakot na scenes kapag gabi. 

Gustong mag asawa wala namang BF. Excited lang si ateng. 
Gustong magka BF ayaw naman makipagdate. Ok, speechless ako dyan. Wala raw time eh! haha. Sa totoo lang di ko feel eh! haha
Gusto ng gwapong lalaki pero hindi naman kagandahan. Tsk. Pangarap, buti na lang libre. hehe.
Gustong magsuot ng pangsexy hindi naman kasya. Basta may pambili ka ateng, go lang! Ingat lang sa pag tungo tungo. 

Gusto ng magandang GF hindi naman kagwapuhan. Buti kung maraming pera, pero ewan bakit ang daming lalakiang ganyan--feeling gwapo. Sige na nga, libre naman mangarap, go lang! Marami rin ang mahilig sa girls, hindi naman sila hilig ng mga babae. Nakakataka nga bakit uso na ngayon yan. Dati mga gwapo lang ang babaero, pero ang ngayon kahit hindi kagwapuhan babaero na rin. Naman!!! 

Gustong mag drive wala namang kotse. Pwede naman yan. Marami naman pwedeng pagpraktisan. 
Gustong magka lisensya, hindi naman marunong mag drive. Dun ka sa special window, sa kakilala mo dagdagan mo na lang ng pang merienda. haha. Samantalang ang iba naman ay ang lakas ng loob magmaneho walang namang lisensya. Gustong bumili ng kotse wala namang pambili. hmmmm. 
Gustong bumili ng kotse hindi naman marunong magdrive. E di kumuha ng driver! Rich daw eh. 
Mayroong kotse wala namang pambili ng gas. Sa garahe na lang yan! haha

Gustong tumatawid kahit sa highway kaysa mag foot bridge pero galit kapag nasagasaan. Effort daw kaya ibubuwis na lang ang buhay nila. Excuse me, 3 beses ko lang nagawa yan traffic late na ako sa trabaho! haha. 
Gustong gusto na sa kalsada naglalakad na parang nasa buwan pero galit kapag nasangga ng sasakyan. Hay….

Gustong gustong kumanta wala namang tono. Kung pwede lang sana na magustuhan ka ng kanta. Pero hanggang hindi pa nangyayari yun, 'wag na lang mandamay ng iba. Sing to yourself muna. hehe.
Gustong maging beauty queen kulang naman sa istura. Buti nandyan sina Dra. Vicky Belo at Drs. Manny ang Pie Calayan. Sabi nga nila mahirap na lang daw ang pangit ngayon. Basta may pera pwedeng magawan ng paraan yan. Ganun din para sa mga gustong maging beauty queen sobra naman sa timbang. May pag-asa kayo!
Gustong maging beauty queen kulang naman sa height. Dapat kasi matagal ka nang uminom ng mga pampatangkad, uminom ng balde-baldeng gatas at nagtatatalon kapag bagong taon! 
Gustong maging beauty queen kulang naman sa brains. Ay, ok, world peace, fine thank you! 

Gustong maging politician wala namang alam sa politika. Mag-artista ka na lang. Lahat naman daw natututunan, pwede ba! Style niyo! Pagpraktisan niyo raw ang pamahalaan? Serious business ito, no time for practice or dry runs. 
Gustong manalo sa eleksyon ayaw naman sa kanya ng mga tao. Well, money, I mean, Manny. 
Gustong mapaupo sa pwesto pero ayaw naman magtrabaho. Kawawang taong bayan. 

Gustong makahanap ng ibang karelasyon ayaw makipaghiwalay sa karelasyon
Gustong makalimot ayaw kalimutan.
Gustong mag move on pero lagi namang inaalala ang nakalipas. Hay, sige go, tama yan, hindi ka martir, magulo ka lang kausap. 

Gusto ng pagbabago pero hindi sinusubukan ang panibago, ayaw simulan.

Puro dasal, puro asa sa iba hindi nageeffort. 
Gustong may marating ayaw umalis sa kinaroroonan.
Anong mangyayari kung hindi susubukan?
Mahal mo pero natatakot kang sabihin ang nararamdaman mo.
Umaasa kang magiging kayo pero hindi mo naman sinasabi ang nararamdaman, natatakot kang malaman niya, natatakot kang alamin ang nararamdaman niya. 
Naghahanap ng wala, naghihintay ng milagro;
Mas gusto ang bawal, ipipilit ang bawal. 
Hay, buhay parang life; hay, tao, parang, people. Buti pa kantahin mo na lang, "pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan pa?"

Ikaw, magulo ka rin ba?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...