Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2022

Ano ba ang Halaga ng Pasko?

Dito sa Pilipinas ang Pasko ay isang mahabang pagdiriwang. Mula sa unang araw ng Setyembre ay marinig na ang mga Christmas Song. Simula na rin ng paglalabas ng mga dekorasyon. (Oo, alam ko kung nabasa mo na ang “Paano nga ba ang Paskong Pinoy?” (2013) nasabi ko na yan.)   Bakit sa balita sinasabi na mahal na ang mga pang Noche Buena kaya paano na ba raw makukumpleto ang selebrasyon ng kapaskuhan. Ang lahat ay nagmahal dahil magpa-Pasko na. Ito rin ang unang Pasko na maluwag na ang mga restriction sa COVID.   Pero ano ba talaga ang halaga ng Pasko para sa atin? Paano ba nasusukat ang pagiging buo o masaya ng Pasko para sa atin? Nalalagyan ba ng presyo ang Pasko?   Sabi nila ang Pasko raw ay para sa mga bata. Hindi lang dahil wala nang pasok ang mga mag-aaral kaya sila masaya kapag Pasko. Hindi makukumpleto kung walang bagong damit at laruan. Hindi rin pwedeng mawala ang mga regalo kahit hindi naman tayo ang may kaarawan. Para tayong lahat gustong maging bata kapag Pasko la...

Nakapunta ka na ba sa sinehan para sa MMFF?

Dahil nagluwag na ang restrictions ng covid ngayon taon balik na sa normal ang mga sinehan. At siyempre hindi mawawala ang MMFF sa mga inaabangan ng mga tao. Dati ay hindi masyadong tinangkilik ang MMFF dahil sa pandemic. Pero ngayon ay mas marami na ang inaasahan na manood sa mga sinehan. Hindi na kailangan naka face shield, pwede na rin manood ang mga bata at senior citizen.   Bago ang pandemic, isa sa mga kinalakihan ko ang panonood ng MMFF kasama ang kamag-anak namin.. Minsan lang sa loob ng buong taon na ang mga palabas sa sinehan ay puro pelikulan Pilipino.    Noong bata pa ako ay mayroon ticket sa lahat ng pelikula ang binibigay sa amin. Kaya halos lahat ng pwde naman mapanood (bilang bata pa nga ako) ay pinapanood namin. Pagkatapos ng isang pelikula ay lilipat kami sa kabila Libre naman eh. Dahil hindi rin kami mayaman ay nagbabaon kami ng pagkain. Hindi mga tsistirya ang baon namin, take note Kanin at Ulam! Kung paano naisip at nagawa ng mga tiyahin ko yun noon a...

Mayroon ka bang nakakatakot na karanasan?

Noong 2014 una kong tinanong kung “bakit (ba) gusto nating matakot?”.* Mula sa horror movies, horror stories, horror documentaries hanggang sa mga horror house noong 90s mabenta ang mga pananakot sa atin.     Sa totoo lang, hindi ko gusto ang manood ng horror movies kasi matagal bago ako makatulog ng patay ang ilaw ulit. Bahala na kayo kung ano ang gusto niyong isipin o sabihin tungkol sa akin, pero nabubuhay naman ako ng hindi natatakot ng mga ‘yan. Pero alam niyo ba na mas nakakatakot ang mga horror movie kapag alam mong hango ito sa totoong buhay? Ang ilan dito ay ang The Exorcist, The Exorcism of Emily Rose, Conjuring (at ang mga kasama nitong pelikula). Hango sa totoong buhay ang kwento nila kaya mas nakakatakot. Marami sa aspeto ng pelikula ay nangyari sa mga totoong tao. Pero siyempre para mas nakakatakot at mas mabenta sa mga tao ay mayroon rin silang binago. Katulad nga sa pelikulang The Exorcist. Sa pelikula ay namatay ang pari, ngunit sa totoong buhay ay hindi ito n...

Face Mask: To Wear or Not To Wear? Dapat bang hindi na magsuot ng face mask?

Ayon sa balita, ay papayagan na ang opsyonal na pagsusuot ng face mask basta hindi sa mga pampublikong sasakyan at medical facilities, tulad ng ospital.  Mayroon mga natuwa, ngunit mayroon din mga hindi sumasang-ayon dito. Kaya ang tanong: dapat bang mag-suot pa ng face mask o dapat na itong itigil na? Face Mask: To Wear or Not To Wear? Mabuti pa ay suriin natin ang mabuting naidulot pati na rin ang hindi mabuting naidulot ng pag-susuot ng face mask kaya ito dapat tanggalin.    Bakit ba dapat itigil na ang pag-susuot ng face mask?   Una, dagdag gastos ang face mask. Sa dami ng gastos ngayon, patuloy na pagmamahal ng bilihin ay sana hinid na dumagdag pa sa gastos ng mga ordinaryong Pilipino ang pagbili ng face mask. Pwede naman daw magsuot ng washable face mask, kaya lang kulang ang proteksyon na maibibigay nito mula sa mga virus lalo ang COVID. Ang matitipid mula sa gastos sa face mask ay dagdag na sa pambili ng pagkain. Naisip ko nga noong katindihan ng pandemi...

Narinig niyo na ba si Jose Mari Chan ngayon Setyembre?

Setyembre na naman. Simula na naman ng pinaka-mahabang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas. Unang araw pa lang ng buwan ay bidang bida na naman si Jose Mari Chan. Ang daming memes ang makikita tungkol sa kanya.     Nakakatuwa na lumaki tayo na naririnig ang mga kanta niya lalo na ang Christmas Album niya. Noong bata pa ako ay paulit-ulit na pinapatugtog ng nanay ko sa bahay ang album niya. Kung makakapag-reklamo lang siya na pagod na siyang kumanta ay baka nagawa niya. Nakabisado ko na ang mga kanta doon sa album niya. (Kabisado lang, wala akong sinabing nakakanta ko ng maayos ang mga ito). Kasama na sa alaala ng kabataan ko ang mga kanta niya kapag Pasko.    Kung iisipin ilang taon na tayong nasa ilalim ng pandemic, pero ang mga Pilipino parang wala nang COVID sa araw-araw. Nakasanayan na ang may mask. Maaari nang mag diwang ng kapaskuhan kahit hindi kristiyano. Maaari na rin lumabas ang mga senior citizen ngayon. Naaalala ko yun meme noong isang taon na bawal raw lum...

Na-scam ka na ba?

Kahit saan atang parte ng mundo ay nangyayari ang scam.     Napaka-creative ng mga scammer. Siguro nga ang motto nila “if there’s a will, there’s a way”. Iba iba ang mga pakulo nila makapanloko lang sa mga tao. Sumasabay rin sa pagbabago ng mundo ang mga manloloko. Hindi nahuhuli ang strategy ng mga scammer sa latest. Sila ang magpapatotoo na “nothing is impossible”.    Nakatanggap ka na ba ng text, e-mail, tawag mula sa scammers?   Mas masipag pa silang magpadala text, e-mail at tawag kasya mga mahal natin sa buhay. Madalas yun mga kakilala natin ang damin dahilan: walang load, sira ang cellphone, busy, atbp. Habang ang mga scammer, lahat ng dahilan para ma-contact ka gagawin. At in fairness sa kanila, walang pinipiling oras! Parati kang naaalala (at least may nakakaalala s'yo). haha.    May trabahong naghihintay sa iyo na malaki ang sweldo. Totoo?    Nanalo ka ng pera kahit wala ka naman sinalihan na raffle. Kaya lang maglalabas ka raw ng k...

Bakit ang Mahal Maging Malusog?

Bakit nga ba mahal maging malusog?   Buwan raw ng nutrisyon ang Hulyo kaya parati tayong nakakarinig ng mga nagsasalita tungkol sa kahalagahan ng kalusugan at nutrisyon. Kaya lang sa panahon ngayon, mahal ang maging malusog. Totoo nga ang sabi nila na “health is wealth”. Dahil kailangan mo ng “wealth” upang maging malusog. Kung dati ay mura lang ang mga pagkain na masustansya ay mahal na ngayon. Kung dati ay mura lang ang mga gulay, ay mahal ito ngayon lalo na pagkatapos ng mga bagyo. Hindi raw masyadong masustansya ng dory sabi nila kaya kung bibili ng isda dapat raw yun salmon. Kaya lang ang mahal naman ng sariwang salmon.    Mahal rin ang mga ‘organic’ na pagkain. Mahal rin ang mga almond milk, soy milk, yogurt. Kaya naman ang mga pinagkakasya lang ang kita sa isang araw ay pinipili na lang ang maaring mabili ng mura.    Ano ba ang mga mura? Sardinas at instant noodles. Sa iba naman na may trabaho ay ang mga madaling iluto na lang: hotdog, tuna, tocino, longg...

Paano na nga ba ang Pilipinas Ngayon?

     Natapos na naman ang isang eleksyon para sa presidente noong Mayo. May bago na namang presidente ang manunumpa bago magtapos ang buwan ng pag gunita natin ating kalayaan. Pero ang tanong, paano na nga ba ang Pilipinas ngayon?         Ayon kay Rhoads Murphey, ang Pilipinas nga raw sa Timog Silangang Asya ang pinaka matagal na nasakop o napasailalim sa mga dayuhan. Tayo ang may pinakamatagal na nakaranas nito. Bago dumating ang mga Espanyol, walang Pilipinas. Walang konsepto ng bansa, pambansang wika, isang religion, isang pamamahala. Hindi napa ilalim sa isang local na mamumuno ang mga Isla ng Pilipinas. Hiwa-hiwalay, kanya-kanyang bayan, kanya-kanyang mga datu, kanya-kanyang mga wika. Hindi katulad ng ibang bansa sa Asya, mayroon mga pagkakataon na nasasakop sila ng isang malakas na mamumuno (empire, kingdoms, atbp.). Dito kahit isang kahiraan na nag-ugnay sa buong kapuluan ng Pilipinas o isang emperyo ay wala. Walang mga ebidensya ng mga anc...

Paano ang Mayo Ngayon 2022?

Maraming alaalang kadikit ang buwan ng Mayo. Maraming mga festival at pagdiriwang tuwing Mayo sa iba’t ibang bansa. Unang una na ang Labor Day kapag May 1. Maririnig mo rin sa mga kapwa ko Star Wars fan ang pagbati ng “May the Fourth be with you” tuwing May 4. Kilala naman ang Cinco de Mayo sa Mexico pati na rin sa US dahil maraming Mexicans ang nandoon na nakatira. Sa mga Buddhist na bansa ay ginugunita rin ang kaarawan ni Buddha (Vesak) kadalasan tuwing Mayo.  Ngunit paano ba ang Mayo 2022 dito sa Pilipinas?   Pagkakaroon ng Eleksyon.   Maraming kuwento ang eleksyon. Pero ngayon taon ang unang beses na nagkaroon ng eleksyon habang mayroong pandemic. Natakot ang sa pila dahil limitado lang ang maaaring pumasok sa bawat presinto. Dati kasi hindi ko problema ang pagpila dahil inaalalayan ko ang nanay kong senior citizen. Ngayon na wala na siya ay kailangan ko nang pumila tulad ng ibang tao. Buti na lang ay konti na lang ang mga pumila sa oras na dumating ako para bumoto. N...

Ano ang Karanasan mo sa Panonood ng Pelikula?

Parte ng kultura ang mga pelikula. Kinalakihan na ng bawat tao ang panonood ng pelikula. Sino bang tao ang hindi pa nakapanood ng kahit isang pelikula?  Hindi ko na matandaan kung ano ang unang pelikulang napanood ko, pero ang sigurado ako ay kasama ko ang pamilya ko. Parati akong hila-hila ng nanay ko bilang bunso kasi ako.    Noong hindi pa uso ang cable TV, Internet, at Netflix, tuwing linggo ng gabi ay inaabangan ng mga pamilya ang palabas sa ABSCBN. Sabay sabay na manonood ang mga pamilya. Doon ko nakilala ang mga artistang Pilipino pati na rin mga dayuhan. Naaalala ko linggo ng gabi mayroon palabas sa TV si Max Alvarado. Elemetarya pa lang ako noon pero hinayaan na nila ako mag-aral mag-isa para sa pagsusulit ko kinabukasan dahil nanonood na ang buong pamilya ko ng pelikula. Habang nag-aaral ako ay naririnig ko ang palabas, pati na rin ang mga reaksyon nila. Mukhang ma-aksyon ang mga eksena base sa naririnig ko. Napansin ng isang nakakatanda kong pinsan na siyang na...