Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ano ang Kuwento ng Tatay ko?

Si Daddy.  Paano ko ba sisimulan ang kwento tungkol sa tatay ko? Siguro kung sino muna siya?   Si Daddy ay ikalawa sa sampung magkakapatid mula sa isang simpleng pamilya sa Ilocos. Magsasaka ang Lolo Francisco ng kanilang lupa kaya hindi nila problema ang pagkain. Kaya lang kulang sila sa pera upang mapag-aral sila Daddy lahat. Kaya naman noong papasok na siya ng kolehiyo ay tumira siya sa kapatid ni lolo sa Laguna na nagpa-aral sa kanya. Nagloko raw kasi sa pag-aaral ang kuya ni Daddy kaya siya muna ang pinag-aral. Kaya lang pagkatapos ng second year ng college ay kinausap na ng kuya niya ang tiyo nila na gusto na raw nitong mag-aral ulit. Kaya lang isa lang pwedeng pag-aralin ng tiyo nila. Bilang ang tatay ko ay mapagbigay sa pamilya ay nagbigay siya ng daan. Tumigil na lang siya sa pag-aaral at nagtrabaho sa talyer. Natutunan niyang magdrive at magkumpuni ng mga sasakyan.   

Ano ang kuwento tungkol sa nanay ko?

Si mommy.  Tatlong taon na mula nang nawala siya. Tatlong Mother's day na rin pala ang lumipas na wala siya.   Noong bata ako, siya talaga ang lagi kong ginagaya. Kaya nga pati ang pagpapakulot niya ginawa ko. Kahit pinagtatawanan ako ng mga tao kasi mukha nga raw Sto. Niño. Pagpapa make up niya Kay Rodhang bakla ako ginawa ko rin. Ayoko na masasabi ng mga tao na kamukha ko ang tatay ko kasi gusto ko si mommy ang kamukha ko. Kaya lang, medyo malayo pala talaga ang itsura namin kasi maputi siya. Yung pagsusuot niya ng daster, ginagawa ko rin noong bata ako hanggang sa pinagsabihan na ako ng isang kamag-anak na ’di raw maganda na lagi akong nakadaster. Kaya rin siguro hindi ako natuto pumorma na sexy o sumunod sa uso kasi hindi ko nakitang ganun si mommy. Simple lang si mommy. Kaya masaya na rin ako sa ganun lang. Sa totoo lang, noong napilitan akong matutong mag-make-up ay matagal na akong nagtatrabaho. Sa akin, siya ang nagpapa-makeup pag may event siya: kasal o kung ano man. ...

Handa ka na bang buksan ang bagong kabanata??

Malapit na... https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/season-2-ikalawang-yugto-pmfl.html  

Nabasa mo na ba ang mga kuwento sa Unang Yugto / Chapter 1 ng "Ang Aking 'Mapait na Matamis' na Kabanata"?

Si Mr. BF-ni-Ate ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-bf-ni-ate.html ) Si Mr. Kapitbahay ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/mr-kapitbahay.html ) Si Mr. Simba-hun ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/siya-yun-lalaking-nakita-ko-rin-sa.html ) Si Mr. Extra Joss  ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/mr-extra-joss.html ) Si Mr. Look-a-Like ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr.html ) Si Mr. Fair-e-View ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-fair.html ) Si Mr. Clean ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-clean.html ) Si Mr. Hair Gel ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-hair-gel.html ) Si Mr. Fish Ball ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/sang-hapon-bago-matapos-ang-ikalawang.html ) Si Mr. Brother-Long-Nails at si Mr. Pianist ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/hindi-ko-alam-kung-dahil-ba-nalulungkot.html ) Si Mr. Frie-lirt ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/minsan-sa-buhay-natin-dumarating-ang.html ) Si Mr. Frie-lirt (ulit) (...

Bakit kailangan suportahan ang Summer MMFF?

Parati natin sinasabi ng mga Pilipino na sana mas maganda ang kalidad ng mga pelikulang Pilipino. Sa dami ng napapanood natin na gawa sa ibang bansa lalo pa ngayon na mayroon nang Netflix, Amazon Price, at iba pang streaming sites ay mas marami nang mapagpipilian ang manonood. Habang ang laki na rin ng tinaas ng presyo ng sine. Kaya naman mas marami ang pinipiling manood na lang sa sa mga streaming site kaysa sa sinehan maliban na kang kung mga Hollywood film ang palabas. Kahit gaano kamahal ay pinipilahan ng mga Pilipino.  Ngunit paano naman makakagawa ng magagandang pelikula ang mga gumagawa ng mga pelikula ng Pilipino kung hindi natin sinusuportahan ang ang ginagawa nila? Isa kasi ng malaking investment ito.  Nitong 2023, unang ginanap ang pinaka unang  Summer Metro Manila Film Festival sa bansa. Sa totoo lang ay dalawa lang ang napanood ko habang sinusulat ko ito kasi wala naman akong libreng ticket. P330 pa naman ang isang ticket at wala rin akong masyadong oras para...

Bakit ang hirap maging babae?

  Mahirap maging babae period. Buwan-buwan mula nang nagdadalaga ka hanggang sa bago ka mag-menopause ay kailangang maranasan mo ang pinakahirap sa pagiging babae. Masakit. Minsan, hindi lang ang puson mo, pati ang ulo mo. Para sa mga kalalakihan na hindi naman nakakaranas ng nararanasan naming mga kababaihan, wala kayong karapatang magbigay ng komento tungkol dito. Hindi kami umaarte kapag bigla kaming sinusumpong o umiinit ang ulo dahil sa dalaw o sa hormones. Kaya huwag niyong gawing isang biro ang “may dalaw siguro” kapag hindi niyo maintindihan ang mga babae. 

Paano mo malalaman kung naka move on ka na talaga?

Sabi nila hanggang hindi ka grateful sa mga nangyari, mabuti at masama, hindi ka makaka move on.  Hanggang hindi mo nakuha ang mga aral na dapat mong matutunan mula doon ay hindi ka makaka move on.   Isa pa, kapag dumating ang araw na masasabi mong naka move on ka na talaga katulad ng sabi ni Mandy Hale ang period ay huwag na gawing coma ano naman kaya ay semi-colon. Ang tinapos na kabanata ay huwag na hanapan pa ng karugtong.  Kaya rin dapat mayroon kang isang salita sa sarili mo. Hindi puwedeng gusto mo ngayon kalimutan siya, mamaya o bukas ay hindi na.    Pero paano mo malalaman kung naka move on ka na talaga?

Sumasakay ka ba sa Pampublikong Sasakyan sa Pilipinas?

Pasukan na naman sari-saring kuwento ng pagcommute ang nararanasan ng mga ordinaryong Pilipino. Sabi nila hindi lang sa komunikasyon at imprastruktura masusukat ang antas ng kaunlaran ng isang bansa, kung hindi na rin sa sistema ng pampublikong sasakyan. Sa mga bansang mas mataas na ang antas ng kaunlaran ay mas maganda ang Sistema ng pagsakay sa pampublikong sasakyan. Kapag maayos ito ay makakapunta ka sa iba’t ibang parte ng bansa ng maayos kahit wala kang sariling sasakyan. Kaya lang dito sa Pilipinas lalong lumalala ang pagsakay sa pampublikong sasakyan. Ito na ata ang sinasabing ‘may forever’. 

Ano ba ang Halaga ng Pasko?

Dito sa Pilipinas ang Pasko ay isang mahabang pagdiriwang. Mula sa unang araw ng Setyembre ay marinig na ang mga Christmas Song. Simula na rin ng paglalabas ng mga dekorasyon. (Oo, alam ko kung nabasa mo na ang “Paano nga ba ang Paskong Pinoy?” (2013) nasabi ko na yan.)   Bakit sa balita sinasabi na mahal na ang mga pang Noche Buena kaya paano na ba raw makukumpleto ang selebrasyon ng kapaskuhan. Ang lahat ay nagmahal dahil magpa-Pasko na. Ito rin ang unang Pasko na maluwag na ang mga restriction sa COVID.

Nakapunta ka na ba sa sinehan para sa MMFF?

Dahil nagluwag na ang restrictions ng covid ngayon taon balik na sa normal ang mga sinehan. At siyempre hindi mawawala ang MMFF sa mga inaabangan ng mga tao. Dati ay hindi masyadong tinangkilik ang MMFF dahil sa pandemic. Pero ngayon ay mas marami na ang inaasahan na manood sa mga sinehan. Hindi na kailangan naka face shield, pwede na rin manood ang mga bata at senior citizen.   Bago ang pandemic, isa sa mga kinalakihan ko ang panonood ng MMFF kasama ang kamag-anak namin.. Minsan lang sa loob ng buong taon na ang mga palabas sa sinehan ay puro pelikulan Pilipino.    Noong bata pa ako ay mayroon ticket sa lahat ng pelikula ang binibigay sa amin. Kaya halos lahat ng pwde naman mapanood (bilang bata pa nga ako) ay pinapanood namin. Pagkatapos ng isang pelikula ay lilipat kami sa kabila Libre naman eh. Dahil hindi rin kami mayaman ay nagbabaon kami ng pagkain. Hindi mga tsistirya ang baon namin, take note Kanin at Ulam! Kung paano naisip at nagawa ng mga tiyahin ko yun noon a...