Lumaktaw sa pangunahing content

Sumasakay ka ba sa Pampublikong Sasakyan sa Pilipinas?

Pasukan na naman sari-saring kuwento ng pagcommute ang nararanasan ng mga ordinaryong Pilipino. Sabi nila hindi lang sa komunikasyon at imprastruktura masusukat ang antas ng kaunlaran ng isang bansa, kung hindi na rin sa sistema ng pampublikong sasakyan. Sa mga bansang mas mataas na ang antas ng kaunlaran ay mas maganda ang Sistema ng pagsakay sa pampublikong sasakyan. Kapag maayos ito ay makakapunta ka sa iba’t ibang parte ng bansa ng maayos kahit wala kang sariling sasakyan. Kaya lang dito sa Pilipinas lalong lumalala ang pagsakay sa pampublikong sasakyan. Ito na ata ang sinasabing ‘may forever’. 

Hindi ako lumaking madalas na sumasakay sa pampublikong sasakyan kahit na hindi naman kami mayaman. Sinikap ng mga magulang magkaroon ng sariling sasakyan dahil malayo ang bahay namin sa pinapasukan ng mga magulang ko. Dahil rin ako ang bunso at babaeng anak, kaya ito rin ang dahilan kung kaya hindi ako nasanay sumakay sa pampublikong sasakyan. Natatakot akong sumakay ng mga pampublikong sasakyan mag-isa. Lalo na sa mga kuwento na naririnig ko. Mga naagawan ng gamit, na hold-up, nabastos, atbp. Nahihiya rin ako makisalamuha sa mga taong hindi ko kilala kaya paano ako???? Hindi ko na nga alam ang sasakyan at kung saan ako bababa, idagdag ko pa ang takot sa mga krimen na nangyayari sap ag-commute??
 
Pero unti-unti ko rin naman sinubukan matutunan paano sumakay ng pampublikong sasakyan. Lalo na dahil noong sandal akong tumira sa ibang bansa noong kolehiyo ay nakayanan ko naman. Kaya lang sa ibang bansa iyon na higit na maayos ang pagsakay ng pampublikong sasakyan. Noong nasa graduate school na ako at kailangan ko pumasok mula sa Makati ay unti-unti kong natutunan. Minsan nga lang nagkamali ako ng sinakyan. Sobra talaga ang takot ko na maligaw at ma-late sa klase. 
 
Anu-ano ba ang mga napansin kong karanasan ng mga sumasakay ng mga pampublikong sasakyan?

“Kuya driver, hindi po kami pandesal

May mga umuupo Kala mo pang 2 ang binayaran. Ang mga driver naman akala nila pandesal ang mga tao na pwdeng paimpisiin ang katawan para magkasya ang siyam na tao sa pang-walong upuan. Minsan ginagawa pang sampu! Grabe talaga lalo kapag uwian at rush hour. Pati na rin kapag umuulan. Wala pa sa kalahati ang pagkaupo mo pero pareho lang din ang bayad. 
 
Yun mga kalalakihan pinipilit na lang sumabit sa jeep makauwi lang. Minsan kapag nakakakita ako ng mga sumasabit, naaalala ko yun isang kuwento ng nanay ko. Mayroon kasing isang babaeng bumili sa tindahan ng kapatid ng nanay ko minsan ng ribbon, pentel pen, at mga pin. Kuwento raw ng babae para sa ataol ng anak niya ang mga ito kasi sumabit raw sa jeep pero nakabitaw kaya namatay. Naawa naman ang nanay ko kaya binigyan niya ng abuloy. Tuwing pasko noon ay pinapapunta niya ang babae para mabigyan ng tulong. Natatakot ako nab aka makabitaw rin ang mga nakikita ko. Nakikita ko pa na minsan may hawak pa silang cellphone sa isang kamay. 

“Feeling Royalty at VVIP lahat o baka naman disabled, senior citizen, buntis?” 

Kailangan sa gusto nilang babaaan sila bababa kahit may bumaba malapit sa binabaan nila. Bakit ba ang hirap maglakad? Dahil ba sa init? Sa kawalan ba ng sidewalk? Pero sana kapag may bumaba na sa malapit, sumabay na ang iba para hindi rin tigil ng tigil ang mga sasakyan. Dahil kapag tigil sila ng tigil, nakakadagdag pa sila sa trapik sa daan. Tumatagal rin ang biyahe ng lahat. 

Marami rin ang gusto sa dulo ng jeep uupo pero kahit na malayo pa ang pinaka malapit na kapwa nila pasaheor sa driver ay ay pipilitin pa rin ipa abot ang bayad nila. Hindi naman sila senior citizen, disabled o buntis. Kaya minsan kwento ng isang Pinsan ko sa sobrang inis raw niya na nakikipag unahan yun mga ka Bataan sa kanya umupo sa may babaaan aybsinabihan niya 'o diyan kayo naupo, kayo bahala mag abot ng bayad niyo sa driver ha.' akala mo kasi mga may utusan parati eh. Di naman obligasyon ng mga kasakay mo ang iabot ang bayad mo lalo kung malayo sila sa driver. Minsan akala mo kung makapag-utos. Wala man lang pakiusap o pasa salamat kang maririnig. Nakakainis lang. Ngayon pa naman ay may Covid at kung anu-anong virus ang naglalabasan at dapat na nag-ingat. Tapos makakakuha ka ng germs at virus dahil lang sa kanila!!! Bakit kasi hindi na lang yun may machine sa pag-pasok tapos tap na lang ng card ang mga tao para di na magpapaabot ng pera? 

“Magkano ba talaga Kuya?” 

Isa sa mga nakakainis rin ay ang pagkakaiba iba ng singil sa pasahero. May iba na mas mataas, mayroon Mas mababa. Paano naman kasi magtataas ba naman ng pamasahe ng may...80 cents? 

Sa totoo lang bilib ako sa mga driver. Hindi sila dapat minamaliit. Grabe ang skills na kailangan para maging isang driver na namamasada. Biruin mo kailangan kabisado nila kung magkano Anh pamasahe ang mga batas sa Daan..hindi madaling mag maneho. Nakaupo ka buong araw. Sari saring virus ang makukuha mo sa biyahe lalo kapag hindi aircon, isama mo pa ang polusyon. 
I
ba iba ang mga pasahero. Maaari rin sila makatapat sa mga hindi nagbabayad ano kaya yun mga nang hohold up. Pwede rin sila makatapat ng mga korupt na opisyal sa daan.. Tapos makikita mo ang mga pasahero na itatapat ang pag babayad kapag malapit sa stoplight ano kaya ay may iba pang nagbayad at kailangan ng sukli. 
 
Kaysa naman noong panahon ng kapaskuhan na ang daming taxi driver na nangongontrata. Magtiis na lang ang mga tao sa jeep, bus, UV, MRT/LRT ano kaya ay Angkas at JoyRide. Isa pa kasing mataas maningil ang mga habal-habal.  

“Sana may expiration ang paghihirap”

Kapag sumakay ka ng mga jeep at bus ay marami kang makikita ng katotohanan sa lipunan..
May mga nag aabot ng envelope. Minsan may dalang bata, ano kaya ang mga bata ang pinag-aabot ng envelopeMas mabuti na rin na nanghihingi sila kaysa naman nagnanakaw sila. Minsan naririnig ko ang mga ibang pasahero na kaya hindi nila binibigyan ang mga ito dahil mas marami pa raw pera ang mga iyon kaysa kanila na nagtatrabaho. Kaya lang sa Pilipinas, ano ba ang dapat gawin? Magbigay o hindi? Paano kung wala talaga silang makuhang marangal na trabaho dahil hindi sila nakatapos ng pag-aaral? Mayroon nagtitinda ng ballpen. Kapag gabi na ay may mga sumasakay na lasing. 

Minsan naka sakay ako sa EDSA carousel dahil naabutan ako ng pagsasara nang MRT. Grabe ang taas ng kailangan akyatin na hagdan at kailangan babaaan. Tapos ay kapag Lunes hanggang biyernes raw ay grabe ang haba ng pila. Sabado iyon ng gabi kaya wala halos pila. Pero iniisip ko kung araw-araw ganoon ang mararanasan ng mga Pilipinong commuter, paano sila? Pagod ka papasok, pagod ka pauwi. Maaga gigising dahil mahirap makasakay at hindi mahuli sa papasukan. 

Forever na ba talaga ang pagdurusa ng mga ordinaryong Pilipino? Makakaalpas pa kaya tayo mula dito? Sa mga hindi nararanasan o nakikita ang mga kuwentong ito ay walang pakialam. Trapik lang ang iniisip nila at gas. Samantalang ang mga ordinaryong gumagamit ng pampublikong sasakyan dusa ang inaabot araw-araw. 
 
Ikaw, sumasakay ka na ba sa pampublikong sasakyan sa Pilipinas?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...