Lumaktaw sa pangunahing content

Ano ang kuwento tungkol sa nanay ko?

Si mommy. 

Tatlong taon na mula nang nawala siya. Tatlong Mother's day na rin pala ang lumipas na wala siya. 

Noong bata ako, siya talaga ang lagi kong ginagaya. Kaya nga pati ang pagpapakulot niya ginawa ko. Kahit pinagtatawanan ako ng mga tao kasi mukha nga raw Sto. Niño. Pagpapa make up niya Kay Rodhang bakla ako ginawa ko rin. Ayoko na masasabi ng mga tao na kamukha ko ang tatay ko kasi gusto ko si mommy ang kamukha ko. Kaya lang medyo malayo pala talaga ang itsura namin kasi Maputi siya. Yun pag susuot niya ng daster ginagawa ko rin nung bata ako hanggang sa pinag sabihan na ako ng isang kamag anak na di raw maganda na lagi akong naka daster. Kaya rin siguro hindi ako natuto pumorma na sexy o sumunod sa uso kasi hindi ko nakitang ganun si mommy. Simple lang si mommy. Kaya masaya na rin ako sa ganun lang. Sa totoo lang noong napilitan ako matuto mag make up ay matagal na akong nag tatrabaho. Sa akin siya nagpapa makeup pag may event siya: kasal o kung ano man. 


Si mommy rin ang nag turo sa akin kung paano dapat sa bahay. Paano ba maging babae. Paano gumawa sa bahay. Magaling siya mag luto Kaya sanay ako na masarap ang ulam namin.Nasanay ako na si mommy alam niya ano ang paborito namin na pagkain na luto niya.  Yun din ang hinahanap hanap ng tatay ko sabi niya sa akin dati noong pareho na silang may sakit. Hindi na makapag luto si mommy. Hindi na rin pwedeng kumain ng kung anong pagkain lang si daddy. 

Siya rin ang nag turo sa akin paano humawak ng Pera. Tinuro niya paano mag tipid, mag budget, magpalago ng negosyo. Kaya bata pa lang ako natuto na akong mag ipon at sumubok ng kung ano anong negosyo at trabaho. Minsan parang nagiging natural na lang yun mga pag sasalita ko tungkol sa investment at negosyo. Impluwensya niya yun. 

Siya rin kasama si daddy ang nag turo sa akin ng Kahalagahan ng pagsisikap. Dapat raw naranasan ko ang mag simula sa mababang posisyon sa trabaho bago maging boss. Siya ang kinakausap ko kapag nahihirapan na ako sa trabaho. Siya ang nagsasabi sa akin na huwag basta umalis sa trabaho noong nahihirapan ako. Ayaw niya na mag resign ako. Ayaw rin niya na magtrabaho ako sa gobyerno. Ayaw rin niya ang pinasukan ko para magturo. 
Siya rin ang nagturo sa akin mag dasal at maniwala Kay God. Dahil maaga siya nawalan ng nanay habang ang tatay nila ay nagkaroon ng ibang pamilya. Mahirap ang buhay nila kaya Naging sakit in siya. Sabi niya sa akin doon niya natutunan mag dasal. Sa lahat ng ginagawa niya pinagdadasal niya. 

Noong Marso ay naimbitahan ako magsalita tungkol sa pagiging babae. Ang naisip ko si mommy. Siya ang pinaka malaking Impluwensya sa akin. Kahit kailan hindi ko naisip sa bahay na hindi Kaya ng mga babae maging magaling sa buhay. Siyang model ng strong woman para sa akin. Lalo na noong bata pa ako ay laging wala si daddy dahil sa trabaho niya. Hindi ko alam gaano kahirap na maging asawa ng isang sundalo noong panahon na laging magulo sa Mindanao. Hindi pa uso ang cellphone noon kaya bihira sila makapag-usap. Ilang buwan rin bago namin makasama ulit si daddy. Hindi namin alam kung kamusta siya doon sa Mindanao kapag pinapadala sila sa mga magugulong lugar sa Pilipinas. Pero iba siguro ang hirap at takot ni mommy. Kahit ganoon pa man ay hindi namin siya nakitang umiyak o nagalit sa trabaho ni daddy. Siguro malungkot siya dahil sa maliit na sweldo ni daddy. Kaya naman ginawa niya lahat para maitaguyod ang pamilya namin. Nagtayo siya ng negosyo para sa pamilya namin.  

Siya rin ang dahilan kung bakit ako nagtuturo. Paano ba naman nasa sinapupunan pa lang ako nasa classroom na ako. Noong baby ako dinadala rin niya ako sa klase habang nag tuturo. Nakikita ko kung paano niya tinuturuan at dinidisiplina ang mga bata. 
 
Nakita ko kung paano siya nag sakripisyo para sa amin. Parati niya inuuna kami ni kuya bago ang sarili niya. Bago sila ni daddy, kami muna ni kuya. Minsan kahit gustong gusto niya ang pagkain kapag alam niya na gusto namin ni Kuya ibibigay pa rin niya..

Kapag may sakit ako, siya yun doktor ko. Alam ko na gagaling ako basta inaalagaan niya ako. Sinusunod ko lang ang sinsasabi niya. Iniinom ko ang sinsasabi niya. Kaya kapag masama ang pakiramdam ko, siya ang tinatawag ko. Sa kanya ako nagsasabi. Siya rin ang hinihintay ko na magsabi kung ano ang dapat at hindi dapat gawin, kainin, at inumin. Siya ang parati kong katabi matulog. 


Kaya naman nitong nagkasakit ako, mas naramdaman ko na wala na siya. Ginagawa ko lang ano ang gusto ko. Bahala na kung gumaling ako o hindi. Wala na naman nanay na magagalit sa akin kapag ginawa ko ang bawal dati noong buhay si mommy. Ako na ang bahala sa sarili ko. Ako na ang mag-aalaga sa sarili ko. Wala na ang doctor ko. Nasaan man siya ngayon ay alam ko ba wala na siyang nararamdaman na sakit sa katawan. Araw araw kong pinagdarasal na sana ay mapayapa siya. Kung dati ay lagi niya kaming pinagdarasal, ngayon ay wala na akong pakialam sa sarili ko, basta sila na lang ni daddy ang pinagdarasal ko. 

 

Marami pang kuwento tungkol sa kanya, pero ito na lang muna. Hindi man naging perfect ang relasyon namin. Hindi ko man nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal katulad ng ginagawa ng iba, mahal ko siya. Kaya ngayon wala na siya, hindi ko na alam paano mabubuhay pa. Wala na rin kasi si daddy. Hindi ko na alam saan direksyon ako pupunta kasi wala na siya. Hindi ko na alam kung tama pa ang ginagawa ko. 

 

Ikaw, ano ang kuwento tungkol sa nanay mo?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...