Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit ang hirap maging babae?

 Mahirap maging babae period.


Buwan buwan mula ng nagdadalaga ka hanggang sa bago ka mag menopause ay kailangan mo maranasan ang pinaka mahirap sa pagiging babae.

Masakit. Minsan hindi lang ang puson mo pati ulo mo. Para sa mga kalalakihan na hindi naman nakakaranas ng nararanasan naming mga kababaihan, wala kayong karapatan magbigay ng komento tungkol dito. Hindi kami umaarte kapag bigla kaming sinusumpong o umiinit ang ulo dahil sa dalaw o sa hormones. Kaya huwag niyong gawing isang biro ang “may dalaw siguro” kapag hindi niyo maintindihan ang mga babae. 

Kapag mayroon dalaw ay kailangan lagi malinis kung hindi at babaho ka. Dapat rin laging maghanda kung biglang dumating ang dalaw. 

Hindi pa siya basta mapag-usapan. Mayroon iba na nahihiya kapag may mga lalaki makakakita ng sanitary napkin nila o mapag-usapan ang tungkol doon sa harap ng mga kalalakihan. Buti na lang lumaki ako na puro babae ang kasama ko, kaya hindi ko naranasan iyon. Bakit ka ba mahihiya sa normal na nangyayari sa iyo? Dapat nga sila ang mahiya dahil wala silang ganoon na nararanasan buwan buwan. 


Minsan nakakahiya pa kapag nagka-tagos ka. Nakapaglaba ka na ba ng palda o salawal sa CR ng bigla dahil di na kinaya ng pads mo? Sa haba ng biyahe minsan hindi ka nakakapagpalit basta, ayun, disgrasya! Nalalaman ng mga tao ang pinagdadaanan mo. Minsan sa mall, makakabili ka bigla ng damit para lang di malaman ng mga tao ang nangyari. 

 

Mahal rin ang pads at feminine wash. Nasubukan mo ba ang mga tela na pasador? Mahirap rin siya gamitin kasi kailangan mo siya labahan at madali siya ma puno. Kailangan rin naka partibli kasi maaari siyang mawala sa pwesto. 


Sabi naman ng iba, mas mabuti na ang masakit ang puson mo dahil may dalaw ka, kaysa naman hindi dumarating ang dalaw. Kapag may hormonal imbalance ka ay dapat magpatingin sa mga OB GYNE para mabigyan ka ng karampatang lunas. Ang iba kasi ilang buwan bago dumating ang dalaw. Kapag dumating naman ay kailangan naka diaper sa sobrang lakas. Mayroon rin naman na sobrang sama lang ng pakiramdam pero hindi rin malakas ang paglabas ng dalaw. Maraming sakit ang maaaring makuha kapag ganitong hindi regular o normal ang dalaw. 


Ang iba naman ay mas gusto na ang sakit ng puson o sama ng pakiramdam kapag may dalaw, kaysa naman daw walang dalaw dahil may ginawa silang milagro kaya maaaring may nabuo na kasing bagong buhay. 


Ilang taon itong pinagdadaaanan ng mga kababaihan. Kapag tumigil naman ang dalaw ay kung ano ano naman nararamdaman ng mga nag memenopause. Hot flushes. Ang iba ay umiinom ng gamot para lang mabawasan ang sama ng pakiramdam kapag tumigil nang datnan ng dalaw.

Dapat, dapat, dapat. Ang daming dapat gawin. 

Ang daming expectations ng lipunan sa mga kababaihan. Dapat maganda, malinis, marunong sa gawaing bahay, atbp. 

Bago umalis ng bahay, ang daming seremonya at ritwal lalo na pagkatapos maligo. Kailangan mag-ayos kasi kailangan maganda parati. 


Bakit ba madalas natin naririnig kapag marunong mag luto ay sinasabihan na "pwede nang mag asawa"? 

Bawal, bawal, basta bawal. Ang daming bawal. 

Bawal malakas tumawa, bawal umupo ng nakabukaka, atbp. Naaalala ko tuloy ang isang kaibigan ko dati noong bagong kasal pa lang siya. Tinanong naming siya tungkol sa plano nila sa pag-aanak. Sabi niya “basta ayoko ng babaeng anak kasi maraming butas na kailangan takpan. Dapat babantayan.” Ilang taon na ang nakalipas mula nang sinabi niya iyon, kamusta na siya? Ayun, tatlong anak na babae ang mayroon siya ngayon. Ayaw niya kasi eh, kaya ganoon ang binigay sa kanya. 

 

Naaalala ko noong una akong nagkaroon. Usap-usapan sa mga kamag-anak ko. 

“Balita ko dalaga ka na”

“May regla ka na raw”

“Bawal ka nang makipaglaro sa mga lalaki”

 

Bawal sumakay sa bike, bawal maligo ng malamig, bawal umupo sa sahig, bawal kumain ng malansa, bawal maulanan, bawal magbuhat ng mabigat….

 

 

Magastos maging babae.

 

Ang gastos maging babae. Ang daming kailangan. Pads, liners, feminine wash. Vitamins, iron, atbp. Makeup at skincare. Minsan kailangan mo rin magpunta sa derma. Bukod sa sakit ng nararanasan ng mga kababaihan kapag may dalaw ay marami rin ang nagkakaroon ng pimples kapag mayroon na o magkakaroon na. Biruin mo, buwan buwan ay maaari kang magka-pimple bigla! Hay.

 

Sa damit magastos rin. May panty na, may bra pa. Minsan pati stockings, sando at marami pang kailangan pang isuot. Iba iba rin ang mga damit at sapatos na kailangan. 

 

Bakit nga mahirap maging isang babae? Masakit, magastos, ang daming dapat at hindi dapat na kailangan sundin. 

 

Kailangan nga ba ang paid menstrual leave? Sa susunod iyan ang hihimayin natin. 

 

Ikaw, mahirap bang maging babae?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...