Sabi nila hanggang hindi ka grateful sa mga nangyari, mabuti at masama, hindi ka makaka move on. Hanggang hindi mo nakuha ang mga aral na dapat mong matutunan mula doon ay hindi ka makaka move on.
Isa pa, kapag dumating ang araw na masasabi mong naka move on ka na talaga katulad ng sabi ni Mandy Hale ang period ay huwag na gawing coma ano naman kaya ay semi-colon. Ang tinapos na kabanata ay huwag na hanapan pa ng karugtong. Kaya rin dapat mayroon kang isang salita sa sarili mo. Hindi puwedeng gusto mo ngayon kalimutan siya, mamaya o bukas ay hindi na. Pero paano mo malalaman kung naka move on ka na talaga?
Feeling by non-feeling
Sabi nila minsan alam na ng utak mo na dapat ka na magsimulang kalimutan ang taong hindi para sa iyo ngunit ayaw pa rin sumunod ng puso mo. Kung mas mabilis ang puso na magkaroon ng gusto kaysa maisip ng utak mo na may gusto ka na sa isang tao ay siyang bagal naman ng puso tumigil sa pagtangi sa taong dapat mo nang kalimutan. Kailangan bigyan mo ng panahon ang puso mo na sumunod sa isip mo. Kailangan matutunan ng puso mo ang “feeling by non-feeling”
Paano nga ba iyon? Ito yun kaya mo na makita ang tao na iyon na hindi na nakakaramdam ng pagka miss, galit sa kanya o sakit. Naiyak mo na dapat ang lahat ng sakit kaya wala ka nang i-iiyak pa. Sabi nga ng isang pari sa akin, si God ay mas malapit sa mga taong heartbroken at may nararamdaman na sakit. Bakit naman daw kailangan ayusin ang mga wala naman 'sira'? Kung may masakit s’yo, ibig sabihin ay mas malapit Siya s'yo. Maniwala ka lang na ito ang kailangan mo sa ngayon. Maniwala ka na hindi lang para s'yo ang taong pinaglaanan mo ng oras at nagustuhan mo. O baka rin naman hindi talaga para s’yo ang pagkakaroon ng kasama sa buhay? Pero sana natutulungan ka rin ng mga nakapaligid sa iyo na maka move on. Minsan kasi sila pa ang nagpapaalala sa mga nangyari. Sila pa ang nagbabalik ng mga sinusubukan mo nang kalimutan. Very helpful ano? Pero kahit ano pang sabihin at gawin nila ay wala ka na talagang nararamdaman para sa taong iyon.
Acceptance. Forgiveness.
Napatawad mo na siya sa mga bagay na nagawa at hindi niya nagawa.
Napatawad mo na rin ang sarili mo sa mga bagay na nagawa at hindi mo nagawa.
Yun hindi na mahalaga syo ang iisipin niya.
Yun kaya mo nang buksan muli ang puso mo sa iba.
Yun natanggap mo na talaga na hanggang doon na lang ang lahat.
Na tapos na ang kwento na nandoon siya. Kasi nga minsan yun mga guest lang sa sitcom ay tinatrato nating mainstay. Yun dapat isang episode lang sila, pero pinipilit natin na ma dagdagan ang episodes nila.
Yun nagising ka na sa katotohanan na na-stuck ka lang pala sa trapik. At hindi pa ito ang destinasyon mo.
Pero paano mo malalaman na kaya mo na kung hindi mo susubukan? Paano mo rin malalaman kung hindi mo titignan anong mayroon? Huwag maghanap ng bandaid. Dapat magpa audition ka ng new cast. Yun gustong maging main cast sa kwento mo.
Kung kaya mo nang maging masaya para sa kanya (yun totoo ha, hindi plastik), makaka move on na ng unti-unti man.
Kung kaya mo nang makitang masaya siya kahit hindi ka bahagi ng kasiyahan niya. Yun bang kaya natutunan mo nang mabuhay ng wala siya sa kwento mo o ikaw sa kwento niya. Darating ka rin doon. Minsan kasi hinahawakan natin ang kahit konting pag-asa hanggang sa wala na talagang matira. Doon pa lang natin maiisip na sana pala matagal mo na siyang kinalimutan. Mukha ka lang ewan. Isipin mo rin: bakit ka manghihinayang na mawala sa buhay mo ang mga taong hindi naman pinanghinayangan na mawala ka sa buhay nila???
Pero masama ba ang ginawa mo? Hindi, ganyan kasi tayong mga tao. Kung alam mo naman na gumawa ka ng paraan para malaman kung kayo ba talaga, hindi ka na dapat magsisi sa oras na naubos mo pero hindi pa rin naman naging kayo sa huli. Ang mahalaga ay pinaglaban mo. Ang mahalaga ay may ginawa kang paraan pero hanggang doon na lang talaga. Period na. Fin. End of chapter na (at hindi end of your life o end of your whole story).
It's not a competition.
Kailangan ba ikaw ang mauna maka 'move on'? Pero ang tanong siya ba kahit kailan kinailangan dumaan sa 'moving on' stage? O baka naman hindi talaga siya affected sa mga nangyari? Baka naman para s'yo competition ang pag move on. Kaya lang sigurado ka ba na kasama siya sa competition? Kung 'di naman talaga mahalaga sa kanya sa una pa lang? Mukhang ka lang ewan diyan. Sabagay noong una pa lang naman ewan ka na.
Hindi para humabol sa araw ng mga puso, pero gawin mo para sa araw-araw mo. Relaks lang, isang araw lang ito. Diba nga sabi natin #walangforever? Ganoon din ito. Lilipas din. Hindi kailangan ngayon na naka move on ka na agad at mayroon ka nang bago. Maniwala ka mangyayari rin iyon. Kapag maaalala mo ang mga nangyari ay magpapasalamat ka na nangyari ang mga nangyari dahil kung hindi dahil doon ay hindi mangyayari ang mga nasa kasalukuyan mo. Hindi magiging mas makulay ang kasalukuyan mo kung hindi ka nagkamali sa mga desisyon mo na magka gusto sa maling tao.
Ikaw lang ang makakapagsabi kung magaling na ba talaga ang puso mo. Subukan mo na rin mabuhay nang normal. May bagong gusto o wala. Baka naman kasi ang lesson ay paano mabuhay ng mag isa o paano mahalin ang sarili bago ang iba?
Kaya nga, paano mo ba malalaman kung naka move on ka na talaga?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento