Sabi nila hanggang hindi ka grateful sa mga nangyari, mabuti at masama, hindi ka makaka move on. Hanggang hindi mo nakuha ang mga aral na dapat mong matutunan mula doon ay hindi ka makaka move on. Isa pa, kapag dumating ang araw na masasabi mong naka move on ka na talaga katulad ng sabi ni Mandy Hale ang period ay huwag na gawing coma ano naman kaya ay semi-colon. Ang tinapos na kabanata ay huwag na hanapan pa ng karugtong. Kaya rin dapat mayroon kang isang salita sa sarili mo. Hindi puwedeng gusto mo ngayon kalimutan siya, mamaya o bukas ay hindi na. Pero paano mo malalaman kung naka move on ka na talaga?