Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2024

Bakit excited ang mga tao sa birthday nila, Pasko, at Bagong Taon?

Para sa mga Christian, excited sila sa birthday ni Jesus pero sila ang mayroong mga regalo sa sarili nila, hindi naman para sa totoong may birthday. Hindi ko birthday ngayon buwan na ito, pero napaisip ako: bakit excited ang mga tao sa birthday nila? Bakit rin excited ang mga tao sa birthday ng mang may birthday? Nabibilang sa daliri ko ang birthday ko na pinaghanda ako ng magulang ko. 1 year old, 7 years old, 18 years old. Sa tatlong beses na yan, yun 7 years old lang yun talagang natuwa ako. Yun 1 year old di ko naman talaga tanda. Tska nakita ko yun mga lumang litrato, nakita ko may baha noong araw na iyon. Yun 18 years old naman ako, surprise pa nila ako kasi ayoko nga mag debut. Ok naman.. kahit di ko naman talaga gusto yun.. para sa effort ng nanay ko. Sa totoo lang di ko lam bakit mas excited pa yun nanay at tatay ko, pati ilang kaibigan na malapit ang kaarawan sa birthday ko kaysa akin. Siguro hindi kasi maganda ang mga alaala ko ng birthday ko. Mas natutuwa pa ako sa birthday ...

Napapagod ka ba sa araw araw mo?

Minsan ang bilis ng araw. Minsan nalilito na ako kung anong araw na ba talaga sa sobrang pagod. Pakiramdam ko parating Biyernes na sa pagod. Madalas rin kasi kahit dapat walang pasok, wala pa rin katapusan ang mga kailangan gawin sa trabaho o sa mga bagay bagay sa buhay.  Kung bibilangin ang oras ng tulog mo sa loob ng isang linggo ay hindi ka pa aabot sa isang araw o 24 oras! Tapos tatanungin ka pa ng mga tao kapag bigla ka nagkakasakit o mukhang stress???? Kapagod. Kaya natawa ako noong nakita ko ito sa Instagram (@kttm_phil): Naka-relate ang pagod ko. Mayroon nga bang advance hotline kapag ganito? Paano kaya kung malalaman mo kailan mauubos ang lahat ng energy na mayroon ka at ma schedule na ang pickup syo ng St. Peter o kaya ni San Pedro? Nakakapagod lumaban kung parang walang nangyayaring bago. Para bang kahit anong gawin mo ganun pa rin ang lahat. Parang bale wala ang effort mo. Kapagod. Nakakapagod kapag parang lahat nang nagbibigay ng direksyon sa iyo ay wala na. Kapag laha...

Sanay ka ba sa karayom, check-up, o mga sugat?

Yun ibang tao, sanay na magpa check up sa doktor. Yun ibang katulad ko naman ay hindi. Sa totoo lang, naiilang pa rin ako kapag kailangan na hawakan ako o kung kailangan ko mag hubad sa harap ng ibang tao para magpa check up. Ilang beses ko lang siya ginawa.  Pero ang mas kinakatakot ko ay ang matusok ng karayom. Kaya dati noong bata pa ako tuwing pinapa vaccine ako ng nanay ko ay binibigyan ako ng kendi ng doktor. Hindi ko rin tinitignan ang pagtusok niya sa akin. Pagkatapos naman ako maturukan ng vaccine ay binibigay sa akin ng doktor ang pang-injection. Tinatanggal lang niya ang karayom. Pinaglalaruan ko naman ang injection. Doon ata nagsimulang umasa ang nanay ko na sana paglaki ko ay maisipan kong mag doktor.  Nakakabilib talaga ang mga tao na nasa medical field. Hindi ko alam paano nila kinakaya ang mga ginagawa nila. Kahit isipin ko pa na sana nga sinunod ko ang nanay ko na mag doktor para masigurado na maganda ang kita ko kumpara sa pinili kong buhay, ay hindi talaga k...

Paano ba magpa turn-off?

Paano nga ba magpa turn-off? Kung ang karamihan ng mga tao ang problema ay kung paano sila mapansin o magustuhan ng crush nila, paano naman kung mayroon may gusto sa iyo na ayaw mo??? O diba, problema ito hindi lang ng mga maganda/gwapo, minsan ma appeal ka lang talaga sa iba kaya lang hindi mo sila gusto...mapili rin eh! Haha. Ito talaga ang problema ng mga taong parating hindi nila gusto ang nagkaka gusto sa kanila. Pero anu-ano nga ba ang dapat gawin para ma turn off ang may gusto sayo na kahit anong gawin mo ay hindi mo talaga makayang magustuhan? O kung nagustuhan mo naman sa ng sandali ay bigla ka naman nagisting sa katotohanan?  Para sa akin ito ang ginawa ko dati (para sa iba’t iba ito ha. Grabe naman kung sa isang tao ko lang ito ginawa): 1. Sabihin na ayaw mo sa kanya sa simula pa lang. ‘Honesty is the best policy’  ika nga. Kung bet ka pa rin niya kahit sinabi mo naman na hindi mo siya gusto, desisyon na niya iyon. Basta ‘wag lang na nangungulit pa. Sorry, hindi po ...

'Onli in da Pilipins': Ano ang mga naituturing na 'normal' sa Pilipinas?

Ano nga ba ang mga nagiging normal para sa atin sa Pilipinas? Bukod sa TRAPIK, BAHA, WALANG PASOK, KORUPSYON, MAHIRAP/WALANG MASAKYAN, MAYROON MGA NAG-RARALLY, at MABAGAL NA SISTEMA, ano pa ba? Hindi mo alam kung hindi lang ba tayo marunong magbasa ng mga nakalagay na bawal. Kasi kahit nakalagay bawal, doon pa lalo ginagawa ng mga tao. Ano ba iyon suggestion lang? Na kung ayaw sundin, ayos lang? Katulad ng nakasulat na “NO LOADING UNLOADING.”  Nakalagay na bawal magbaba at magsakay pero doon pa naghihintay ang mga tao ng sasakyan. Ano naman kaya ay doon papara upang bumaba. Minsan naman kasi ang layo ng sakayan at babaan kaya yun mga tao tinatamad na sa tamang sakayan at babaan maghintay/sumakay/bumaba. Minsan naman malapit na lang ang lalakarin, hindi pa sasabay sa pagbaba ang mga tao. Kaya ang mga sasakyan tigil ng tigil. Nakakasayang ng oras ng mga sakay, nakakadagdag pa sa trapik. Onli in da Pilipins? Ang mga waiting shed nga dito hindi maaring upuan. Hindi maaaring paghintayan...

Paki Sabi Na Lang Kaya?

Posible ba na isang araw magising ka na lang sa katotohanan na wala na ang pagnanais na makasama pa ang taong pinahalagahan mo ng sobra? Posible ba na ang closure ay hindi na kinakailangan pang umabot sa pagkakakataon na masabi ang mga dapat sabihin? Hindi na kailangan makapag-usap pa upang maging malinaw ang lahat. Posible ba na ikaw na lang sa sarili mo ang nagsara ng isang kabanata sa kwento mo? Hindi naman dahil hindi ko na siya mahal, pero natanggap ko na lang na hindi na siya babalik. Dati ang gusto ko sana ay magkausap kami ng personal para maayos na maisara ang kwentong ito--para wala nang mga "what if" na matitira. Pero ngayon ay natanggap ko na lang na ang kawalan ng "closure" ang katapusan ng kwento namin... Kaya hindi na ako naghihintay na magkausap pa kami para maayos akong makapagsimula sa buhay ko. Nawala na lang ang konting nararamdaman na natira sa akin dati. Naaalala ko tuloy ang ilang bagay na inuulit sa Landmark Forum: "life is empty and mea...

Paano ba magkaroon ng bagong simula sa buhay?

Pagkatapos ng COVID19, marami ang nabago sa mga bagay bagay. Mas tumaas na ang presyo ng mga bilihin. May mga taong nawala, may mga taong umalis, at mayroon rin mga bagong nakilala. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay, pati na rin ang mga tao ay mayroong mga pinagbago.   Sa daming nangyari sa akin noong panahon na iyon, isa bagay na talagang iniiisip ko ngayon ay paano ba ako magkakaroon ng bagong simula sa buhay? Paano ba ako magpapatuloy mabuhay ng wala na ang mga mahal ko sa buhay? Paano ba ako magsisimula ulit sa buhay, ngayon na mag-isa na lang ako? Sabi nila upang bigyan ka ni Lord ng bago, dapat bitawan mo ang mga luma. Marami na akong binitawan. Yun isa, ilang beses ko nang binitawan. Lalo na kapag napapagod na ako sa mga bagay na walang linaw. Pero naisip ko rin na baka hindi pa ito ang tamang panahon para kalimutan siya?  Sa proseso ng pagbitaw sa mga bagay na luma ay binalikan ko ang mga bagay mula sa nakalipas. Bumalik ako sa kung saan nangyari ang lahat ng nagb...

Uso pa ba ang paghihintay?

Naghintay ka na ba sa taong gusto mo? Gaano ba katagal dapat maghintay? Buwan, taon? Sa panahon na sanay ang mga tao sa instant, uso pa ba ang paghihintay sa taong mahal mo? Sabi ng iba, ang panahon ng paghihintay ay makakatulong upang malaman kung totoo ba ang nararamdaman mo, kung mahal mo ba talaga siya, o kung mahal ka nga ba talaga ng taong hinihintay mo.  Para sa iba, dapat hindi naghihintay. Kung mahal ka, mahal ka. Kapag hindi siya handa ngayon, ibig sabihin hindi siya ang para sa iyo. Hindi na pinapatagal iyon. Para bang pumara ka ng taxi o pag nagbook ka ng Grab, Angkas o JoyRide na kapag dumating dapat lumabas ka na agad. Maiksi lang daw ang buhay para sayangin sa paghihintay. Para naman sa iba, dapat sandali lang. Tama na raw ang ilang buwan. Kapag hindi pa rin nagbalik / naging handa para sa iyo ang taong hinihintay mo, ibis sabihin panahon na ito upang kalimutan siya. Kapag tumagal pa raw kasi, sign na ito na ibig sabihin ay hindi siya talaga para sa iyo.  P...

Paano ba ang tamang pagdadasal?

Paano nga ba dapat magdasal?   Sabi nila dapat raw sincere ka. Kasi hindi mo pa nga sinasabi alam na ni Lord. Sabi rin nila sabihin mo kay Lord kung ano ang totoong gusto mo. Dapat raw specific para malinaw ang gusto mo.  Parang bang kapag humihiling sa  Genie  or sa fastfood restaurant lang? Ito po ang order ko…???? Naaalala ko kasi yun sa “Bedazzled”. Kahit anong hiling niya sa Devil may ginagawa ang Devil para patuloy siyang humiling (kasi hindi siya nagiging masaya sa mga binibigay sa kanya o kung paano binibigay sa kanya ang hiling niya). At kapag naubos na niya ang mga hiling niya o ang ‘credit line’ niya sa Devil ay makukuha na ng Devil ang kaluluwa niya.  Kaya naisip ko  kapag ba ganoon naman ang gagawin mo, iyon bang specific ang prayer mo, ano naman bayad mo sa dasal mo? Bakit sa mga wishing well, dapat maghulog ng barya. Sa genie, ang kondisyon ay dapat 3 lang ang wish. Sa fairy god mother, dapat aayusin na lang ang mga bagay—refurbishing kung ba...