Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2016

Totoo bang "Love is 'Smell-Blind'"?

Sabi nila kapag ang isang magandang babae ay nagmahal ng pangit na lalaki o ang isang gwapong lalaki nagkagusto sa isang pangit na babae, "love is blind" daw kasi. Halos lahat ng tao ay hindi maintindihan kung ano ang nakita nung magandang babae o gwapong lalaki.  Nagugulat ang mga tao.  Ano ba yan?!   Hindi sila bagay! Maganda/gwapo pa ako diyan eh! Hindi kaya ginayuma siya? O baka naman mayaman yun kahit pangit. Malay mo naman "true love"...   Pero paano kapag ang isang babae/lalaki na naliligo araw araw ay magkagusto sa taong hindi gaano malinis sa katawan? Alam mo yun kahit anong mangyari ay ginugusto pa rin niya kahit alam niyang hindi naglilinis ng katawan. Anong itatawag doon: "love is 'smell-blind'" ? Inaamin ko na sensitibo ang pang amoy ko. Ayokong paulit-ulit ang amoy ko. Ayokong naamoy ko ang sarili ko. Kaya nga nakakatawang isipin na kahit anong sensitibo ng pang amoy ko ay minsan ko nang hindi pinansin ito. Yun tipong ...

Bakit Ba May "Utang"?

Utang. Isa sa mga bagay na magkakapareho ang lahat ng Pilipino ay ang pagkakaroon ng utang. Oo, tama ang nabasa mo lahat tayo ay may utang. Bawat isa sa ating mga Pilipino, mayaman man o mahirap ay may utang. Maniwala ka, kahit hindi mo aminin, may utang ka rin. Ang iba ay tayo mismo ang umutang. Ang iba naman ay iba ang may gawa para sa atin. Paano? Buhay na buhay ang mga kompanya ng credit card sa atin sa dami nating inuutang sa card. Yun nga lang sa bayaran nahihirapan na silang maningil. "Plastic Money" nga ang turing sa mga credit card. Sabi ng iba hindi raw nila mapigilan na hindi gumastos dahil isang swipe lang ng card nila ay nabibili na nila ang lahat ng kasya sa limit nila. Minsan nasabi ng isang kaibigan ko na pinaliitan raw niya ang limit niya para hindi siya ma tuksong gamitin ng gamitin ang card niya.  Madaling gumastos pero mahirap kumita ng pera. Madaling mangutang sa credit card, mahirap magbayad. Maraming ngutang at ngutang sa akin. Mayroon nagbabay...

Paano nga ba ang Makalimot?

Paano nga ba ang makalimot? Minsan mas madaling sabihin kaysa gawin. Sa tuwing sinasabi kong ok na ako, maayos na ako ng wala ka, mabuti nga na wala ka na sa buhay ko kasi hindi ka naman gwapo, at marami ka namang katangian na hindi ko gusto ay biglang may nagpapaalala sa akin kung paano kita unang nagustuhan ay bigla kong nararamdaman ang naramdaman ko noon. Paano naging ganito ang lahat sa atin? Paanong bigla na lang nagbago ang nararamdaman mo? Paanong isang iglap lang ay iba na ang gusto mo?  Paano ba ang makalimot? Bakit parang sanay na sanay ka na? Bakit parang mas matagal pa ang hinihintay ko kapag nasa fastfood chain ako kapag thigh part ang gusto ko sa chicken kaysa yun makahanap ka ng iba? Mas mabagal pa ang internet connection ko kaysa ang pag move on mo. Kasing bilis ba ng pagbabago ng lagay ng panahon ang pagbabago ng damdamin? Para tuloy akong namimili mula sa end of season clearance sale, habang ikaw galing doon sa bagong usa na ang suot mo. Ang bilis mo magbago...

Bakit ang Hirap Magpaalam?

Sa araw araw ay marami akong dalaw.  Bawat isa ay sari-sari rin ang galaw. Mayroon maraming mga kasama kapag pumupunta.  Mayroon iilan ang kasama.  Mayroon isa lang kasama at mayroon naman na mag-isa.  Mayroon din naman na walang kasamang pumupunta ngunit sa paguwi ay dumarami na.  Mayroon din naman walang kasabay sa paglisan. Sari-saring damdamin ang aking natatanaw sa bawat oras, bawat bisita.  May mga nakangiti, may mga umiiyak.  May naiinis at mayroon din mga natutuwa.  Mayroon mga nadaratnan at mayroon din naman naiiwan.  Mayroon dumarating ngunit mayroon din umaalis. Ang bawat pagsalubong ay puno ng kasiyahan.  Isang bagong pagsasama o pagbabalik sa dating tahanan.  Puno ng kasiyahan bawat isa.  Ngunit mayroon din pagsalubong na mayroon kalungkutan.   Mayroon rin puno ng pag-asa.  Mayroon din naman na puno ng pangamba at puro katanungan.  Samantalang sa bawat...

Natatakot ka bang Mag-isa?

Marami sa atin ay ayaw mag-isa. Sabi nga ni John Donne, "No man is an Island." Lahat raw tayo parte ng isang malaking populasyon ng mga tao. Ito nga kaya ang dahilan kung bakit ayaw natin mag-isa?  Mayroon sa atin ang natatakot mag-isa sa bahay. Naaalala ko ang sinasabi ng mga mommy ko dati kapag napag-usapan ang takot na mapag-isa sa bahay. Sabi nila, "bakit ka matatakot sa sarili mong bahay?" Totoo nga naman. E paano naman hindi kami natatakot sa bahay, sa dami ba naman napapanood namin na horror movies at documentaries (tulad ng sa Magandang Gabi Bayan dati), hindi ka ba matatakot? Sa totoo lang kapag gabi tapos maaalala ko ang mga napanood ko, nahihirapan na ako matulog may kasama man o wala sa bahay.  Ang iba ay natatakot matulog ng walang kasama habang buhay. Hindi ba mas mabuti nang matulog ng walang kasama kasi tahimik kaysa naman mahirapang matulog dahil humihilik ang katabi mo? Haha.  Marami sa atin ang ayaw mag-isa lalo na kapag kumakain. Naalala...

Puwede na ba ang Puwede na?

Puwede na ba ang "Puwede Na"? Bakit nga ba sa ating mga Pilipino madalas natin naririnig na "puwede na (yan)"? Kaysa naririnig natin na, "hindi puwede ang puwede na."  Effort paghirapan ang 100 na grade. Effort magkaroon ng Honors. Hindi naman lahat ng nag-aaral ng mga 100 na grade sa card o may honors pag graduate ay yumayaman. Oo, pero yun alam mong binigay mo ang lahat lahat ng makakaya mo para sa kung ano man ang makukuha mo habang nag-aaral ka ay tunay na makakapagpasaya sa iyo maraming taon man ang lumipas. Hindi ang pangongopya sa kaklase o sa mga nakalagay sa internet ang solusyon. Hindi ang paglalaro ng Dota o kaya ay mag update ng Facebook timeline ng bawat minuto ang magbibigay sa iyo ng pangmatagalan at tunay na kaligayahan. Hindi ang pag una sa pakikipag-boyfriend (o girlfriend) kaysa gumawa ng assignment o mag-aral para sa exam ang magpapaligaya sa iyo. Pwede na sa iyo ang pasado lang?  Parang sa buhay yan eh. Dahil sa ngayon pwe...

Bakit ba may mga 'PAASA'?

Ang tanong ng marami: bakit ba may 'paasa'? Madalas mong maririnig ang salitang 'paasa'. 'Asa ka pa', 'asa pa more', 'paasa lang', 'huwag kang paasa'. Marami ngang 'paasa' talaga. Halos lahat na ata ng tao nagiging 'paasa' minsan sa buhay nila. Kahit tayo mismo guilty tayo diyan dahil hindi naman yan limitado sa larangan ng pag-ibig ngunit sa ibang bagay sa araw-araw nating buhay.  Masalimuot na usapin ang tungkol sa mga 'Paasa' . Ngunit bago ang lahat ay paano ba natin maiintindihan ang salitang 'paasa'? Mula ito sa salitang ugat na 'asa'. Ayon sa www.tagalog-dictionary.com, ang mga kaugnay na mga salita ng 'asa' ay: hope, expect, trust, promise, view, desperate, chance . Sabi naman sa tagalog.pinoydictionary.com, ang mga salitang pag-asa ay: hope, trust, dependence, chance, anticipation . May 'FILIPINO TIME' nga ba o sadyang 'PAASA' lang? Nagkasundo kayo n...

Mahirap nga ba ang Pilipinas?

Mahirap nga ba ang Pilipinas? Bakit sabi nila naghihirap daw ang Pilipinas? Bakit nga ba parati nating naririnig na sabi sa ibang bansa mahirap daw ang Pilipinas?  Mahirap nga ba ang Pilipinas? Bakit Punong-puno ang mga mall parati? Dati wala ka masyado makikita sa mall kapag maaga pa at Lunes hanggang Huwebes. Bakit ngayon tila wala nang pinipiling araw at oras ang pagdagsa ng mga tao sa mall? Nagpapalamig lang sila? E bakit patuloy sa pagdami ang mga tinatayong mall? Ibig sabihin ba ayos lang sa mga nagmamayari ng mga ito na magtayo ng mas maraming palamigan ang mga Pilipino? Bakit kapag pumunta ka sa parking area ng mga mall at pasyalan ay sangkatutak ang mga sasakyan dito? Parang pumunta ka lang ng EDSA at C5. Punong-puno ng sasakyan. Madalas trapik. Mas madalas pa ang tigil kaysa ang paggalaw ng sasakyan. Nagiging isang malaking parking lot ang mga ito. Hindi lang basta jeep at bus o mga mumurahing mga sasakyan ang makikita mo sa kalsada, pati mga mamahalin na sasakya...

Bakit Ba Ang Hirap?: Gusto Mo vs. Gusto Ka

Hindi ko alam kung ano mas masakit:  (Gusto Mo) yung una kang nagkagusto sa isang taong hindi ka pinapansin pero nung nagdesisyon ka na mag "move on" dahil wala namang pag-asang magugustuhan ka rin niya ay bigla naman siyang nagpahiwatig na parang gusto ka na rin niya  O (Gusto Ka) yung mayroon may gusto sa iyo na hindi mo inakalang magugustuhan mo kaya hindi mo binigyan ng pag-asa ngunit  dahil parati nga siyang nagpaparamdam ay parang nagugustuhan mo na rin siya nang bigla mong malaman na sumuko na siya sa iyo at ibinaling na lang ang atensyon niya sa iba? Masarap sa pakiramdam na ikaw ang gusto kahit di mo siya pinapansin ay todo papansin siya sa iyo na nakalimutan mo na ang totoong gusto mo. Masarap sa pakiramdam na ikaw naman ang hinahabol. Ikaw naman ang binibigyan ng importansya. Ikaw naman ang pinapahalagahan. Ngunit minsan nawawalan ng pag-asa ang taong may gusto sa iyo dahil ang totoo ay hindi mo maipakitang nagugustuhan mo siya dahil hindi ka nam...