Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2023

Anong Ginawa Ko sa Loob ng Taong 2023?

Ngayon malapit na naman matapos ang isang taon at dumating ang bago, panahon rin upang muling balikan ang mga nangyari nitong isang taon. Paano mo ginamit ang oras na binigay sa iyo nitong 2023? Masasabi mo bang naging makabuluhan ang 2023 mo? Dahil blog ko ito, siyempre ako muna ang mag-iisa isa ng mga nangyari sa akin. Kaya ang tanong ko sa sarili ko: anong ginawa ko sa loob ng taong 2023?   Enero   Tatlong taon na mula nang nagsimula ang taon ko sa balitang wala na ang tatay ko. sinabi ko sa sarili ko kailangan ko nang pagtuunan ng pansin ang sarili ko. Panahon na upang  – isang malaking desisyon ang ginawa ko. Isang mahal na desisyon na kailangan ko gawin para sa mental health ko at para makapagsimulang muli.    Kaya lang naging pagkakataon rin ito upang masimulan kong harapin ang isang bagay na matagal ko nang isinantabi…Makalipas ang ilang buwan na iniwasan kong buksan ang isang social media account ko ay nakilala akong bagong kaibigan na nagpapa-add ...

Ilang beses ba tayo pwedeng magmahal?

Mayroon bang bilang ng pagkakataon sa buhay ng isang tao ang pagkakataon magmahal?   Para sa iba, dapat daw Unlimited . Parang unli rice , unli wings , unli sabaw . Tignan mo nga ang mga artista sa Hollywood ordinaryo na lang usapin ng divorce at remarrriage. Tulad na lang ni Elizabeth Taylor. Sa sobrang ganda niya ay naka ilang asawa siya. Pero hindi naman dahil lang maganda siya kaya ganoon. Malamang para sa kanya ilang beses kasi siya nagmahal.  Unlimited .   Sabi ng iba, 'habang may buhay' ang peg kasi habang nabubuhay ay maaari pa rin magmahal muli. Habang may asim pa ay hindi pa isasara ang tindahan haha...isa pa pwede naman daw ang try and try until you succeed  ang motto sa pag ibig. Trial and error . Hanggang sa makilala mo na ang makakasama mo hanggang sa huling hininga. Kaya ba dapat may divorce para may room for mistakes?   Kung 'learning from our mistakes' ang magiging basehan naman ay maaaring magmahal muli hanggang sa matutunan ang mga dapat matu...

Bakit gusto ng mga tao ang ‘hugot’ lines?

Noong isang araw ay napunta ako sa restaurant kung saan kinuhanan ang pelikulang “One More Chance”. Sigurado kung halos magkalapit ang edad natin ay kilala mo si Popoy at Basha. Pati na rin ang mga iconic lines sa pelikula. Mga linya na may ‘hugot’. Bakit nga ba ang benta ng mga ‘hugot’ lines sa mga tao? Minsan itong mga ‘hugot’ lines ay pareho ng gusto natin sabihin pero ginawa itong magandang pakinggan. Parang kapag nakikinig ka ng mga kanta ni Taylor Swift. Ang daming hugot lines. Sbai ng ani Raj sa ‘The Big Bang Bang Theory’, ‘not because she sings my truth…’ Yun mga bagay na hindi mo masabi ay nagagawa nila.    Minsan rin ay dahil mayroon tayong naaalala sa mga ito. Hindi man kapareho-kapareho sa nangyari sa atin, pero malapit na rin. May kurot (pwede naman related diba? Haha). Drama lang?   Minsan rin kaya ito mabenta sa mga tao ay dahil gusto lang nila ang usapin ng ‘heartache’. Naalala ko yun isang anak ng pinsan ko dati. Hindi pa ata siyanag-aaral noon pero dahil...

Naniniwala ka ba sa ‘fate’?

Kasalanan siguro ng mga nobela at mga palabas, tulad ng pelikula kaya marami ang naniniwala sa konsepto ng kapalaran o ‘fate’. Masyado siyang na-romanticize para sa mga tao.  Isa ka ba sa naniniwala dito?    Marami kung hindi man lahat ng hopeless romantic ay naniniwala sa ‘fate’. Kahit nga si Taylor Swift sinulat sa kanta niya na ‘Invisible String’:   “Time, curious time Gave me no compasses, gave me no signs Were there clues I didn't see? And isn't it just so pretty to think All along there was some Invisible string Tying you to me? ”   Totoo nga kaya ang ‘fate’? Pero ano ba ang ibig sabihin nito? Ayon sa Dictionary.com, fate is “ the development of events beyond a person's control, regarded as determined by a supernatural power.” Katulad rin ito ng ‘destiny’ na itinuturing bilang “the events that will necessarily happen to a particular person or thing in the future.”     Ito ang isang bagay na tinalakay sa pelikulang ‘Only You’ (1994), ku...

Paano ba mag-‘unlike’ ng taong gusto mo?

Mayroon akong isang kaibigan na matindi ang pinagdadaanan dahil sa kanyang pagka-gusto sa isang taong sa tingin niya ay malabo siyang magustuhan. Kaya naisip ko, paano ba mag-‘unlike’ ng gusto mo? Paano makakalimutan ang taong gusto mo ng mabilis?   Paano nga ba ito gagawin kung gustong gusto mo pa siya? Paano mo malalaman kung kailan mo dapat simulan kalimutan ang taong iyon? Mahirap itong gawin lalo na kung matagal mo na siyang gusto.    Paano nga biglang ma-‘unlike’ ang gusto mo?   1.       Make up your mind.   Tanongin ang sarili kung handa ka na bang ma-‘unlike’ siya? Sa aspetong iyan, ikaw lang ang makakasagot. Kung ‘oo’ ang sagot mo, maari ka nang pumunta sa mga susunod na numero. Kumbinsihin ang sarili kung ito na talaga ang gusto. Kailangan rin na sigurado ka na sa sarili mo na ito ang gusto mo, lalo na dahil hindi ka naman niya gusto. Paalala mo yan sa sarili mo ng paulit-ulit.    2.       Be ...

Saan ka nga ba pagkatapos ng graduation?

Sa mga mag-aaral, graduation ang pinakahihintay na araw. Madalas natin naririnig ang ‘congratulations’ bilang pagbati sa mga nagtatapos ng pag-aaral. Pagkatapos ng graduation ay susunod na ang tanong kung ‘saan ka na pagkatapos ng graduation?’ Dahil sa totoo lang ang isa rin sa mga dapat na sinasabi pagkatapos ng congratulations ay ‘welcome to the real  world’ na ang kasunod. Simula pa lang ito ng panibagong yugto ng kanilang buhay.    Naalala ko tuloy noong graduation ko sa college. Bago pa dumating ang araw ng graduation ko ay mayroon na akong trabaho. Kung nabasa niyo ang kwento ni Mr. Fire-lirt ay mainit indian niyo ito. Sa totoo lang, sinabi ng isan professor namin na mas maganda raw na magpahinga muna o magbakasyon pagkatapos ng graduation. Sabi niya lalo daw para sa mga lalaki kasi inaasahan na silang tuloy tuloy na magtatrabaho hanggang retirement age. Samantalang ang mga babae naman  daw ay maaaring tumigil sa trabaho kung manganganak. Pero ako, hindi p...

Ano ang Kuwento ng Tatay ko?

Si Daddy.  Paano ko ba sisimulan ang kwento tungkol sa tatay ko? Siguro kung sino muna siya?   Si Daddy ay ikalawa sa sampung magkakapatid mula sa isang simpleng pamilya sa Ilocos. Magsasaka ang Lolo Francisco ng kanilang lupa kaya hindi nila problema ang pagkain. Kaya lang kulang sila sa pera upang mapag-aral sila Daddy lahat. Kaya naman noong papasok na siya ng kolehiyo ay tumira siya sa kapatid ni lolo sa Laguna na nagpa-aral sa kanya. Nagloko raw kasi sa pag-aaral ang kuya ni Daddy kaya siya muna ang pinag-aral. Kaya lang pagkatapos ng second year ng college ay kinausap na ng kuya niya ang tiyo nila na gusto na raw nitong mag-aral ulit. Kaya lang isa lang pwedeng pag-aralin ng tiyo nila. Bilang ang tatay ko ay mapagbigay sa pamilya ay nagbigay siya ng daan. Tumigil na lang siya sa pag-aaral at nagtrabaho sa talyer. Natutunan niyang magdrive at magkumpuni ng mga sasakyan.    Kinumbinsi ang tatay ko ng isang kamag-anak nila na mag-apply sa US Navy. Kaya lang noong ...

Ano ang kuwento tungkol sa nanay ko?

Si mommy.  Tatlong taon na mula nang nawala siya. Tatlong Mother's day na rin pala ang lumipas na wala siya.   Noong bata ako, siya talaga ang lagi kong ginagaya. Kaya nga pati ang pagpapakulot niya ginawa ko. Kahit pinagtatawanan ako ng mga tao kasi mukha nga raw Sto. Niño. Pagpapa make up niya Kay Rodhang bakla ako ginawa ko rin. Ayoko na masasabi ng mga tao na kamukha ko ang tatay ko kasi gusto ko si mommy ang kamukha ko. Kaya lang medyo malayo pala talaga ang itsura namin kasi Maputi siya. Yun pag susuot niya ng daster ginagawa ko rin nung bata ako hanggang sa pinag sabihan na ako ng isang kamag anak na di raw maganda na lagi akong naka daster. Kaya rin siguro hindi ako natuto pumorma na sexy o sumunod sa uso kasi hindi ko nakitang ganun si mommy. Simple lang si mommy. Kaya masaya na rin ako sa ganun lang. Sa totoo lang noong napilitan ako matuto mag make up ay matagal na akong nag tatrabaho. Sa akin siya nagpapa makeup pag may event siya: kasal o kung ano man.   Si m...

Handa ka na bang buksan ang bagong kabanata??

Malapit na... https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/season-2-ikalawang-yugto-pmfl.html  

Nabasa mo na ba ang mga kuwento sa Unang Yugto / Chapter 1 ng "Ang Aking 'Mapait na Matamis' na Kabanata"?

Si Mr. BF-ni-Ate ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-bf-ni-ate.html ) Si Mr. Kapitbahay ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/mr-kapitbahay.html ) Si Mr. Simba-hun ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/siya-yun-lalaking-nakita-ko-rin-sa.html ) Si Mr. Extra Joss  ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/mr-extra-joss.html ) Si Mr. Look-a-Like ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr.html ) Si Mr. Fair-e-View ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-fair.html ) Si Mr. Clean ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-clean.html ) Si Mr. Hair Gel ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-hair-gel.html ) Si Mr. Fish Ball ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/sang-hapon-bago-matapos-ang-ikalawang.html ) Si Mr. Brother-Long-Nails at si Mr. Pianist ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/hindi-ko-alam-kung-dahil-ba-nalulungkot.html ) Si Mr. Frie-lirt ( https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/minsan-sa-buhay-natin-dumarating-ang.html ) Si Mr. Frie-lirt (ulit) (...