Anong mga kalokohan ang nagawa mo dati sa ngalan ng 'pag-ibig' o matinding paghanga?
Umiyak ka na ba ng bongga dahil sa unrequited love? Tipong lahat na ng love song tungkol sa pagiging broken hearted ay nakabisado mo kahit na 'di naging kayo? Kinanta mo ba yun "Mr. Kupido, ako nama'y tulungan mo. Bakit 'di panain ang kanyang damdamin nang ako ay mapansin..."? (Kung hindi mo alam ang kantang iyon ay hindi tayo magka-henerasyon!) Pwede rin namang, "Kailan? Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong gawing lambing, 'di mo pinapansin..." (O ayan, kinover na iyan nila Juris & Chin dati pati na rin ni Xian Lim, kaya I'm sure alam mo na 'yan!)
O umiyak ka na ba dahil sa 'love'. Nagkahiwalay kayo pero hirap kang mag-move on. Sa dami mong nagawa para sa kanya ay hindi pa rin kayo nagkatuluyan. Ang iba ay sinisi ang kabilang panig o ibang tao, kasama ang third party o mga kahati/kabit/kalaguyo. Ang iba naman ay martir o self-pity ang drama.
Ang tanong: isa ka bang fan, stalker, 'in love', heartbroken?Ano ka man sa mga ito dati o ngayon, ito ang listahang ginawa ko sa tulong na mga pinsan at kaibigan ko ng ilang mga bagay na nagawa namin sa ngalan ng "pag-ibig" o matinding paghanga.
Mahirap maging isang Fan
Unang una, mahal maging isang fan. Lalo na kung taga-ibang bansa ang crush mong celebrity.
1. Bumili ng tickets sa concert kahit mahal.
2. Pumunta sa lahat ng show niya. Kahit saan mo kayang pumunta. Kahit jologs pa ang mga crowd.
3. Manood ng movie ni crush kahit na may sakit....
4. Bumili ng lahat ng merchandise na may mukha niya (magazine, CD, kalendaryo, baso, atbp.)
5. Umiyak ng todo todo dahil naitapon ng naglilinis ang Pepsi bottle na may picture niya...
What's in a Name?
6. iFLAMES ang pangalan niyo...
7. Palitan ang epilyido ng epilyido ni crush...
8. Gumawa ng pirma gamit ang epilyido ni crush...
9. Mag-isip ng pangalan ng magiging anak niyo...
Salamat, Technology!
10. Magmisscall sa cellphone niya gamit ang ibang number...(buti na lang mura na ang sim card ngayon)
11. Tumawag sa bahay nila at ibaba ang phone pag narinig na ang boses niya...
12. Makipagtext mate sa kanya gamit ibang number at pangalan..
13. Search mo siya sa social networks
14. Parating tinitignan ang update sa account niya, syempre dap at updated ka sa kanya!
15. Gumawa ng bagong account sa Friendster Or Facebook para mastalk siya...(Friendster at Myspace pa ang uso dati)
16. Iaadd siya sa ym at ichat!
Memories
17. Itago ang balat o can ng pagkain or inumin na bigay niya...
18. Gumawa ng scrapbook
I9. Isulat sa diary ang mga kilig moments. Parang sa commercial ng hotdog dati "Dear Diary, Carlo sat beside me today..." (in fairness, cute pa si Patrick Garcia nang mga panahon ng ANG TV days niya)
20. Itago ang lahat ng letters galing sa kanya
21. Gumawa ng mini Shrine sa kuwarto mo puro tungkol sa kanya (kasama mga basurang nahawakan niya parang si Helga lang sa Hey Arnold! pati nakolekta niya lahat ng bubblegum na idinidikit ni Arnold sa ilalim ng armchair)
22. Ilagay ang pangalan niya sa bawat autograph book na sinasagutan...Baka sa kakasulat mo magkagusto na siya sa iyo.
23. Magcelebrate sa birthday niya
24. Magspray ng pabango ni crush sa panyo at amoy amoyin
25. Bumili ng shirt na katulad ng sa kanya kunwari couple shirt or yakap ka niya
Picture! Picture!
26. Hiramin ang yearbook nila crush mula sa friend mo na may kapatid na schoolmate or friend or batch mate si crush
27. Maglagay ng picture niya sa wallet mo para kunwari kayo...
28. Magprint ng picture niya galing sa account niya...
29. Kuhanan si crush ng picture. Stolen o Hindi. Magpapicture na andun siya sa background Kung Di mo kaya magpapicture kasama niya or picturan siya
30. Magprint ng malaking picture ni crush at ilagay sa dingding ng kuwarto mo (additional item para sa iyong mini Shrine)
31. Bigyan siya ng picture mo...bahala na kung itapon, ipakulam o ipa-blotter niya sa pulis ang litrato mo.
32. I-morph ang pictures niyo para malaman ang itsura ng baby niyo...
I Believe...
33. Magwish sa bawat chance na makuha na magkagusto syo si crush
34. Isulat ang pangalan niya sa papel at ilagay sa ilalim ng unan..
35. Horoscope, naaalala ko may mga kakilala ako minsan kahit sa spreadsheets ganyan ang tinitignan na parte ng dyaryo kaysa sa headlines.
36. Komunsulta sa manghuhula o albularyo. Kapag sinasabi niyang magkakatuluyan kayo o may pag-asang magkagusto siya sa iyo ay naniniwala ka na
37. Magnobena. malay mo pakinggan ni God ang prayers mo.
38. Isipin ng isipin ang name niya bago matulog Baka sakaling mapanaginipan mo siya
39. Subukang icompute sa Love calculator ang mga pangalan niyo. Tignan kung ilang percent ang compatibility niyo! (pati na rin ang mga kapangalan niyong dalawa)
40. Humingi ng payo sa radyo (Kay Joe D'Mango, Nicole Hiyala, Papa Jack, atbp.)
Be MORE Connected
41. Magpakalat kalat sa school
42. Magpalakas sa friends niya...
43. Kaibiganin ang mga ka pareho niya ng uniform Baka kilala niya...
44. Try maging close sa family niya...
45. Dumaan sa bahay o building niya Baka sakaling lumabas siya...Alamin San siya nakatira.
46. Ka kuntiyabahin si friend para makipagkilala kunwari sa kanya
47. Magpunta sa school ni crush lalo na kapag may event
48. Kakuntyabahin mga pinsan para magkaroon kayo ng chance magusap ni crush
49. Pilitin tumambay sa tambayan ni crush, kumain sa kinakainan niya, etc.
50. Alamin ang favorite niyang pagkain at iyon ang iorder!
51. Kaibiganin ang mga tauhan sa kinakainan o tinatambayan niya para makakuha ng impormasyon tungkol kay crush
52. Inuman ang baso or mineral water na ininuman niya para kunwari ng kiss kayo...Or lawayan ang iinuman niya
53. 'Wag hugasan ang kamay na hinawakan ni crush kahit naliligo
Attention! Attention!
54. Todo papansin sa harap niya...
55. Bumili ng bagong damit at magpakita sa kanya
56. Magpanggap na natatakot kahit hindi makuha lang atensyon ni crush
57. Magpacute ng bongga, magsmile ng todo, iflip ang hair or ilaglag ang gamit sa harap ni crush. Baka mapatingin si crush
58. Galitin siya para makuha attention niya, gawin ang ayaw niya
59. Turuan ang bata magsabi ng I Love You Kay crush
60. Magpaka Jologs para lang makita si crush
Going the Distance
61. Sumama sa prusisyon kahit madapa sa kili kili ng nasa harapan
62. Makipagsiksikan kahit maulanan, maputikan, maapakan ang paa, mag-amoy kaparehas ng di mo maintindihang amoy ng katabi sa crowd makita lang si crush...
63. Magpunta sa perya na malapit sa kanila
64. Pumunta sa lahat school events, mag maganda at umasang makikita siya..
Be Inspired!
65. Magpuyat at makuhang gumising ng maaga kinabukasan para sa crush...
66. Magsulat ng story kayo ang bida...
67. Magsulat ng poem or kanta dedicated kay crush...
68. Idedicate ang portfolio mo sa creative writing class sa kanya...
69. Mag absent sa classes ko para gawin ang paper ko pero pumasok ako sa PE class nung umaga para makita Lang si crush.
70. Try maglaro ng sport ni crush
71. Manood ng laban ni crush naiintindihan man o hindi ang laro, basta cheer mo siya!
Love is Generous!
72. Bigyan siya ng sulat or card para maalala ka niya.
73. Bigyan siya ng bulaklak, balloon, gift, card, etc. lalo na sa valentine's
74. Bigyan siya ng regalo, handmade mas maganda para talagang maalala ka niya
75. Bigyan siya ng mamahaling regalo, for sure hindi nia basta malilimutan ang gift mo, este ang nagbigay.
Love is like a Battlefield (dapat prepared ka!)
76. Magdiet! Gusto kasi ni crush sexy daw
77. Basahin ang lahat ng libro about finding your prince charming or boy meets girl
78. Basahin ang lahat ng self help books and articles about finding true love or how to make a guy fall in love with you
79. Ipaglaban sa parents
80. Magtapat ng nararamdaman sa letter, sa phone, sa social media, o harap-harapan!
Ilan pa lang ito sa mga nangyayari at nangyari na. Ang kuwento sa likod ng bawat item dito ay ilalahad ko ng unti-unti.
Iba iba tayo ng karanasan. Maaaring may mga ilang bagay sa listahan ang nagawa mo na. Maaari ring malayo sa mga nakalagay rito ang naranasan mo o nagawa mo.
Ang iba ay nakakasisi, ang iba naman ay nakakatawa na lang isipin. Ang iba rin ay nakakahiyang maalala. Pero naniniwala ako na lahat tayo nakakagawa ng kalokohan dahil dito. Lahat tayo minsan sa buhay natin ay nahuhunghang dahil dito. Iba iba nga lang ang antas ng pagkahunghang at iba iba rin naman ang kinahantungan ng mga nagawa natin.
Ikaw, naloka ka na rin ba dahil sa "pag-ibig"?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento