Summer na naman. Panahon ng tag-init. Napalitan na ng maalinsangang panahon ang lamig ng hangin noong panahon ng Disyembre at Enero. Ito ang paboritong panahon ng mga estudyante kasi walang pasok. Pero para sa mga may pasok sa kolehiyo at ang may mga kailangan ipasok sa summer na subject na naibagsak, pareho lang ito sa ibang mga araw, sobrang init nga lang.
Summer is time to be resourceful!?Naisip ko tuloy, paano nga ba ako kapag panahon ng tag-init? Parang kailan lang isa rin ako sa mga nagdiriwang kapag summer na. Iba iba ang pinagkakaabalahan ko dati. Dito lumalabas ang pagiging resourceful at malikhain ko para malibang at magkapera.
Noong grade school ako, dahil walang baon kapag summer ay sumubok kami ng pinsan kong magpataya ng ending. Hindi kalakihan ang kinkita namin pero pwede na rin kaysa wala. Syempre ang parokyano namin ay mga kamag-anak rin namin at ilang kapitbahay. Hindi sila makatanggi kapag inaalok na namin silang tumaya sa amin. Naging libangan din namin ang pagtulong sa pagtitinda ng nanay ko at mga pinsan namin tuwing hapon. Dati kasi ay nagtatayo sila ng maliit na kainan sa harap ng bahay ng mga lolo namin. Naglalagay lang sila ng ilang upuan at mesa. Nagtitinda sila ng goto, lugaw, saging con yelo, mais con yelo at halo halo. Kami ng pinsan ko ang maglilinis ng mesa pagkatapos kumain ng parokyano at maghuhugas ng mga pinagkainan. Libre ang merienda namin lalo na sa ala berde kami ang unang nabibiyayaan. Di naman kami malakas kumain kaya tipid na rin sila sa amin. hehe
Nagtinda kami ng isang pinsan ko noong high school ako ng Halo Halo at Mais con Yelo isang summer. Maraming bumibili kasi mainit ang panahon. Ang pinakamasaya doon ay isang hapon ay bibili pala ang kapitbahay namin, ngunit sa pagnanais namin ng pinsan ko na makasama sa gala ng pamilya ay bigla namin sinarado ang tindahan. Nagulat ang kapitabahay dahil kumuha lang pala siya ng baso ay nawala na kami agad! haha.
Summer is time to indulge!!!!
Kapag bakasyon rin maaga pa rin kaming gumigising para manood ng mga cartoons sa umagam, tulad ng Little Women 2 at Julio at Julia. Inaabangan namin sa umaga ang pagdaan ni mamang magtataho. Gustong gusto namin ang taho kahit sabi ng nanay ng pinsan ko na nakita raw niyang sumisinga yun magtataho kaya hindi raw siguradong malinis ang taho niya. Dati sabi rin niya na yun binibili naming burger sa ibaba ng ospital malapit sa amin ay gawa sa inunan ng mga batang pinanganganak sa ospital. Nakakadiring isipin kaya medyo nabawasan ang pagbili namin doon, pero ang bango kasi pag nagluluto kaya di rin kami makatiis. Kapag hapon naman ay nagmamadali kaming bumili ng binatog sa mamang magbibinatog. Sabi naman niya ay bulok daw na mais ang ginagamit sa binatog. Bumili pa rin naman kami kasi maasarap naman kahit na minsan naiisip namin na parang may uhog nga yun binatog kahit wala naman. Hindi namin naisip noon na niloloko lang pala kami ng tita ko na nanay niya para hindi kami parating bumibili.
Summer is time to bond with relatives!Noong malapit na akong mag high school, nauso rin sa aming magpipinsan ang paglalaro ng baraha. Tuwing umaga pagkatapos ko maglinis ng bahay ay maliligo lang ako at didiretso na ako sa bahay ng isang pinsan namin. Doon makikinood kami ng TV, makikikain, makikitulog ng tanghali at maglalaro ng baraha. Paborito namin ang Lucky 9 at Black Jack. Pagdating ng hapon darating ang isang pamangkin namin para maglako ng merienda: Bananaque ay Mais na may butter ang kadalasang dala-dala niya. Bago pa namin siya bayaran ay iniinis muna namin siya. Kunwari di kami magbabayad muna at sabay pintas sa dala-dala niyang tinda. "Ano ba yan mais mo, kulang sa butter! Ano ba yang bananaque kung hindi kulang sa asukal sunog naman!"
Kasama sa libangan namin ang pang-aasar sa kanya at pati na rin sa ibang pamangkin namin. Katwiran namin kasama sa paglaki nila ang pagiyak kapag inaasar namin sila. Kaya siguro naging matigas ang mga mukha ng mga iyon kasi nasanay sa pangbubulas namin sa kanila.
Pagdating ng hapon ay lilipat na kami sa mga lolo ko at kakain ng hapunan. Minsan naglalaro kami ng kung ano ano bago kumain. Pagkatapos ng hapunan ay Bingo naman ang nilalaro namin. Pasimuno ng mga tito at tita namin yan. Lahat ng bata ay natututong bumasa ng numero sa Tagalog, Espanyol at Ingles. Natututunan rin ang pagbobola, kasama ang adlib sa bawat numero. "Sa letrang O, kalbo!" Alas dose na ng gabi kami halos natatapos ng punuan. Pagkatapos magligpit ng Bingohan, ay nagtitipon kami ng mga pinsan ko para mag Midnight Snack. Kadalasan nagbibigay kami ng pera para makabili ng kropek at soft drinks. Minsan nagluluto kami ng pizza o pancit canton. Bonding na rin namin yan magpipinsan.
Summer din napapractice ang aming pagiging mga pintasera at pintasero, este pagiging kritik pala. Kasi naman panahon ito ng mga pageant sa bayan namin at mga Santacruzan. Wala nang nagawa o nasabing mabuti ang mga kandidata sa Ms. ______ para sa amin. Lahat chaka. Lahat cheap. Kulang sa brains. At kung anu ano. Basta para sa amin lahat sila hindi karapatdapat sa korona. Kaya wala sa aming magpipinsan ang ninais sumali doon kung nabahagian man kami ng tangkad. Keri na ang istura namin may makeup naman! haha.
Mas matindi pa kapag may sagala ng Santacruzan. Malapitan ang pagsuri sa mga dumadaan. Maganda ba ang damit? Maganda ba ang makeup? Maganda ba ang karo? Ang Ang pailaw at bulaklak? Ang escort, guwapo ba? Lahat pinapansin namin. Kaya nga kahit ilang beses akong inalok para maging Reyna Elena ay todo ang tanggi ko. (oo, maniwala kayo o hindi, inalok akong sumagal noong high school at college ako!) Minsan pa nga pag umuuwi kami ng probinsya. Sa dami ng bayan na nadadaanan namin ay nakakatiyempo kami ng sagala. Dahil hindi sila kasing bongga sa Maynila ay mas matindi ang pamimintas ang inaabot nila sa mga pinsan ko. "Ano ba yan? Pinalabas ang mga day parang day off lang! haha" ang sabi ng isang pinsan ko. Iba talaga kapag hindi ikaw ang tinitignan ng marami. Mas madaling sumuri. Mas madaling magbigay ng komento. Pero pag tungkol na sa atin ay hindi na natin matanggap.
Buti pa ang mga bakla hindi mo alam san kinukuha ang lakas ng loob kapag sumasagala sa Gayakan. Makapagsagala lang kahit nagtatawanan ang mga tao ay wala silang pakialam. Sige pa rin sa paglalakad. Sige pa rin sa pagkaway. Ganoon din ang mga nanay na frustrated beauty queens. Kahit na retired na dapat ay sumasagala pa rin sa sarili nilang sagala.
Summer is time for beauty?Iba iba ang mga kaklase ko pagdating ng pasukan. Ang iba ay umiikli o humahaba ang buhok. Ang iba ay pumapayat o tumataba. Ang iba naman ay nagkakaboyfriend o single pa rin kaya may crush na lang. Ang panahon ng tag-init rin ang panahon ng matinding pag-itim ko. Mula pa naman noong bata pa ako ay parati na akong tinutuksong negra. Kaya ang nanay ko todo suporta sa aking pagputi. Parati niya akong binibili ng mga whitening lotion mula noon pa. Hindi effective sa akin dahil maitim talaga ako at mahilig magpaaraw lalo na pag swimming kahit hindi marunong lumangoy. Oo, ako ang buhayang kate na hindi marunong lumangoy. Pero bago ako mag-grade 7 sinigurado kong magiging maputi ang mukha ko. Kahit yun man lang bahagi na iyon ng katawan ko ay may masabing maputi. Kaya todo ang pagtatago ko sa araw. Sa bahay lang ako maghapon. Kung makakapagsalita lang ang TV namin noon ay magrereklamo na ito sa sobrang gamit nito. Lahat ng cartoons at movies ay napapanood ko. Todo pahid rin ako ng Pond's at gamit ng sabong pampaputi ng summer na iyon. Sabi nga nila may pag-asa pumuti kung nanaisin lang! haha
Summer din napapractice ang aming pagiging mga pintasera at pintasero, este pagiging kritik pala. Kasi naman panahon ito ng mga pageant sa bayan namin at mga Santacruzan. Wala nang nagawa o nasabing mabuti ang mga kandidata sa Ms. ______ para sa amin. Lahat chaka. Lahat cheap. Kulang sa brains. At kung anu ano. Basta para sa amin lahat sila hindi karapatdapat sa korona. Kaya wala sa aming magpipinsan ang ninais sumali doon kung nabahagian man kami ng tangkad. Keri na ang istura namin may makeup naman! haha.
Mas matindi pa kapag may sagala ng Santacruzan. Malapitan ang pagsuri sa mga dumadaan. Maganda ba ang damit? Maganda ba ang makeup? Maganda ba ang karo? Ang Ang pailaw at bulaklak? Ang escort, guwapo ba? Lahat pinapansin namin. Kaya nga kahit ilang beses akong inalok para maging Reyna Elena ay todo ang tanggi ko. (oo, maniwala kayo o hindi, inalok akong sumagal noong high school at college ako!) Minsan pa nga pag umuuwi kami ng probinsya. Sa dami ng bayan na nadadaanan namin ay nakakatiyempo kami ng sagala. Dahil hindi sila kasing bongga sa Maynila ay mas matindi ang pamimintas ang inaabot nila sa mga pinsan ko. "Ano ba yan? Pinalabas ang mga day parang day off lang! haha" ang sabi ng isang pinsan ko. Iba talaga kapag hindi ikaw ang tinitignan ng marami. Mas madaling sumuri. Mas madaling magbigay ng komento. Pero pag tungkol na sa atin ay hindi na natin matanggap.
Buti pa ang mga bakla hindi mo alam san kinukuha ang lakas ng loob kapag sumasagala sa Gayakan. Makapagsagala lang kahit nagtatawanan ang mga tao ay wala silang pakialam. Sige pa rin sa paglalakad. Sige pa rin sa pagkaway. Ganoon din ang mga nanay na frustrated beauty queens. Kahit na retired na dapat ay sumasagala pa rin sa sarili nilang sagala.
Summer din kadalasan nagkakaroon ng mga liga ng basketball at volleyball. Karamihan sa aming mga babae ay basketball ang pinapanood. Syempre para tumingin ng guwapo. Minsan lang makatiyempo. Di ko nga alam kung sadyang pinagdamutan ng mga guwapong lalaki sa lugar namin. Nakakalungkot talaga kadalasan. Pero pinagtitiyagaan na lang namin ang mga nandoon. No choice eh. Hay. Pero sorry, mataas ang standards ng lola mo kaya bihira akong magkagusto sa mga lalaki doon.
Sandaling bumalik sa pagkaloka noong matapos ko ang 4th year high school. Panahon kasi yun ng kabaliwan namin ng mga pinsan ko sa F4. Gawa ng Meteor Garden yan. Sobrang pagka-fan namin pinagpupuyatan namin ang panonood at pagdownload ng mga videos ng F4. Naubos rin ang pera namin at ng mga magulang namin sa pagbili lang ng mga gamit (CD, photobook, etc.) na may mukha lang nila. Sa TV kami nakatutok buong summer dahil sa kanila. Nagmamadali kaming umuwi sa bahay kahit nagsimula na ang pasukan para lang malaman kung nagkakamabutihan na si San Chai at Dao Ming Si sa latest episode ng Meteor Garden. Buti pa ang kuwento nila nakakakilig. Wala na kami pakialam sa sarili naming kuwento nang mga panahong iyon.
Pagdating ng college, iba na ang pinagkakaabalahan ko pag summer. Nag-level up na ako. Nag-aral ako ng Arabic at Korean. (Tsaka ko na ikukuwento kung bakit sabay). Nag-try din ako mag-aral ng Bahasa Indonesia pero di ko natapos noong nagsimula na ang pasukan. Naki-sosyo rin ako sa tindahan ng merienda ng mga pinsan ko pag wala akong pasok. Nagpunta ako sa ibang bansa kasama ng mga kaklase ko. At nag-aral rin ako sa ibang bansa noong sumunod na taon.
Summer. Ang daming nangyayari. Mainit man ang panahon ay marami akong alaala. Ikaw, anong kuwento mo pag panahon ng tag-init?
Nag level-up na ako!Unti-unting nagbago ang summer vacation para sa akin. Mula noong matapos ko ang 3rd year high school. Nagsimula na akong mag-isip tungkol sa aking kinabukasan. Nag-attend ako ng review para sa college entrance exams.
Sandaling bumalik sa pagkaloka noong matapos ko ang 4th year high school. Panahon kasi yun ng kabaliwan namin ng mga pinsan ko sa F4. Gawa ng Meteor Garden yan. Sobrang pagka-fan namin pinagpupuyatan namin ang panonood at pagdownload ng mga videos ng F4. Naubos rin ang pera namin at ng mga magulang namin sa pagbili lang ng mga gamit (CD, photobook, etc.) na may mukha lang nila. Sa TV kami nakatutok buong summer dahil sa kanila. Nagmamadali kaming umuwi sa bahay kahit nagsimula na ang pasukan para lang malaman kung nagkakamabutihan na si San Chai at Dao Ming Si sa latest episode ng Meteor Garden. Buti pa ang kuwento nila nakakakilig. Wala na kami pakialam sa sarili naming kuwento nang mga panahong iyon.
Pagdating ng college, iba na ang pinagkakaabalahan ko pag summer. Nag-level up na ako. Nag-aral ako ng Arabic at Korean. (Tsaka ko na ikukuwento kung bakit sabay). Nag-try din ako mag-aral ng Bahasa Indonesia pero di ko natapos noong nagsimula na ang pasukan. Naki-sosyo rin ako sa tindahan ng merienda ng mga pinsan ko pag wala akong pasok. Nagpunta ako sa ibang bansa kasama ng mga kaklase ko. At nag-aral rin ako sa ibang bansa noong sumunod na taon.
Summer. Ang daming nangyayari. Mainit man ang panahon ay marami akong alaala. Ikaw, anong kuwento mo pag panahon ng tag-init?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento