Lumaktaw sa pangunahing content

Eow, Txt M MayB? Plz. Tnx! (Hello, text me maybe? Please. Thanks!)

Kilala ang Pilipinas sa pinakamaraming ngtetext sa loob ng isang araw. Texting Capital raw ang Pilipinas. Mas mura raw kasi ang text kaya mas madalas nagtetext na lang ang mga Pilipino kaysa tumawag. Minsan kahit nagmamadali na text pa rin ang pinipili ng mga Pilipino para tipid. Kadalasan ginagawa ng mga Pilipino ay paiksiin ang spelling ng mga salita para mas mahaba ang masabi sa loob ng isang message at mabilis pang maisend ito. Dito na nauso ang text lingo. 

elo. Musta?  :)

Hu u?

c don i2. Kain n U? :)

d p. kaw?

d p rn. bc k? c u 2m??

d nman. l8r nlang. gus2 ko fud!

k. c u! :)

wer n u? d2 n me.

w8 lang. 

luv u! xoxo :)

Nakakainis magbasa ng text dahil ang hirap maintindihan lalo na kung di ka sanay. Dati naririnig ko lang mga tito at tita ko pati mga magulang ko na narereklamo sa text dahil mahirap daw maintindihan. 

Matindi pa nga ang evolution ng jejemon. Sakit sa bangs kaya di na ako nglagay pa ng sample. Ang hirap intindihin kaya nakakabanas talaga, kailangan mo ng Rosetta Stone para idecode! Di naman siguro ito sign of old age, generation gap pa siguro. Medyo malapit pa ang edad ko sa mga kabataang ito pero hirap na ako maintindihan ang lengwahe nila lalo na siguro para sa mga oldies. Jusme! Isang masamang epekto nito sa mga tao ay ang tuluyang paghina ng kakayahang magspell ng mga kabataan. Matindi pa rito ay kahit Tagalog na ay wrong spelling pa rin!!! Grabe na ito. 

Lagi ngang naiinis ang nanay ko sa amin kasi kapag may pinapa-contact sila, imbis na tawagan namin para mabilis ay nagtetext na lang. Ang matindi pa doon ay yun nagtuturuan kami kung sinong magtetext kasi pare-pareho kaming ayaw mabawasan ang load. Parati niyang sinasabi sa amin, "pambihira, 'wag na nga kayong mag-cellphone lagi naman kayong walang load!" 

Buti nga ngayon may Unli na ang text at call, pati nga internet browsing pwede na rin mag-unli depende sa promo. Dapat sa kaparehong network ang tatawagan mo para sa unli kaya marami ang mayroong higit sa isang sim card. Ang iba ay may 2 cellphone, ang iba naman bumibili ng mga cellphone na pwedeng 2 sim card, katulad ng cherry mobile. 

Usong uso noon high school ako ang text mate. Sabik ang mga tao sa bagong teknolohiya. Kahit ako ay minsang nakiuso. Oo, nakipagtextmate ako dati. Pangalan ng paborito kong artista ang pangalang ginamit ko. Hindi ko alam paano niya nakuha number ko pero pinatulan ko. Nakipagtextmate ako. Aba, ang lolo mo gusto pang makipag-eye ball!! Tinawagan pa niya ako. As if naman makikipagkilala talaga ako. Hello? Hindi pa ako nasisiraan ng bait noh! Di talaga tayo nakakasigurado sa 

Minsan may nagtetext sa akin na nag-aaral sa pinapasukan ng pinsan ko. Sinasagot ko naman. Feeling ko ang ganda ko at may nag-aabalang magtext sa akin. 

Di ko alam bakit pero noong dumating na yun pagkakataong ngtetext sa akin ang dati kong crush, natakot ako sa anong mangyayari kung sagutin ko text niya. Baka malaman ng magulang ko lagot ako. Kaya nagpanggap akong hindi ko natanggap ang text niya. Style yan diba? Pag ayaw nating magreply, sasabihin natin wala tayong natatanggap na text. Pag ayaw na natin makausap yun taong tumatawag sa atin magpapanggap tayong di marinig ang sinasabi niya at sasabihing, malabo ang signal o ano kaya ay low batt ako sabay pindot sa "end call" o i-off ang cellphone. 

Kanya kanyang style ang mga tao. May iba pinapalitan ang pangalan ng codes ang pangalan ng katext para hindi mahalata ng makikiaalam ng cellphone. Dati pinalitan ko ng "*" yun name ng type kong guy pero hindi para pagtakpan ang message niya pero para di ko makita yun name niya agad pag ngscroll ako. Di ko kasi matiis na hindi mag-expect ng message at tawag galing sa kanya parati. Buntong hininga na lang ang nagagawa ko sa tuwing galing sa iba yun text o tawag. (Uy, ang drama! Well, dati lang yun. Naka-move on na ako eh! hehe) 

Pero yun kaibigan ko pinalitan ng "Bal Inquiry"yun name ng katext niya para di buksan ng mga makikialam ng cellphone niya yun message. Pero naman sunod sunod ang text kaya tingin ko kahit di pangalan ng tao nakalagay doon ay nakakahinala pa rin ang dami ng text galing kay Bal Inquiry. (uy, friend kung nababasa mo ito, don't worry 'di ko naman binanggit name niyo ni BAL Inquiry. hehe)

Maraming relasyon ang naapektuhan ng cellphone. Marami ang nag-aaway dahil lang sa cellphone. Mayroong hindi nagtext or tumatawag dahil daw walang signal or low batt or walang load (kahit na naka-line naman). Lumalabas ang pagiging creative natin dito. Sabi nga kung ayaw may dahilan, kung ayaw parating mayroong paraan. 

Sa totoo lang, karamihan sa atin hindi raw mabuhay kung wala ang cellphone. Pakiramdam ng karamihan parang may kulang sa buhay nila. Kapag walang kasama, naghihintay o nakasakay sa jeep/bus/MRT/LRT, naglalakad makikita natin ang iba tumatawang mag-isa. Ang iba naman kung makipag-usap sa cellphone parang walang ibang tao sa paligid. Karamihan sa atin ay parang pumapasok sa sariling mundo sa loob ng cellphone. 

E bakit noong panahon ng mga lolo at lola natin wala namang cellphone pero nagkikita ng kausap? Nabuhay naman sila nang hindi dinidepende ang buhay at kaligayahan nila sa isang cellphone. Bago ang cellphone beeper ang uso. Itinatawag ang message sa operator kayta bago pa makarating ang message sa kinauukulan, ay matagal. Buti pa ang operator nalaman na ang message bago pa malaman ng taong dapat makaalam. Pero ako hindi ako nakasunod sa pagka-uso ng beeper. Wala akong pambili. Bumawi ako noong First Year high school ako. One liner pa lang ang cellphone ko. Mayroong ibang parang pangkaskas ng yelo sa lak ang cellphone pero ako katamtaman na ang laki. Ericsson yun. Biglang nagkaroon ng mga 4 liner. Nakikita mo na ang graphics. May mga sumasayaw, nagbibike na sticks, at iba pa. Madali kong pinalitan ng 4-liner at walang antenna ang cellphone. Nokia 3210. Cool ako! Bagong casing parati. Pinapalitan ko ang backlight. Nag-cocompose ako ng ringtone.

Kung iisipin, malayo na talaga ang pinagbago ng panahon. Sa lobb ng sandaling panahon ang laki na ng pagbabago sa larangan ng teknolohiya. Ngayon pwede na ring mag-internet sa cellphone. Ang pixels ng picture kasing linaw na rin ng digital camera. Pwede na rin manood ng TV shows, videos, at movies. Maaari ring makinig sa music at radyo sa pamamagitan ng cellphone. Kaya naman sa cellphone na umiikot ang buhay ng mga tao. Hindi mapakali pag walang cellphone. Buti pa ang cellphone parating hawak at hinaharap. May ibang ibubuwis ang buhay para lang sa cellphone.

Ikaw, paano ang relasyon niyo ng cellphone mo? Mas close ba kayo kaysa sa mga tao sa paligid mo?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...