Katulad ng sinabi ko sa nakaraang entry ko, mahirap maging isang fan. Mahirap masyadong humanga sa isang artista o singer. Bawat henerasyon na ata ay may mga fanatic, iba iba lang ang level. Sa panahon ng mga nanay ko, ang isang tita ko sa sobrang pagka fanatic kay Edgar Mortiz ay hindi na nakahanap ng lalaking papasa sa kanyang standards. Paano naman lahat ng nanliligaw sa kanya noong araw ay ikinukumpara niya sa idol niya. Sa panahon ng mga pinsan ko, kasikatan naman nila Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Aga Mulach, Richard Gomez, at marami pa. Dinaanan ko na rin yan. Sa ngayon nga sila Daniel Padilla na ang sikat. Minsan parang hindi na ako makarelate. Hindi ko na kilala ang ibang artista. Pero natatawa na lang ako kasi minsan din akong naging ganoon. Paano nga ba maging fanatic?
Unang una, masakit sa bulsa maging fanatic. Magastos maging isang fan. Tiba tiba talaga ang mga promoter kapag sikat ang idol mo. Sinasamantala ng mga ito ang kasikatan ng isang tao o grupo. Dati sikat na sikat ang Meteor Garden. Lahat na ata ng puwedeng dikitan ng mukha ng mga bida ng Meteor Garden ay maibebenta. Mug, stationery, photobook, kalendaryo, unan, baso, etc. Kahit hindi maintindihan ng karamihan ang mga kanta nila ay naging mabenta rin ang mga CD nila. Dinudumog rin ang mga concert nila kahit na ubod ng mahal ng mga ticket. Hanggang ngayon nga ay hindi makalimutan ng nanay ko kung gaano siya napagastos dahil sa aking pagiging fanatic. Ako rin naman ay nauubos ang pera ko dati sa kakabili ng kung ano anong bagay na may mukha o nila. Naalala ko na napabili pa ako ng t-shirt, pants at belt mula sa ineendorse nilang kompanya noong nagpunta kami sa ibang bansa para sa plastic bag na may mukha nila. Pakiramdam ko rin noon pag suot ko ang mga iyon ay yakap nila ako! haha.
Dati nakabili kami ng Pepsi bottles sa Hong Kong na may mukha ng F4. Sobrang tuwa namin ng mga pinsan ko kasi idol namin sila. Ingat na ingat pa naming inilagay sa gamit namin pauwi ng Pilipinas ang mga plastic bottles. Ilang buwan lang ang lumipas ay may naglinis ng bahay namin habang nasa bakasyon kami ng pamilya ko. Paguwi ko ay napansin kong nawala na ang mga bote. Naitapon pala ng naglilinis, aka raw niya ay hindi na ito kailangan dahil walang mga laman! Sama ng loob ko. Napaiyak ako ng bongga. Akala tuloy ng mga tao ay ano na ang nangyari. Buti na lang wala akong boyfriend kung hindi ay baka isipin nilang heartbroken ako sa sobrang maga ng mata ko. Mas matindi pa ang ibang fan na kilala ko, pumupunta pa talaga sa ibang bansa para manood ng concert ng mga idol nila. Naiisip ko na lang, buti naka-get over na ako sa pagiging fanatic ko.

Pangalawa, maraming oras at energy ang inuubos sa pagiging isang fan. Nakakapuyat, nakakapagod kaya dapat masipag ka at hindi sakitin. Kung gusto mong maging fan, dapat ready kang makipaggitgitan sa mga kapwa mo fan kaya kailangan malakas ang resistensya mo. Ready kang makakipagpalitan ng mukha sa mga tao sa crowd kahit na bungal pa yan. Pumila pa nga kami dati ng mga pinsan ko madaling araw pa lang para makapasok ng maaga sa venue ng concert ng idol namin. Pag-uwi namin ng bahay ngpalit lang kami ng damit at nagayos ng gamit dahil papunta ang pamilya namin sa Quezon para sa bakasyon. Ayun, bagsak kami lahat sa sasakyan. Kahit Matagal nang nakarating ang sasakyan sa Quezon ay hindi namin napansin sa sobrang pagod namin. May isang concert pa nga kaming pinanood na inulan. Wala kaming pakialam kung magkasakit man kami pagkatapos, ang mahalaga ay napanood namin ang mga idol namin. Di namin ininda ang putik sa mga sapatos namin at sakit ng mga leeg namin, nasiyahan namin kami mula sa malayo.
Naglakad rin kami ng ubod ng layo ng mga pinsan ko para makapunta lang sa tindahan ng damit na minomodel nila sa Hong Kong. Matindi yun isang pinsan ko. Crush niya kasi yun isang miyembro ng Powerboys (aka mga machong lalaking nakatuwalya sa locker room sa isang commercial ng Rexona noon). Minsan namin siyang sinamahan sa isang mall na medyo malayo sa amin dahil daw may Mall show yun crush niya. Nakakatawang isipin na kahit na nagkakagulo ay sumuong pa rin siya sa crowd. Ayun, muntik na siyang makipagpalitan sa isang fan na bungal at mukhang basang sisiw. Speaking of dapat malakas ang resistensya mo, ay sa totoo lang dati ay lagi kaming nagpupuyat sa pagdownload ng mga video ng F4. Minsan may session kaming magpipinsan na manonood kami ng Meteor Garden 2 kahit hindi pa ito translated makita lang ang mga idol namin. Kinabukasan ay gumigising kami ng maaga para tumingin ng merchandise na tungkol sa kanila at abangan kung mayroon nang pakita sa TV tungkol sa kanila. Noong isang taon, bigla akong nag-isip bata noong nakita ko si Mario Maurer. Napapanood ako ng pelikula kahit may sakit pa ako. Sa sandaling oras na nasa sinehan kami at nakikita ang guwapong mukha niya ay nakalimutan kong may sakit ako sa sobrang kilig. Ito ang sinasabing "if there's a will, there's a way" o sa Tagalog "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan". haha

Pangatlo, dapat marunong kang magshare. Bawal ang possessive. Marami kayong nakakakita sa idol mo kaya di rin malayong marami pang katulad mo na humahanga sa kanya. Sa pagpila namin para sa concert ng idol namin dati ay nakakilala kami ng mga pinsan ko ng maraming tao na idol rin ang idol namin. Sila ang isa sa mga nag-iinform sa amin ng latest sa aming mga idol minsan. Sumali rin sa mga grupo, lalo na sa internet para updated ka. Nakakatuwa nga isipin na mas maayos pa ang mga series na fans ang ngsub. Hindi lang sa inaccurate ang translation, madalas hindi pa sabay sa usapan ang subtitles kaya nakakainis panoorin ang mga binebentang DVD.
Pang-apat, dapat hindi ka mahiyain. Kapag fan ka, claim and proclaim! Di na mahalaga anong iisipin ng ibang tao, basta masaya ka na humahanga sa idol mo. Sabihan pa nila na jologs ka or weird ka, e ano naman? Walang basagan ng trip pwede?! Noong first year college ako, alam ng buong klase ko kung sino crush ko. Tawa nga sila ng tawa kasi may picture pa siya sa wallet ko! haha. Nagpapaturo ako sa mga kaklase kong Chinese ng Mandarin. Pero halos natatawa lang talaga sila sa aking kalokohan/"kalokahan". Biruin niyo, hindi ko naiintindihan ang lyrics ay nakabisado ang mga kanta nila! Katulad noong second year college ako, nagpunta kami ng isang kaibigan ko sa Beijing. Bigla kami nakakita ng poster ni Ken sa mall doon. Syempre fan ako, kaya pinilit ko siyang kuhanan ako ng litrato doon. Nagtitinginan ang lahat, pero bakit ko iisipin ang iisipin nila? Inisip ko kasi ilang beses ba ako dadaan doon? So go lang!
Mayroon akong isang pinsan sa sobrang pagkagusto kay Jericho ay tumambay kami sa labas ng ABSCBN pagkatapos pumunta sa isang gathering. Nang makita niya si Jericho ay hindi na niya pinalampas na di magpakuha ng litrato. Yun nga lang nanginginig kasi ang kamay ng isa ko pang pinsan na inatasan naming kumuha ng litrato nila ay medyo blurred ang kuha. Lesson yan, dapat mganda ang camera niyo at magpapakuha sa hindi nanginginig ang kamay! Ang ibang tao, sasabihin ang baduy or jologs ng mga taong nagpapakuha ng litrato sa idol nila. Pero sa totoo lang ay lihim silang nais rin magpakuha ng litrato kasama ang idol nila.

Nakakatawang isipin na sa dami ng pinagdadaanan ng isang fan para sa kanyang idolo kahit na wala naman siyang nakukuha mula dito ay patuloy pa rin ang paghanga at pagsunod ng mga fanatic. Ilan lang ito sa mga notes para sa mga fanatic. Marami pang masasabi ang ibang fanatic. Isa lang naman ang alam ng mga fanatic na payo rin nila sa iba, "Be unstoppable!" Hindi ka dapat mapipigilan ng ulan, araw, putik, pawis, bungal, pera, iisipin ng ibang tao, pati ng mga guwardya sa movie premiere at marami pang ibang bagay upang maging isang masayang fan.
Ikaw, naging fanatic ka rin ba?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento