Paano nga ba natin nalalaman na tapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin? Paano ba natin malalaman na ang huling pagkikita natin ang pinaka huling beses na pala? Paano ba natin malalaman na tapos na tapos na talaga ang mga bagay? Sabi nila kapag natapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin ay tatanggalin siya sa buhay natin ni God. Kung baga sa isang kwento o palabas, na write off na ang karakter kasi wala na siyang ambag sa kwento. Minsan ang pagkawala ng isang karakter ay sa paglipat ng trabaho, tahanan, lugar, bansa, pero minsan rin sa pagkamatay. Kung ano man ang pamamaraan ng pag write off sa karakter, isa lang ang malinaw dito: tapos na ang karakter. Hindi na siya magiging mahalagang bahagi ng mga susunod na kwento. Minsan ay mga mga karakter na nag exit na, pero ginagawang guest sa mga ilang episode lalo na kung na-miss siya ng mga nanonood. Pero panandalian pa rin ito. At kung hindi ito sasadyain ng mga manunulat ay hindi papasok sa eksena ng bida ang...
Ilang beses ko na narinig na, sana Disney Princess na lang sila. Kaya nga bakit parang masaya maging isang katulad na lang nila? Hindi nila kailangan mag trabaho para mabuhay. Princess nga eh. Dahil parang wala silang mga responsibilidad. Mukha silang hindi stressed sa buhay. Mukha lang silang masaya buong araw. Yun ibang Disney princess, pagkagising pa lang maganda na hanggang sa pagtulog maganda pa rin. Hindi uso ang acne, period cramps, at kung ano ano pang sakit sa kanila. Yun iba nakakausap pa ang mga hayop. Yun isa kumakanta lang, lumalapit na ang mga hayop sa kanya para tulungan siya sa mga gawain bahay. Mayroon rin yun isa na fairy godmother. Yun isa may mga duwende na nagtatrabaho sa minahan para sa kanya. Yun isa may genie ang nobyo niya. They lived happily ever after parati ang ending ng kwento nila. Pero kung papililiin kaya ako, sinong Disney princess ang pipiliin ko, sino naman kaya? Pwede kaya na mixed?