Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Puwede na ba ang Puwede na?

Puwede na ba ang "Puwede Na"? Bakit nga ba sa ating mga Pilipino madalas natin naririnig na "puwede na (yan)"? Kaysa naririnig natin na, "hindi puwede ang puwede na."  Effort paghirapan ang 100 na grade. Effort magkaroon ng Honors. Hindi naman lahat ng nag-aaral ng mga 100 na grade sa card o may honors pag graduate ay yumayaman. Oo, pero yun alam mong binigay mo ang lahat lahat ng makakaya mo para sa kung ano man ang makukuha mo habang nag-aaral ka ay tunay na makakapagpasaya sa iyo maraming taon man ang lumipas. Hindi ang pangongopya sa kaklase o sa mga nakalagay sa internet ang solusyon. Hindi ang paglalaro ng Dota o kaya ay mag update ng Facebook timeline ng bawat minuto ang magbibigay sa iyo ng pangmatagalan at tunay na kaligayahan. Hindi ang pag una sa pakikipag-boyfriend (o girlfriend) kaysa gumawa ng assignment o mag-aral para sa exam ang magpapaligaya sa iyo. Pwede na sa iyo ang pasado lang? 

Bakit ba may mga 'PAASA'?

Ang tanong ng marami: bakit ba may 'paasa'? Madalas mong maririnig ang salitang 'paasa'. 'Asa ka pa', 'asa pa more', 'paasa lang', 'huwag kang paasa'. Marami ngang 'paasa' talaga. Halos lahat na ata ng tao nagiging 'paasa' minsan sa buhay nila. Kahit tayo mismo guilty tayo diyan dahil hindi naman yan limitado sa larangan ng pag-ibig ngunit sa ibang bagay sa araw-araw nating buhay.  Masalimuot na usapin ang tungkol sa mga 'Paasa' . Ngunit bago ang lahat ay paano ba natin maiintindihan ang salitang 'paasa'? Mula ito sa salitang ugat na 'asa'. Ayon sa www.tagalog-dictionary.com, ang mga kaugnay na mga salita ng 'asa' ay: hope, expect, trust, promise, view, desperate, chance . Sabi naman sa tagalog.pinoydictionary.com, ang mga salitang pag-asa ay: hope, trust, dependence, chance, anticipation .

Bakit Ba Ang Hirap?: Gusto Mo vs. Gusto Ka

Hindi ko alam kung ano mas masakit:  (Gusto Mo) yung una kang nagkagusto sa isang taong hindi ka pinapansin pero nung nagdesisyon ka na mag "move on" dahil wala namang pag-asang magugustuhan ka rin niya ay bigla naman siyang nagpahiwatig na parang gusto ka na rin niya  O (Gusto Ka) yung mayroon may gusto sa iyo na hindi mo inakalang magugustuhan mo kaya hindi mo binigyan ng pag-asa ngunit  dahil parati nga siyang nagpaparamdam ay parang nagugustuhan mo na rin siya nang bigla mong malaman na sumuko na siya sa iyo at ibinaling na lang ang atensyon niya sa iba?

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay. 

Pagod Ka Na Bang Maging "Bitter"?

Pagod ka na bang maging "Bitter"? "Bitter" ka ba? Aminin na. Minsan parang alcoholism ang pagiging bitter, ang hirap aminin. Ang pagiging "bitter" parang "butter" may expiration. Matutunaw ka pag biglang nag-like sa post mo o nagparamdam ang nagustuhan mo na hindi ka naman gusto. Aasa ka na naman. Ngunit kapag nagsimula ka naman kumagat sa paasa niya, madagdagan lang ang galit mo sa kanya na parang nagdadagdag ka ng cholesterol sa puso mo sabay inom ng malamig na beer. In short, pinapatay mo ang sarili mo ng dahan dahan. Life is short para maging bitter habang buhay. Marami nang martir ang iba ginawa nang Santo at Santa, pero sila naging martir hindi dahil nagpakatanga sa love life. Kaya kung puwede lang, bigyan mo ng deadline ang pagiging bitter mo. Hindi dapat applicable ang "forever" sa pagiging bitter. Or else, mamatay kang bitter may love life ka man o hindi. 

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Bakit Ang Hilig Natin sa "Instant"?

Bakit nga ba mabenta sa atin mga Pilipino ang mga "instant"?  Dati kung mayroon kang polaroid na camera sikat ka kasi instant ang pag develop ng larawan. Hindi mo na kailangan iwan ang film para makita ang litrato mo. Ngayon naman may digital camera, DSLR at camera phones na may instant ganda dahil sa mga application. 

Bakit ang Hirap Aminin ng Nararamdaman?

Gusto mo siya pero hindi mo alam paano sasabihin. Nagseselos ka pero wala kang magawa kung hindi magalit sa taong umaagaw sa atensyon ng taong gusto mo kahit hindi kayo. Bukas makalawa gusto na ng taong gusto mo ang pinagseselosan mo.  Ang hindi natin alam ay kung ano ba ang nararamdaman para sa atin ng taong gusto natin. Paano kung gusto rin pala nila tayo? Pero dahil hindi natin masabi ang nararamdaman natin ay ibinaling na lang ng gusto natin sa iba ang kanilang atensyon…sa taong malayang nagpapahayag sa kanila ng damdamin. Bakit nga ba ang hirap umamin ng nararamdaman?