Nagmula ako sa isang sarado Katolikong pamilya. Nakalakihan ko ang pagsunod sa mga Katolikong tradisyon. Noong bata pa ako ay naaalala ko na mas sagrado ang Mahal na Araw kaysa ngayon. Isa sa mga pinaniniwalaan ng pamilya ko ay ang pagbabawal ng paggagala kapag Mahal na Araw. Hindi tulad ng iba na sinasamantala ang Mahal na Araw para makapagbaksyon ng mahaba. Sabi na nga ba hindi ako puwedeng maging artista kasi requirement ata sa pagiging artista na magpunta sa beach lalo na sa Boracay kapag Mahal na Araw. hehe. Dati ay ayaw na ayaw ko ang Mahal na Araw, hindi lang dahil sobrang init kapag pumasok na ang Mahal na Araw kung hindi dahil walang ibang palabas sa TV. Puro na lang mga kuwento tungkol sa Bibliya at mga Santo, katulad ng 10 Commandments , buhay ni Moses, buhay ni San Lorenzo Ruiz, pati na rin mga lumang palabas katulad ng Himala at Tinimbang ka Ngunit Kulang . Inis na inis ako kasi hindi ko mapanood ang mga paborito kong cartoons katulad ng Zenki at Julio at Julia na su...