Paano nga ba ang pasko para sa ating mga Pilipino? Sabi nila sa Pilipinas ang pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko. Biruin niyo pagdating palang ng Ika-1 ng Setyembre ay maririnig nang pinatutugtog ang mga Christmas Songs. Siyempre nangunguna dito ang pinakapatok na mga kanta ni Jose Mari Chan, lalong lalo na ang Christmas in our Hearts . Makikita na rin na unti-unti nang nagkakabit ng dekorasyon pamasko ang sa paligid. Tumatagal ang padiriwang hanggang Kapistahan ng Tatlong Haring Mago o ang tinatawag ng karamihan na Feast of the Three Kings. Minsan nga hinahabol pa ang Lunar New Year o ang mas kilala na Chinese New Year na pagtatapos ng Pasko. Hindi ko nga alam kung kailan nagsisimulang magbilang ng araw bago ang Pasko ang mga tao. Hindi naman siguro pagkatapos ng Bagong Taon, diba? M ga kakabayan, 360 days na lang bago ang Pasko? Pagkatapos ng Chinese New Year? Di naman masyadong excited sa Pasko, diba? Ano ano nga ba ang inaabangan kapag k...